3

88 5 2
                                    

"Nanggigigil talaga ko sa babaitang 'yan. Napakaarte!" Hindi mapigilan ni Avi na maglabas ng sama ng loob sa matalik niyang kaibigan na si Bevin. Mula pa pagkabata ay magkasama na sila ni Bevin. Kaya naman ito ang nagsilbi niyang matalik na kaibigan kahit na nga ba lalaki ito at babae siya. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya. Kasing-edad nito ang Ate Gab niya.

"Hayaan mo na sabi si Yan-yan, tropa. Mabait naman 'yong kapatid mo."

"Mabait? Hah! Saan banda? Nakita mo kung gaano ka-antipatika? Si Papa ang naghanda nitong birthday niya. Si papa nag-asikaso, si papa nag-imbita, si papa gumastos. Tapos ano?! 'Yong Daddy Stefan niya ang first dance niya?! Ang kapal ng mukha niya! Ang kapal ng mukha niyang bastusin ang Papa ko."

Masama ang loob ni Mavis. Sobrang sama. Alam niyang hindi lang nagsalita ang papa niya pero lubos na nasaktan ito sa kinahinatnan ng debut ni Dianne. Kaya naman siya na ang nalulungkot para sa ama. Hindi naman ito naging masama sa kanila para tratuhin ito ng bunsong kapatid ng ganoon.

Sama talaga ng ugali. Akala mo naman sobrang ganda! Maputi lang naman.

"Tropa, hintayin mo na lang. Pito pa lang naman ang nasasayaw ni Yan-yan. Hindi pa rin niya nakakasayaw si Tito Gus. Malay mo naman, 'di ba?"

"Kahit na. Dapat sinabihan niya si Papa tungkol sa plano niya hindi 'yong bibiglain niya si Papa na hindi pala si papa gusto niyang first dance niya sa 18 Roses niya. Nabibwisit talaga ko, tropa. Baka hindi ko 'yan ma-tantiya. Wala akong pakialam kahit debut niya 'to. Sasabunutan ko talaga 'yan."

"Avi—" hindi na natapos pa ang paliwanag ni Bevin ng bigla itong tawagin ng emcee. Kasali pala ito sa 18 Roses ng kapatid niya. Pati tropa ko idadamay ng bwisit.

Sunod-sunod ang pagtawag ng emcee sa mga magsasayaw kay Dianne. Ngiting-ngiti ang bunsong kapatid niya pero para kay Mavis ay isang malaking ka-plastikan lang 'yon. Alam niya kung gaano kasama ang ugali nito. Siya ang higit na nakakaalam kung paano nito tratuhin ang papa niya at siya mismo kaya naman imbes na makisaya ay busangot na busangot ang mukha niya habang pinanonood itong nagsasayaw sa gitna.

Laking gulat niya na matapos ang ika-labing pitong kasayaw ni Dianne ay kumuha ito ng isang rosas at inabot nito iyon sa Papa niya. Kitang-kita ni Mavis kung paanong tumulo ang luha ng Papa niya sa sobrang kasiyahan. Magiliw itong nakipagsayaw sa kapatid niya at lahat ay nagdiriwang sa panonood ng sayaw ng mag-ama.

"Alam ko ang plano ni Yan-Yan, Avi." napalingon siya sa nagsalita sa tabi niya. Ang ate niya pala. "Sinabi niya sa akin na ayaw niyang magkaroon ng 18 Roses pero gustong-gusto ni Papa na magkaroon siya ng 18 Roses kaya pinagbigyan niya si Papa. Nakiusap sa akin si Yan-Yan kung pwedeng si Tito Stefan ang gagawin niyang first rose dahil gusto niyang si Papa ang huli niyang makasayaw."

"Sana sinabi niya kay Papa na ganoon gusto niyang mangyari. Kita mo reaksyon ni Papa? Napahiya siya Ate Gab! Kung sana sinabi ng kapatid mo na si Papa ang gusto niyang last dance niya, hindi sana nalungkot si Papa kanina."

"Akala ni Papa siya ang first dance ni Dianne. Nagpaalam si Yan-Yan sa kanya tungkol sa pakikipag-sayaw kay Tito Stefan. Kaya nalungkot si Papa dahil alam niya siya unang magsasayaw kaysa kay Tito Stefan. Nagulat siya kasi hindi iyon ang sinabi sa kanya ni Dianne. Hindi niya alam, kasama 'yon sa plano."

"Plano? Kasabwat ka ni Dianne? So, anong silbi ko dito? Hindi ba ko kapatid? Bakit wala akong alam?"

Hindi napansin ni Mavis na naglalakad na pala papalapit sa kanya ang Papa niya at si Dianne. Magkahawak pa rin ang kamay ng mga ito at kotang-kita sa mukha ng Papa niya kung gaano ito kasaya.

"Maraming salamat, anak, Avi," bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ng kapatid at mahigpit na yumakap sa kanya. Takang-taka siya sa pagpapasalamat ng papa niya kaya pairap niyang tinignan ang dalawang kapatid niyang nakatayo sa harapan niya. "sinabi sa akin ni Yan-Yan na ikaw ang may pakana nito. Salamat, anak. Sobra mo akong pinasaya. Hindi ko lubus akalain na masusurpresa ninyo akong magkakapatid. Gabriella."

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon