"Tropa, ano 'yong sinasabi ni Yan-yan?" tinawagan niya agad ito ng sabihin ni Dianne na hawak nito ang pruweba ng pang-aalaska sa kanya ng kapatid. Mabilis naman itong sumagot na nandoon pa rin ito sa bahay nila at may ipinapaayos ang Ate Gab niya.
"Ano 'yon, tropa?" hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Nakatutok lang ito sa binubutingting na electric fan ng ate Gab niya. Ewan ba niya sa ate niya, may pambili naman, hindi na lang bumili ng bago. Paayos ng paayos noong lumang electric fan na gamit nito. "'Yong tungkol kay Cla!"
"Ah, oo."
"Anong ah, oo? Kung butasin ko 'yang mukha mo lagyan ko ng dalawang O?" naiinis siya. Hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam niya ay kakabahan siya sa kung anumang ipapakita nito. Hinampas niya ito sa likod para mapilitan itong humarap sa kanya. "Mamaya na 'yang electric fan ni Ate. Masasapak na kita."
"Ano po ba 'yon, ma'am?"
"See Kuya Shonn for details?" iniangat niya pa ang dalawa niyang kamay at umarte na wala nang karugtong ang sasabihin niya. Inginuso lang ni Bevin ang cellphone nito sa bangkito sa likuran niya. Kinuha niya 'yon at iniabot dito.
"Walang password 'yan. Sige na, pumasok ka na. Doon mo na panoorin para hindi ka masyadong mapahiya." mas lalong kinabog ang dibdib niya. Ano bang pinagsasabi at pinaggagawa niya? Wala na naman siyang maalala.
May sakit na ba ko? Ang dami kong nakakalimutan lately. Buset na 'yan.
Pudpod na ang mga kuko ni Avi pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling ngatngatin ang kuko niya. Nafu-frustrate siya. Totoo ang mga sinabi ni Dianne. Ang dami niyang sinabi tungkol kay Cla at Case. Hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya sa mga kapatid niya.
"Hoy, tropa! Para kang tanga. Bakit mo tinatakpan tainga mo? Maingay ba ko? Ha, ha?! Maingay ba ko? Hindi naman, ah. Uy, ate. Tignan mo si Bevin, mukhang tanga. Hahaha! Takip takip tainga pa, hindi naman ako maingay, 'di ba?"
Napangiwi siya. Sa kuha pa lang sa video ay nabibingi na siya sa lakas ng boses niya. Ano pa kaya ang mga kapatid niya? Maging si Bevin mismo na nakaupo lang malapit sa kanya. Gustong-gusto na lumubog ni Avi sa sobrang hiya.
"Masaya ako para sa 'yo Cla. Hindi mo man lang sinabi sa akin na may jowa ka na pala. Salamat na lang sa lahat. Hindi ako inggit. Masayang-masaya ko para sa 'yo." Umayos siya ng upo. Ilang segundo lang ay bigla na siyang suminghot. "Sana maging masaya kayo ni Case. At ng baby niyo."
Ate Avi bakit ka umiiyak? "Okay lang ako. 'Di naman masakit."
Kung hindi masakit anong nginangawa-ngawa mo dyan? "Okay lang ako, ate. Ano ba?!"
Pinause niya 'yong video. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha niya. Shit! Nakakahiya. Ano bang pinagsasasabi niya? Para siyang tanga! Parang gusto niya na lang burahin ang mukha niya. Itinuloy niya na ang panonood. Kailangan niyang tapusin 'yon. Kailangan niyang malaman kung ano ang mga sinabi niya.
"Bakit ako masasaktan, 'di ko nga gusto si Case? Hindi nga! Wala akong gusto doon. Leche ka, Yan-yan! Impakta ka." dumuduro siya sa harap niya. "Bakit ka-pangalan mo si Cla? Paano ko magmu-move on kung magka-tukayo kayo?"
Ma'am, wag mo na idamay ang kapatid mo. "Ano ba tropa? Wala akong gusto kay Case, okay? Gusto ko lang mag-move on."
Halata nga, Avi. Si Yan-yan ang sinasabi ni Bevin pero si Julian pa rin ang naiisip mo. "Bakit basa mukha ko? Laway mo ba 'yon, ate?"
"Bwisit ka, Mavis Colleen! Nanggigigil ako sa 'yo." namumura na niya ang sarili. Babalik na sana siya sa panonood ng biglang may kumatok sa kwarto niya. "Ate, si Dianne 'to."
"Lumayas ka muna, Yan-yan! Gusto kong mapag-isa." nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nakangiting pumasok si Dianne. Dere-deretso pa itong dumapa sa kama niya ng walang paa-paalam. "Hoy! Naligo ka na ba? Bakit basta basta kang humihiga sa kama ko?"
"Saang part ka na, ate?" sumilip ito sa cellphone na hawak niya. Inilayo niya ang cellphone dito kahit huli na siya. Alam naman niyang nakita na nito 'yon. Anong silbi ng pagtatago niya dito noong video? "Ah, 'yan na 'yong pinakamagandang part. Alam mo ba ate ako nag-video n'yan? Kahit burahin mo 'yan dyan may kopya pa ko tsaka si Ate Gab."
Gusto na niya 'tong saktan pero nagtimpi siya. Aaminin niya, curious din siya sa mga sinabi niya. Mukha naman siyang nasa tamang huwisyo sa video. Ang ipinagtataka lang niya ay bakit hindi niya maalala 'yong nangyari. "Yan, bakit hindi ko 'to maalala?"
"Lasing na lasing ka, eh."
"Ha? Paano ko nalasing?"
"Ah... eh... ano, sa hangover. Tama! May hangover ka pa. Ganoon talaga minsan. Parang lindol, may afterschock. Ganoon nangyari sa 'yo, 'te. May aftershock 'yong hangover mo. Sige na, play mo na ulit." nagtataka man sa sagot nito ay sinunod niya si Dianne. Pipindutin niya pa lang ang play ng unahan siya nito at tinabihan pa siya sa panonood.
Tangina mo, Dionisio! Bakit kasi hinalikan mo pa ko? Ayan tuloy nagkanda-leche leche na lahat. Pati tuloy 'yong puso ko, naguguluhan na.
"Tang—" napigil ang pagmumura ni Avi ng takpan ni Dianne ang bibig niya. Sinenyasan siya nitong tumahimik lang at panoorin ang video.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Ah, ate... ate ang sakit ng ulo ko. Ate Gab!
Napatulala na lang siya ng huminto ang video. Matapos niyang tawagin ang ate niya ay puro hagikgik na ni Dianne ang narinig niya. Pasimpleng tinatawanan din siya ni Bevin sa video. At kahit hindi niya nakikita ang Ate Gab niya ay sigurado siyang pinagtatawanan rin siya nito.
"Ate? Ate, uy! Ayos ka lang?" ginagalaw ni Dianne ang kamay nito sa tapat ng mukha niya. Hindi siya makakibo. Parang gusto na lang niyang bumuka ang lupa at magpalamon dito.
"Okay lang 'yan, 'te. Sanay na kami." binato niya ito ng unan. "Buset!"
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...