Diane Clarisse Laureles
02:50 AM
Cla!
Gising ka pa?
Seen. 03:03 am
Diane Clarisse:
Morning!
Naalimpungatan lang ako.
Bakit?
Baka di ako makareply inaantok pa ko
Chat mo lang
Bukas na lang ako magre-react
Gaga!
Hindi ako makatulog
May pasok pa ko mamaya
Pero parang ayaw ko na lang pumasok
😩😩😩
Diane Clarisse:
O? Ano na namang kaartehan yan?
Kabago-bago mo sa trabaho pag-absent na agad iniisip mo
Kasi naman, Cla
Hindi pala ako makakabalik sa Finance Department
Akala ko kaya ako tinawagan ng Kalmer Inc para mag-work ulit kay Mr. Teodoro
Diane Clarisse:
Tange!
Ang importante may work.
Wag ka na choosy
Buti ka nga nakakuha agad ng trabaho
Hindi naman trabaho issue ko gurl!
Yung team ko
Tsaka yung boss ko!!!
Diane Clarisse:
Alam kong malapit sa course natin yung dati mong work dyan sa Kalmer Inc
Pero kung pinagkakatiwalaan ka naman nila sa ibang posisyon, go lang.
At least may matututunan kang ibang bagay
Ano ba boss mo, matandang dalaga?
Manyakis na matanda?
Tange hindi
Si Julian Case Dionisio lang naman ang boss ko 🙄🙄🙄
Executive Assistant ako ni Julian Case Dionisio sa Kalmer Inc
Diane Clarisse:
HAHAHAHAHAHAHA
Kaya naman pala
Julian na naman
Iba na yan Avi baka kayo talaga ni Julian
Eww kadiri
Pwede bang iba na lang
Diane Clarisse:
Malay mo naman kasi
Tignan mo nga tadhana na ang naglalapit sa inyong dalawa
Baka kayo talaga para sa isa't-isa
Leche ka Cla
Tumigil ka nga nabibwisit ako sayo
Diane Clarisse:
Sus! Baka kinikilig ka na ha
Wag marupok te
Kahit pogi dapat dalagang pilipina pa rin ha!
Che! Palagay mo naman sa'kin?
Diane Clarisse:
Marupok nga!
Edi wews 🙄🙄🙄
Diane Clarisse:
HAHAHAHAHA
Ingat ka te
Madalas mo makakasama si Julian
Baka ma-fall ka
Excuse me?
Palagay mo sa'kin walang taste?
Diane Clarisse:
Gwapo kaya si Julian
Isip pa ko ng isip kung matandang dalaga o matandang manyakis
Gwapong binata naman pala pinoproblema mo
Gaga ka! 😂
Baka di kami magkasundo lalo nun Cla
Jusko baka maaga kong maalis sa trabaho nito
Diane Clarisse:
Landiin mo na lang si Julian para hindi ka masyadong utusan
Bwisit 😂😂😂
Seen. 03:16 am
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...