“Thank you, tropa. The best ka talaga!” kasalukuyang kumakain si Avi ng nilagang mais na pinahiran ng mantikilya at binudburan ng konting asin. Matapos ang nakakapagod na araw sa trabaho, na may humabol pang isang tawag ng malanding babae bago mag-alas singko, nagulat na lamang siya ng mabasa ang text ng kaibigan na hinihintay siya nito sa labas ng opisina niya. At ngayon nga ay nandoon na sila sa paborito niyang tambayan, ang Eskinita.
Eskinita ang bansag nila sa isang kalye na sinimulang tambayan ng mga naglalako ng pagkaing kalye sa lugar nila. May nagtitinda ng mga tusok tusok, ihaw ihaw, sorbetes at iba pa. Nagsimula ito noong bata pa lang sila. Habang naglalaro sa kalye, may dumaang tindero ng sorbetes at lahat sila ay nagpasyang bumili dito. Paubos pa lang ang kinakain nila ay may bisikleta namang dumaan at naglalako ito ng iba't-ibang klase ng kakanin. Hanggang sa araw-araw na itong nagsisipaghinto tuwing hapon sa lugar nila. Mula sa isa o dalawa, nadagdagan ng nadagdagan ang mga ito na halos ma-okupa na ng mga ito ang buong kalye. Na kalaunan ay tinawag na lamang nilang Eskinita.
“Ano pang gusto mo, tropa?”
“Parang trip ko kumain ng siomai tsaka gulaman. Ay, gusto ko rin ng isaw at barbecue. Tropa, doon tayo kay manong na nagtitinda ng binatog. Ang tagal ko na hindi nakakakain n'yan.”
“Baka naman hindi ka na matunawan, ma'am. Aba'y kulang na lang lahatin natin ang tindero dito. Mapapagalitan tayo ni Gab kapag hindi ka makasabay kumain ng hapunan ninyo mamaya.” paninita ng kaibigan sa kanya. Ngunit hindi nagpapigil si Avi. Patakbo pa siyang lumapit nagtitinda ng ihaw ihaw at kumuha ng dalawang barbecue, dalawang isaw, isang hotdog at tatlong stick ng dugo.
“Kuya, pakisunog po 'yong hotdog ah?”
“Dating gawi, ma'am?” nakangiting tanong ng tindero na agad namang kinindatan ni Avi.
“Magkano lahat, Kuya?” inabot ni Bevin ang bayad bago hinila si Avi papunta sa tindera ng Siomai. “Ate, dalawang japanese siomai tsaka gulaman po.”
“Thank you, tropa.” ngiting-ngiti niya sabi.
“Sige lang, Mavis Colleen. Ngiti ka lang. Tignan natin mamaya kung saan ka dadalhin ng ngiti mo.”
Namimilipit na lumabas si Avi ng banyo. Nagkatotoo ang sinabi ni Bevin. Sinakitan siya ng sikmura matapos ubusin lahat ng pinabili niyang pagkain. Ngayon nga ay hindi niya maintindihan kung dudumi siya o susuka sa sobrang kabusugan. At 'yon ang inabutang eksena ng bunsong kapatid niyang si Dianne.
“Anong itsura mo dyan? Okay ka lang?”
“Masakit tiyan ko, Yan-Yan. Huwag mo muna akong bwisitin. Baka hindi ako makapagpigil at sabunutan kita.” naiirita niyang sagot dito.
Inirapan lang siya nito bago tumuloy ng pasok sa kwarto nito. Napaupo siya sa tindi ng sakit ng sikmura niya. Maya-maya lang ay lumapit muli sa kanya si Dianne. May dala itong baso ng tubig at nakababa ang isang kamay para alalayan siyang tumayo.
“Ano 'yan? Lalasunin mo ba ko?”
Deretsong ipinasok nito sa bibig niya ang maliit na tableta ng gamot at itinapat sa labi niya ang baso ng tubig. Mabilis niyang ininom ang inilapit nito sa bibig niya dahil nalalasahan niya na ang pait ng gamot na isinubo nito sa kanya.
“Kapag ako namatay, Yan-Yan. Mumultuhin kita.”
“Huwag kang OA, Ate. Baka hindi ka lang natunawan. Naaamoy ko 'yong amoy ng ihaw ihaw sa damit mo. Tingin ko marami ka na naman kinain kaya ka nagkaka-ganyan.”
“O smart ka na n'yan, sis?” inirapan siya nito at binitbit pababa ang baso ng tubig na pinainom nito sa kanya kanina. “Thank you na rin.”
Nag-thumbs up lang ito sa kanya at hindi na nag-abalang lumingon pa.
“Ano na naman kinain mo, Colleen? Hindi ko sisitahin si Shonn dahil alam ko naman na pinigilan ka niya pero nagpumilit ka pa. Buti na lang may gamot si Yan-Yan. Kung hindi, baka isinugod ka pa namin sa ospital.”
Naiikot ni Avi ang mata ng sermon ang binungad sa kanya ng Ate Gab niya. Hindi pa nga siya nakakaupo, ito na agad ang itinatalak nito sa kanya.
“Okay na nga ako, Ate. Nag-thank you na rin ako dyan sa kapatid mo. Effective 'yong gamot. Akala ko balak niya ko lasunin, eh.”
Sinimangutan siya ng mga ito. Tanging ang papa niya lang ang tumawa sa sinabi niya. “Avi, ano na naman bang kinain mo?”
“Mais, siomai, barbecue, hotdog, dugo, isaw tsaka binatog po. Ang sarap pa! Si tropa lahat nagbayad.”
“Ikaw talaga, anak. Nobyo mo na ba 'yan si Bevin? Aba, bakit hindi nagpaalam sa akin 'yan. Masyado kang inii-spoil.”
“Papa, tropa lang kami ni Bevin. Huwag mong lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin. Parang kapatid ko na 'yon. Kapatid namin nila Ate.”
“Pero sa akin, okay lang na maging Kuya ko siya. Mabait siya papa. Lagi niya kaming pino-protektahan nila ate. Tsaka lagi niya kaming tinutulungan kapag may kailangan kami.” pagsingit ni Dianne sa usapan.
“Kung gusto mo, sa 'yo na. Huwag mong madawit-dawit pangalan ko sa kalokohan mo, Yan-Yan. Mas kapatid ko pa nga 'yon kaysa sa 'yo.”
“Bakit, ikaw lang ba ate ko? Ayan si Ate Gab, oh. Tsaka Kuya naman na talaga ang turing ko kay Kuya Shonn kasi nga best friend mo siya. Anak din turing sa kanya ni Papa kasi lagi naman siyang nandito sa atin. Parang anak din siya ni Papa. 'Di ba, pa?” sagot nito sa kanya bago bumaling sa papa niya.
“At hindi naman porke sinabi ni Yan-Yan na magiging Kuya niya si Shonn ay magkakatuluyan na kayo. Iba lang talaga naiisip mo.”
Napamaang siya sa mga ito. Inirapan niya si Yan-Yan at padabog na sumubo ng kanin. Sa sobrang pagdadabog niya, nasalaksak niya ang sarili niya. Nasamid siya ng husto. Kung hindi pa inabot ni Gab ang baso sa harap niya ay baka hindi na siya tuluyang makahinga.
“Aarte ka pa sa harap ng hapag, ah. Ayan napapala mo.” pagsita nito sa kanya. Palihim namang tumatawa si Yan-Yan at ang papa niya kaya mas lalo siyang nainis.
Bwisit talaga!
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...