27

28 3 7
                                    

Kinabukasan ay matindi pa rin ang sakit ng ulo ni Avi. Mabuti na lang at Sabado. Wala na siyang pasok. Hahanapin sana niya ang ate Gab niya ng mabungaran niya si Dianne sa kusina. Napaka-iksi ng suot nitong short. Makinis naman ang kapatid niya. Kutis artista. Pero hindi pa rin tama ang suot nito kaya kahit sumasakit ang ulo niya ay sinita niya ito.

"Ano ba 'yang suot mo, Yan-yan? Alam mo naman na may lalaki dito sa bahay. May lalaki kang kasama. Minsan dere-deretso pang napasok si Bevin dito."

"Kuya ko 'yon si Kuya Shonn. Ang malisyosa mo, ate." sagot nito sa kanya bago inilapag ang umuusok na mug sa harapan niya. Mainit na Kape! Parang ito ang kailangan niya. Dali-dali niyang inabot ito at humigop.

"Leche ka talagang impakta ka! Sobrang init." dinahan-dahan niya na ang paghigop muli dito, "napakainit na, wala pang lasa."

"May kape bang malamig na makakagamot ng hangover? Tsaka 'yan kailangan mo. Mapait dapat talaga."

"Gusto ko iced coffee." sagot niya rito pero tumanggi ito. "Bagong kulo na, wala pang timpla. Kahit ba asukal, bawal?"

"Ang kulit mo, ate. Ganyan mo nga inumin 'yan. Ang tigas ng ulo mo. Nandyan sa medicine cabinet 'yong gamot sa hangover. Uminom ka na lang pagkatapos mong kumain. Lamanan mo 'yong tiyan mo bago ka uminom ng gamot para hindi ka atakehin ng acid."

"Sige na. Oo na, madam. Umakyat ka na doon. Magpalit ka ng short." nakasimangot niyang sabi dito bago uminom muli ng kape na binigay nito.

In fairness naman sa impaktang 'to, ha. Nakaka-touch. Paano niya kayang nalaman na may hangover pa rin ako?

"Ate, bakit ang pakialamera mo?" muntik na niyang mabuga ang iniinom ng biglang niyang marinig ang boses nito. Parang nagpanting ang tainga niya. Nakaismid siyang humarap dito na pormal lang na nakatingin sa kanya. Walang karea-reaksyon ang mukha nito. Mas lalo siyang nainis. Parang wala lang dito ang sinabi nito sa kanya. "Eh, bakit ikaw? Bakit ang impakta mong babaita ka? Alam mo, Yan-yan, kapag darating 'yong punto na gusto kitang i-trato na kapatid bigla mo kong paaandaran niyang kamalditahan mong babae ka. Ano rin bang problema mo sa akin?"

"Sorry," hindi pa rin nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Ngunit parang may kakaibang emosyon na nakita si Avi sa mga mata nito. Mabilis lang 'yon. Hindi niya rin tuloy masiguro kasi baka namalikmata lang siya. "Sorry kung feeling mo mina-maldita kita. Lahat kasi sa akin pinapansin mo."

"Natural, Dianne Mervine! Kapatid kaya kita. Paano kitang makikilala kung hindi kita papansinin? Labin-limang taon na nga natin 'yong nawala. Hindi pa ba ko gagawa ng paraan na kilalanin ka? Malayo na nga agwat ng edad nating magkakapatid."

"Kasi hindi naman ganyan 'yong mga ate ko." pabulong lang nitong sabi. Parang sinabi lang ito ni Dianne sa sarili, tipong hindi gustong iparinig sa kanya. "Ulitin mo nga 'yong sinabi mo, Yan-yan. Hindi ko masyadong narinig."

"Hindi na, ate."

"Ulitin mo! Ano 'yong hindi ganyan?" kinabahan si Avi. Ito na siguro ang pinakamatagal nilang pag-uusap ni Yan-yan. Madalas ay sinusungitan siya nito kaya hindi na lang niya itong masyado pinapansin. Kaya madalas ay naaasar siya kapag pinagtatanggol ito ng ate Gab niya at ni Bevin. Pakiramdam niya kasi ay masama siyang ate. Feeling niya kasalanan niya na hindi niya naiintindihan ang kapatid niya pero naiintindihan ito ng ibang tao.

"Hindi ganyan 'yong mga ate ko. Hindi sila pakialamera."

"Wow, so pakialamera ako ganoon?"

"Lagi mong napapansin 'yong mga simpleng bagay. Nakikita mo kapag hindi ako kumportable sa kaharap ko. Napapansin mo kapag ayaw ko 'yong ulam. Tinatanong mo kung okay lang ako kapag may problema ako. Mas makulit ka tsaka madalas magpatawa kapag malungkot ako.

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon