21

28 3 0
                                    

"Clarisse? Anong ginagawa mo dito?" nagulat si Case nang makitang pumasok sa loob ng opisina niya si Cla. "Alam ba ni—"

"No. Hindi alam ni Avi na nandito ako. Sumaglit lang talaga ko dito. Mamaya na ang flight ko papuntang New York. Doon 'yong hotel namin para sa mga shoot at preliminary competition. Next month ang coronation."

"Yeah, oo nga pala. Buti pinaalala mo. Pupunta ko sa coronation. Promise!"

"Alam kong pangako mo 'yon, Julian, pero hindi pwede. Baka anong isipin ni Avi. Tsaka may trabaho ka." pagtanggi nito sa kanya.

"Mamimiss kita, Clarisse."

"Mamimiss din kita." nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. Bigla siyang na-konsensya na nakalimutan niyang ngayon na ang alis nito. Masyado siyang nakatutok kay Avi at sa nangyayari sa kanila na nakalimutan niya na si Clarisse.

"Sige na, aalis na ko. Nakakagulo na ko sa trabaho mo."

"Wait, three minutes pa." hinigpitan niyang muli ang pagkakayakap dito. Hinalikan din niya ito sa noo. Tuwing yayakapin niya si Clarisse ay ganoon ang nararamdaman niya. Magaan lang. Parang walang ibang bagay na kailangan isipin. Parang walang masamang mangyayari sa kanya. Mula noon, hanggang ngayon, kay Clarisse talaga nararamdaman ni Julian ang maging payapa.

"Umiiyak ka ba, Julian? Bakit sumisinghot-singhot ka?" Umiling siya. Salamat talaga sa magandang lahi, mataas siya. Matangkad si Clarisse, pero sa bisig niya ay napakaliit pa rin nito.

Parang si Avi.

"Julian, inaamoy mo ba ko? Parang tanga 'to." tinulak siya nito. Inambaan siya ng suntok nito kaya napahagalpak siya ng tawa. "Sorry, tinitignan ko lang kung ganoon pa rin amoy mo."

"Bwisit ka talaga, 'no?"

"Bakit parang ang asim mo, Clarisse?" panunukso niya dito. Nalukot ang ilong nito bago lumapit sa kanya at pinaghahampas siya sa dibdib. Tawa siya ng tawa. Hinuli niya ang kamay nito at kinulong muli ito sa mga bisig niya.

"Clarisse, sorry nakalimutan kong ngayon ang alis mo." malungkot niyang sabi rito. Sininghot niyang muli ang tuktok ng ulo nito. Pagkatapos ay idinantay niya na ang baba niya sa ulunan nito. "Okay lang. Alam ko naman na iniisip mo si Avi."

"Hindi pa rin tamang makalimutan kita. Obligasyon ko 'yon. Responsibilidad ko 'yon." Inilapat niya ang palad sa sikmura nito. "Acidic ka pa naman dahil sa kaka-diet mo para sa pageant na 'yan. Ano na lang ang sasabihin ni mommy?"

"Alam mo ikaw, Julian, masasampal na kita."

Hindi na niya napigilan ang pagtawang muli. Walang pakialam si Julian kung magrereklamo ang mga katabing departamento niya. Susulitin niya ang sayang nararamdaman niya ngayon. Susulitin niya ang oras na kasama niya si Clarisse.

Nanginginig si Avi. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya. Hindi niya maiintindihan ang nangyayari. Ano 'yong nakita niya?

Si Cla at si Case? biglang nanlambot ang tuhod niya. Napakapit siya sa mesa niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nabuwal, mabuti na lang at mabilis naman siyang dinaluhan ni Megan. Sinalo siya nito bago pa siyang bumagsak. "Ms. Colleen, okay lang po ba kayo? Nahihilo po ba kayo? Ano pong nararamdaman niyo? Gusto niyo po bang dalhin na namin kayo sa clinic. Teka, tatawagin ko si Sir Julian."

"Wag!" napalakas ang sigaw niya rito. Nakita niya ang pagtaas ng balikat ni Megan dala ng pagkagulat. Mabilis siyang nilapitan muli nito at ipinaypay ang mga kamay sa mukha niya na para bang may hangin na nalabas doon. Kahit na nga ba naka-aircon ang buong opisina nila. "Okay lang ako, Megan. Bumalik ka na sa upuan mo."

"Sigurado po kayo, miss? Okay lang po na i-delay muna natin 'yong mga work natin, miss. Mas importante po ang kalusugan natin kaysa sa trabaho. Hindi po kayang palitan ng trabaho natin ang buhay natin pero pwede po tayong palitan sa trabaho natin."

"Megan, okay lang ako." tumango siya rito at ininguso ang table nito sa tapat siya. Kinukumbinsi niya itong bumalik sa mesa nito. Ngunit mas matigas pa pala ang ulo nito kaysa sa kanya. Kahit anong pilit ay hindi ito umalis sa tabi niya. "Thank you."

