Julian Case Dionisio
09:58 AM
Julian Case:
Good morning babe
Good morning mo mukha mo
Anong iuutos mo?
Julian Case:
Hahahahaha!
Enge coffee 😘
Anong coffee?
Julian Case:
Black lang
One teaspoon of sugar
No creamer
Thank you! 😘
Black lang
Kasing-itim ng budhi mo
Julian Case:
Babe ayan na naman tayo
Mainit na naman ulo mo
Ginugulo ka na naman ba ng mga fan girls ko?
Leche!
Ang aga aga ha!
Dalawang oras pa lang akong nakaupo dito pero limang babae na yung nagpapaalam na ilagay ko sila sa schedule mo
Julian Case:
Babe sa susunod kasi sabihin mo sa kanila na kulang na sa'yo ang oras ko kaya hindi na sila pwedeng dumagdag pa
Leche ka!
Feeling mo nakakakilig ka na nyan?
Mangati sana buong katawan mong malandi ka!
Julian Case:
Wag ka na kasi magselos
Alam mo naman na mula noon ikaw lang ang tinitignan ko
Wala na kong ibang nakita mula ng makilala kita
Bwisit!
Dadalhin ko na lang mamaya yung kape mo dyan
Pupunta muna ko sa Finance para ipa-approve yung budget nung bagong billboard na project mo
Julian Case:
Okay
Thanks babe
What will I do without you?
Tigilan mo nga ako sa kalandian mo kinikilabutan ako
Humanap ka ng ibang malalandi mo
Wag ako
Julian Case:
Sure ba yan?
Walang selosan?
Ulol bakit naman ako magseselos?
Julian Case:
Di ka magagalit ha?
Sure ka na?
Bahala ka sa buhay mo
Babaero!
Julian Case:
Ngayon pa nga lang galit ka na
Leche! Kahit sampu pa yang babae mo di ako magseselos
Kilabutan ka nga!
Seen. 10:10 am
![](https://img.wattpad.com/cover/268636161-288-k796349.jpg)
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...