13

34 4 0
                                    

Shonn Bevin Barrios

01:18 AM

Tropa gising ka pa?

Shonn Bevin:

Yes ma'am

Bakit whyyy?

Anong bakit why?

Iisa lang yan eh

Shonn Bevin:

Oo nga ahahahahh

Baliw ka na naman

Shonn Bevin:

Ano nga?

Bakit hindi ka pa natutulog?

May pasok ka mamaya di ba?

May itatanong ako sayo

May intern kasi kami sa office tapos cute siya medyo iyakin nga lang

Kapag nasisita mo nanginginig agad ganon

Shonn Bevin:

Wag mo masyado pagalitan

Baka imbes matuto lalong matakot

Ma-trauma pa siya

Ingat lang din tsaka siguraduhin mo na di siya maiilang sayo

Kahit intern lang siya mas okay pa rin yung alam niya na may ate siyang tutulungan siya kapag may kailangan siya

Para kapag siya naman yung magtuturo sa intern maipapasa niya yung mga natutunan niya sayo

Yabang naman nito

Para namang wala siyang matututunan sa akin

Hoy mabait ako no?

Medyo napagalitan ko lang siya kanina pero mabait ako sa kanya

Shonn Bevin:

Mag-sorry ka na lang sa kanya kung di ka mapakali

Baka naiisip mong mali yung ginawa mo kaya hanggang ngayon iniisip mo siya

Matulog ka na mag-sorry ka na lang sa kanya bukas

Leche ka!

Di ko pa nga nasasabi yung itatanong ko talaga

Shonn Bevin:

Ay di ba yan?

Eh ano?

May gulo kasi kanina sa office

Tapos pinagtutulungan yung intern

Gusto ko sana siya pagtanggol kaso ako naman inaway so di ko na siya tinulungan

Tapos ang nangyari may ibang nagtanggol sa kanya

Tapos niyakap siya nung savior niya

Shonn Bevin:

Ah magkakagustuhan yan sila

Hindi ah!

Ayaw niya nga doon sa lalaki lagi silang magkaaway

Shonn Bevin:

Dati yun

Pero ngayon magkakagusto na yan sila

Magiging gusto na nung babae yung lalaki

Bwisit ka tropa!

Kung makasalita ka akala mo naman may love life ka

Shonn Bevin:

Tropa di ko kailangan magkaroon ng love life para malaman yan

Magkakailangan yan dahil doon sa yakapan

Magkaka-developan yan

Tignan mo pagpasok mo bukas makikita mo mga reaction ng mga yan

Di yan makakapag-usap

Leche!

Kapag nag-usap sila lagot ka sa'kin bili mo kong cake

Shonn Bevin:

Anong cake na naman?

Sansrival!!!

Yung malaking sansrival

Basta wag slice lang kasi baka mabitin ako

Shonn Bevin:

Ah pustahan sige

Kapag may ilangan sila bukas

Kapag tama ako sagot mo gas ko

Full tank!

Taena mo

Mas mahal pa gas mo kaysa sa Sansrival ko

Shonn Bevin:

500 lang full tank ko

Kuripot nito

Takot ka lang matalo eh

Sige g!

Ihanda mo na pambili ng sansrival ko

Sure ako ikaw matatalo

Shonn Bevin:

Sige good luck

🙄🙄🙄

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon