Pamilya Real
08:37 AM
Dianne Mervine:
Ngayon ba Coronation Night ng Ms. International?
Agustin:
Oo nak
Narinig ko kay mareng Lilia na ngayong umaga nga ipapalabas yung coronation
Live daw yun eh
Manonood tayo suportahan natin si Clarisse
Dianne Mervine:
Tanong niyo muna kay ate kung okay sa kanya
Gaga syempre okay lang sakin
Best friend ko kaya si Cla
Gabriella Serene:
Mauna na kayo manood kasi baka nasa palengke pa ko kapag ipinalabas yan
Mamimili ako ng pagkain dyan sa bahay
Luh?
Dianne Mervine:
Ate Avi bakit ikaw nasagot? 😂
Malay ko bang si Ate Gab tinatanong mo wala namang nakalagay na pangalan?
Gabriella Serene:
Oh bakit ang haba ng explanation mo?
Dianne Mervine:
Hahahahaha!
Defensive si ate Avi
Luh?
Papa pagsabihan mo nga yang mga anak mo parang tanga
Agustin:
Aba bahala na kayo dyan
May gagawin pa ko
Manonood ako nung coronation ah
Mervine nak tawagan mo ko mamaya ah
Dianne Mervine:
Opo papa
Ikaw ate Avi tatawagan din ba kita?
Leche ayaw kitang kausap
Gabriella Serene:
Mavis Colleen!
Ako na naman 🙄
Pinagtitripan niyo kong mag-ate ah?
Gabriella Serene:
Ano bang problema mo Colleen?
Wala
Dianne Mervine:
Magkaaway ba kayo ni Ate Cla?
Tanga hindi
Kausap ko pa nga si Cla kaninang umaga
Ma-isyu ka!
Gabriella Serene:
Kausap naman pala yan-yan
Dianne Mervine:
Oo nga ate kausap naman pala
Wala naman palang problema
Gabriella Serene:
Plasti
Hindi ako plastik ate!
Gabriella Serene:
C cover ba yung pinabibili mo Yan?
Nasend agad yung chat ko sorry
Buset kayo! 🙄🙄🙄
Dianne Mervine:
Oo ate mga dalawang yarda
Oops may tinamaan na plastic
Shoo! Alis ka baka mainitan ka tas matunaw
Leche ka Dianne Mervine!
Gabriella Serene:
HAHAHAHAHAHA
Seen by everyone except Juan Agustin Real
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...