"Okay lang, Ms. Colleen. Sige na, babalik na ko doon. Pero kapag may naramdaman po kayo ulit, tawagin niyo po ako."

"Oo na. Kulit!" nakangiti niyang sabi rito. Katatalikod pa lang ni Megan ay napalingon na siyang muli sa pintuan ng opisina ni Case. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang may bakal na kamay na pumipiga sa puso niya. Masakit sa dibdib. Napahawak siyang bigla sa dibdib niya.

Kung gaanong katagal nakatayo si Avi sa pinto ni Case kanina ay hindi na niya mawari. Kitang-kita niya ang mga ngiti nito habang nakatitig kay Cla. Ang mukha nito habang yakap yakap si Cla. Ang magaan na paghalik nito sa ulo ni Cla at ang pagdantay ng kamay nito sa tiyan ni Cla.

"Buntis si Cla? May pageant siya, 'di ba? Delikado 'yon para sa pagbubuntis niya." bulong ni Avi sa sarili. "May relasyon si Cla at Case? Ano 'yon? Kung girlfriend niya si Cla, bakit hinalikan niya ko? Bakit sinabi niyang mahal niya ko?"

Bumigat ang pakiramdam niya. Pakiramdam ni Avi ay masusuka na siya. Parang bumabaliktad ang sikmura niya. Nagmamadali siyang tumayo para dumuwal sa sink sa gilid ng opisina nila. Mabilis lang naman siya. Hindi rin siguro napansin ni Megan ang pagtakbo niya dahil hindi naman ito sumunod sa kanya o tinawag man lang ang pangalan niya. Pabalik na sana siya ng makita niya ang paglabas ni Cla at ni Case mula sa opisina ng lalaki. Magkahawak-kamay ang mga ito. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Megan. Sinenyasan niya itong huwag ipaalam sa dalawa na nandoon siya.

"Hindi ka na ba mapipigilan, Clarisse?" pinipigilan ni Case si Cla na bumitaw sa pagkakahawak sa kanya. Sumikip na naman ang dibdib ni Avi. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama niya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maging reaksyon o maramdaman sa nakikita niya.

"Hindi nga, Julian. Aalis na ko. Pwede mo naman akong tawagan."

"Hindi ka naman sasagot agad, eh. Tapos kapag may libre kang oras madaling araw pa dito o 'di kaya sobrang busy ko naman."

"Mabilis lang 'to, Julian. Hindi mo mamamalayan na pauwi na rin tayo agad. Or pauwi na ko. Kung hindi kaya ng schedule mo kahit huwag ka na pumunta doon, ha? Wag pilitin kung hindi talaga pwede."

"Mamimiss talaga kita."

"Ako din. Sige na, aalis na ko." tsaka lamang binitawan ni Case ang kamay nito. Inihatid lang nito ng tingin si Cla. Nang nasa pinto na si Cla ay humarap pa itong muli kay Case. Ngumiti ito ng matamis sa lalaki bago tuluyang lumabas.

Nang mawala sa paningin si Cla ay bumuntong hininga ito. Ang lalim. Ang lalim ng paghugot nito ng hininga, halatang nalulungkot sa pag-alis ni Cla. Humarap ito kay Megan. Nakita niyang tatlong beses tumingin sa kanya si Megan bago ito tuluyang tumango kay Case.

"Thanks, Megan. Pakisabi na lang kay Ms. Real ha? Nasaan na nga ba 'yon? Hindi naman 'yon nale-late kahit minsan."

Nagpasalamat muli ito kay Megan bago pumasok sa opisina nito. Tsaka lamang siya lumabas sa pinagtataguan niya. May awa sa tingin ni Megan sa kanya. Nginitian niya ito. "Ano 'yong sasabihin mo sa akin, Megan?"

"Okay lang po kayo?"

"Megan?" may pagbabanta sa pagbanggit niya sa pangalan nito.

"Ah, ano kasi... ah, 'yon oo. Tama 'yon nga."

"Megan, kumalma ka. Ano 'yon?" nginitian niya itong muli. Nagtataka siya kung bakit ngumingiwi si Megan sa harap niya.

"Sabi po ni Sir Julian, pumunta po kayo sa kanya. Ipapaayos niya daw po ang schedule niya next month. Magpa-file daw po kasi siya ng vacation leave. Puntahan niyo na lang daw po siya para sa detalye."

"Okay, thanks."

"Ms. Colleen?" napatingin siya ulit dito. "Kung okay lang po sa inyo, magpahinga po muna kayo. Ako na pong bahala kay Sir Julian. Ako na lang po magpapaalam sa kanya para sa inyo."

Nagtaka si Avi nang pumayag siya sa suhestiyon ni Megan. Inayos niya ang gamit niya at itinuro kay Megan kung ano ang mga agenda ni Case sa araw na 'yon. Mabilis naman nitong nakuha ang mga itinuro niya kaya nagpaalam na rin siya dito.

Kailangan ko nga yata ang pahingang 'to.

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon