"Megan, pwede mo ba kong ikuha ng vodka? On the rocks, please." tinawag ni Case ang assistant na si Megan dahil naii-stress na siya kay Avi. Ilang linggo na siyang hindi kinikibo nito. Hindi niya alam kung dahil pa rin sa pag-amin niya o dahil sa hinalikan niya ito. Hindi na kayang pigilan ni Case ang nararamdaman para sa dalaga. Simula yata ng tubuan siya ng malisya sa katawan ay si Avi na ang tanging nakikita ng mga mata niya. Kaya hindi na rin siya nagtaka ng masiguro niyang may gusto siya sa dalaga.
What's not to like about this girl? She's smart, she's beautiful and she thrives to be better each day. Para kay Case, sobra sobra na si Avi. Kahit pakiramdam nito ay hindi ito magaling at sapat. Kaya gustong-gusto niyang iparamdam dito ang pagmamahal niya. Hindi naman sa pipigilan niya si Avi na mas pag-igihan pa ang ginagawa. Bagkus, gusto niyang malaman nito na pwedeng magpahinga at tanggapin nito sa sarili nitong may kwenta siyang tao.
Nalaman ni Case kay Clarisse na malaki ang galit ni Avi sa kanya. Mula sa pagkapanalo niya laban dito noong bata pa sila, hanggang sa lumaki sila, at ngayon nga hanggang sa trabaho ay nandyan siya. Mas mataas lagi kay Avi. Hindi naman naniniwala si Case na mas magaling siya dito. Kung tutuusin, malaki ang kasalanan niya rito. Malaki ang utang na loob niya rito. Kung hindi dahil sa isang pagkakamali ng guro nila noon, tiyak na si Avi ang tatanghaling Valedictorian ng batch nila.
"Sir, ano po 'yong on the rocks?" natigil siya sa pagmumuni-muni ng biglang tinawag siya ni Megan. Napahawak siya sa kanyang ulo at iiling-iling na humarap dito. "yelo, Megan. Vodka na may yelo. Pakibilis."
"Yes, Sir. Coming right up."
Nang mawala sa harap niya si Megan ay nabaling na muli ang isip niya kay Avi. You still have this effect on me, Real. Itinabi niya ang mga papeles na hawak niya at nangalumbaba sa mesa. Wala na siyang gana mag-trabaho. Ganito siya tuwing maiisip si Avi. Lagi siyang nakakalimot sa gawain. Lagi siyang tutunganga at mag-iisip ng mga posibleng paraan ng panliligaw o kung anumang pagpapapansin rito.
"Miss Colleen, sandali lang po. Hindi niyo na po pwedeng gamitin 'yong yelong 'yan."
"Nakita mo naman kasing nakalagay na sa baso pakikialaman mo pa. Sumasakit ang ulo ko sa init, kailangan ko ng malamig na malamig na tubig." napaderetso ng upo si Case ng makita niyang papalapit sa kanya si Avi.
Walang hiya namang buhay 'to. Gusto kitang makita pero wag ka naman mambibigla. Kinakabog 'yong dibdib ko, eh.
Kinikilig ka, ganoon? Paano 'yong kilig, Julian Case?
Iwinaksi niya ang pagtatalo ng isip niya ng walang sabi sabi na dumamba si Avi sa lamesa niya. Napaatras siya sa mesa niya. Akala niya kasi dadambahin siya nito ng halik.
Halik? Wow, advance mo naman masyado 'tol. Gwapo ka ba para dambahin niya ng halik, hindi ka nga niya gusto?
Napansin niyang mabilis na tinungga ni Avi ang laman ng baso niya. Baso niya? 'Yon ba 'yong hiningi niyang Vodka kay Megan? "Real?"
"Miss Colleen!" sabay nilang tawag ni Megan. Napakamot na lang sa ulo ang huli at bagsak ang balikat na tumingin sa kanya. Nakatingin lang siya dito ng bigla itong tumango sa kanya.
"Bakit ganito 'yong tubig mo, Dionisio? May halo ba 'tong gamot? Ang init. Parang mas lalo akong nainitan!"
"Ms. Real—"
"Ayaw ko na dito, mainit. Megan lakasan mo nga 'yong aircon. Napakainit naman dito sa opisina ni Case. Alis na nga tayo. Hihihi!" napangiwi silang pareho ni Megan ng bigla itong tumawa ng ganoon. Sinenyasan niya na lang si Megan na alalayan ito at paupuin na lang sa mesa nito. Parang mas lalo siyang na-stress.
"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." napalabas si Case ng opisina niya ng marinig niyang sumigaw si Avi. Hinanap niya ito at nakita niyang nakayukyok ito sa ilalim ng mesa nito. Humihikbi-hikbi pa. "Megan, anong nangyari kay Avi?"
"Sir, bigla lang po nagpadulas sa upuan niya si Ms. Colleen. Tapos narinig ko na lang po humihikbi po siya. Lalapitan ko po sana kasi bigla po siyang sumigaw na pangalawa na naman siya."
"Sige, Megan. Lumabas ka muna. Kumain ka kung gusto mo. Babayaran ko na lang 'yong magagastos mo. Ako na bahala kay Avi." lumapit siya sa dalaga at walang kahirap-hirap na binuhat ito. "Sir Julian?"
"Sige na, Megan. Ihihiga ko lang siya sa loob ng opisina ko. Wala akong gagawin na masama kay Avi. Sige na." sumunod naman ito sa kanya. Sumulyap muna itong muli sa kanila ni Avi bago tuluyang lumabas ng opisina nila.
Hindi alam ni Case kung gaano na katagal siyang nakaharap sa pintuang nilabasan ni Megan ng biglang nag-inat si Avi. Inayos niya ang pagkakabuhat dito at ipinasok niya sa loob ng opisina niya. Maingat niya itong inilapag sa couch sa gilid ng lamesa niya. Patayo na sana siya ng bigla nitong hawakan ang kamay niya. Inilapat nito ang kamay niya sa pisngi nito bago lumukot ang ilong at humikbi. "Ssshh! Tahan na, Avi."
"Bakit hindi ko magawang magalit sa 'yo? Bakit kasi ganyan ka?"
"Okay lang na magalit ka sa akin, Avi. Wag mo kimkimin ang galit mo. Sige lang, iiyak mo lang. Nandito lang ako para sa 'yo." pang-aalo niya dito.
"Hindi ko nga kayang magalit sa 'yo. Ang bait bait mo kasi. Ang bait bait mo sa akin, Cla!"
Cla?
"Lagi kang nandyan para sa akin. Lagi mo kong dinadamayan. Lagi mong pinaparamdam na mahal mo ko. Mahal na mahal din kita, Cla. Pero bakit ganoon? Bakit nasasaktan ako?" napakunot ang noo niya. Anong sinasabi nitong nasasaktan ito? Ano bang nangyari?
"Inaasar mo ko kay Case tapos 'yon naman pala kayo na. Gusto kong maging masaya para sa 'yo, Cla. Masaya ako kasi nakahanap ka na ng taong magmamahal sa 'yo, pero kasi, ang sakit naman. Ang sakit sakit Cla."
"Avi, hindi kami. Walang kami ni Cla."
"Nakita ko kayo, eh. Hinalikan ka niya. Nakita ko 'yon. Wag ka magsinungaling sa akin."
"Avi, hindi ganoon 'yon. Mali ka ng intindi. Hindi kami ni Cla. Teka! Si Cla ba? Si Clarisse ba 'yong sinasabi mong Cla?"
Umungol lang ito. Napahigpit ang kapit sa kamay niyang nakadikit pa rin sa pisngi nito. "Diane Clarisse, hanggang kailan mo itatago sa akin ito? Hanggang kailan mo ko lolokohin? Kailan mo aaminin sa akin na kayo na ni Dionisio?"
Lalo yata siyang na-stress sa nalaman niya. Kailangan na sigurong umuwi ni Clarisse. Kailangan siya nitong tulungang makipag-ayos kay Avi.
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...