15

34 5 1
                                    

“Ms. Colleen, napapagod na po ako sa inyo ni Sir Julian. Gusto ko na po kayong saktan dalawa.” nakangiting sabi ni Megan sa kanya. Alam niyang nagtitimpi na lang talaga ito dahil kanina pa nila ito inuutusan ni Julian. Simula kaninang umaga, hindi nagpakita si Julian sa kanya. At ganoon din naman siya.

Tama si tropa. Naiilang ako sa kanya.

Napahawak na lang siya sa ulo niya sabay sabunot sa sarili. Ang huling utos niya kay Megan ay samahan si Julian sa meeting nito ngayong umaga. Na siya namang tinanggihan nito. Ayaw niyang magpakita kay Julian. Ayaw niyang malaman nito na napuyat siya kaiisip dito.

Talaga, Mavis? Inisip mo siya magdamag?

Oo na nga! Masaya ka na. Hindi ko makalimutan 'yong halik niya. Hindi lang yata ako naka-sampung beses ng pagtu-toothbrush.

“Hindi ko pa rin magawang kalimutan, eh. Nararamdaman ko pa rin.”

“Ang alin ba, Ms. Colleen? 'Yong kiss niyo ni Sir Julian?”

“Huh?” napatayo siyang bigla sa sinabi ni Megan. “Anong sabi mo, Megan?”

“Dahil po ba nag-kiss kayo ni Sir Julian kaya hindi po kayo napasok sa office niya ngayon. Okay lang po 'yan, Ms. Colleen. Siya naman po humalik sa inyo, eh.”

Hindi kumibo si Avi. Iniwas niya lang ang tingin dito. Hindi pa tumatagal ng isang minuto ang paninigas ng leeg niya ay humarap na siya ulit kay Megan.

“Naiilang ako, Megan. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.”

“Problema ba 'yon? Huwag niyo po siyang tignan. Magpaka-busy po kayo. Huwag niyo ipakita sa kanya na apektado kayo. Hayaan niyong si Sir Julian ang lumapit sa inyo.”

“Ah, basta. Ikaw sumama sa meeting niya. Ihahanda ko na 'yong mga kailangan m—”

“Megan?” naputol ang kung anumang balak niyang sabihin ng marinig niya si Julian. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya. “Megan.”

Hindi gumagalaw si Megan sa kinatatayuan niya. Pinandilatan niya ito, pero ang loka-loka hindi man lang natinag sa kanya. Nakatayo lang ito sa harap niya habang nakapa-meywang. “Ms. Colleen?”

“Inuutusan mo ko, Megan?”

“Ms. Colleen, ito ang kailangan mo. Ipakita mo kay Sir Julian na hindi ka apektado. Para siya mismo lumapit at umamo sa inyo.”

Tumanggi siya pero dali dali siyang tinulak nito papasok sa kwarto ni Julian. Nagtama ang mga mata at sabay silang nag-iwas ng tingin.

Awkward!

Hindi makapagsalita si Avi. Samantala si Julian ay hindi na siya tinapunan muli ng tingin. Ibinalik nito ang tingin sa mga papel na nasa harap nito na kailangan nitong pirmahan. Biglang nakaramdam si Avi ng inis.

Hirap na hirap akong matulog tapos hindi lang ako papansin ng lalaking 'yan? Ang kapal ng mukha! Bakit hindi siya affected? Bakit ang gwapo niya pa rin? Ang kinis ng mukha niya. Parang hindi man lang napuyat ang walang hiya. Samantala ako, ang laki laki ng eyebags ko ngayon. Hudas na 'to! Hindi man lang siya na-konsensyang hinalikan niya ko. First kiss ko 'yon! Shit. Oo nga! First kiss ko 'yon. Walang hiya ka talaga, Julian Case Dionisio.

“Ms. Real, kung tatayo ka lang sa harap ko at tutungangaan ako habang nagta-trabaho ako dito, papasukin mo na lang ulit si Megan. Si Megan na lang ulit ang paharapin mo sa akin.” pormal na sabi nito.

Bakit parang may hinanakit? Siya nga 'tong nanghalik basta basta. Bakit parang ako pa may kasalanan sa kanya? Ninakaw niya nga first kiss ko!

“Megan!” naiiritang sigaw niya dito. Kitang-kita niya kung paano biglang nabitawan ni Julian ang ballpen na hawak nito bago tumingin ng masama sa kanya. Naiinis siya. Naiinis siya sa arte nito kaya wala siyang pakialam kung boss niya ito. Sa mga oras na 'to, siya lang si Julian. Ang lalaking nagnakaw ng unang halik niya.

Lalabas na sana siya ng biglang hindi niya mahila ang pinto. Pilit niyang pinipihit ang doorknob pero ayaw nitong mapihit.

“Shit.” bulong niya sa sarili. Kung kailan naman talaga siya magwo-walk out?

“Anong nangyari sa 'yo?” napatalon siya sa gulat. Nakatayo sa likuran niya si Julian. Ramdam na ramdam niya ang init ng singaw ng katawan nito. Natatarantang hinihila niya pinto, pero ayaw talaga nitong mabuksan. “Let me.”

Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya. Maingat na hinawakan siya nito sa braso bago sinubukang buksan ang pinto. Ngunit hindi rin nito magawa. Ilang beses nitong tinawag si Megan sa labas pero walang nasagot sa pagtawag nito. Kinakabahan na siya. Hindi niya kayang makulong sa iisang kwarto kasama si Julian.

“Avi.” pagtawag nito sa kanya.

Bigla siyang sininok. Napahawak siya sa bibig niya. Yumuko si Julian para tignan siya. Nang magtama ang mga mata nila ay bigla na naman siyang sininok.

“Are you okay? Gusto mo ng tubig?” napapikit na lang siya bago tumango ng suminok na naman siya.

Anong nangyayari sa akin? Lord, ang sakit sa dibdib ng sinok na 'to.

Inabutan siya ni Julian ng baso ng tubig. Agad naman niyang ininom 'yon bago ibalik dito ang wala ng laman na baso. Nang humarap ulit si Julian sa kanya ay napasinok na naman siya. Napaatras si Julian. Umiling-iling ito bago umupo ulit sa mesa nito. Nakatingin lang ito sa kanya habang nakatayo siya sa tapat ng pintuan.

Inabot nito ang telepono at mabilis na nagpipindot doon. Narinig niya ang pagtunog ng telepono sa mesa niya. Maya-maya lang ay narinig na niya ang boses ni Megan.

“Multimedia Department, hello?”

“Megan, huwag mo na kami pag-tripan ni Avi. Buksan mo na 'yong pinto. Lalabas na siya.”

“Sir Julian? Sir, anong pag-tripan po? Hindi ko po kayo pinagtitripan ni Ms. Colleen.”

Nagkatinginan sila ni Julian. Napapalatak ito. “Megan, hindi kita isusumbong sa HR. Buksan mo na 'yong pinto. May meeting pa kaming pupuntahan.”

“Hindi ko po kayo maintindihan. Wala po akong ginagawa, sir.”

“Sige nga. Bakit ayaw bumukas ng pinto ko?”

“Sir, bakit ako tinatanong niyo? 'Di ba po 'yong lock ng pinto nasa loob?”

Nagkatinginan sila ni Julian. Tama si Megan. Nasa loob nga ang lock. Pero bakit ayaw bumukas?

Lord naman! Ngayon pa talaga masisira 'to?

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon