Dianne Mervine Real
01:33 AM
Cla 😭😭😭
Hinalikan ako ni Case
Cla sabi ni tropa maiilang ako kay Case tapos magkaka-developan na kami
Natatakot ako Cla
Paano kung magkagusto nga ako kay Dionisio?
Kasi naman eh bakit kasi siya biglang nanghalik di naman na kailangan yun
Mukha namang hipon yung mga babae niya bwisit siya
Mas maganda pa ko!
Puro tapon ulo Cla ang papangit
Kaso ang sexy tapos ang tatangkad
Parang mga kasama mo sa pageant ba?
Di kaya ikaw yung isa sa mga yun?
Pero pangit lahat yung nandoon kanina
Maganda ka naman kahit konti
😂😂😂
Konti lang sus maputi ka lang
Kung maputi lang ako mas maganda pa ko sayo kahit matangkad ka eh
HAHAHAHAHAHA
Cla nababaliw na ko
Di ako makatulog
Iniisip ko yung nangyari kanina
Hindi ako mapakali di ko alam kung anong mararamdaman ko
Taena Cla si Dionisio yun eh
Seen. 01:47 am
Dianne Mervine:
Alam mo ate tigilan mo na yang imagination mo kailangan mo na matulog.
Hindi ka papatulan nun ni Kuya Julian. Di ka type nun.
Kawawa naman si Kuya Shonn. Ship ko pa naman kayo.
TAENA KA!!!
YAN YAN BAKIT IKAW NA-CHAT KO?
Dianne Mervine:
Malay ko sa katangahan mo ate?
Leche ka tinawag mo pa kong ate
Impakta ka wag mo ipagkakalat yang chat ko ah!
Dianne Mervine:
Hindi talaga.
Baka sabihin pa sa'kin may lahi akong baliw.
Pati ba naman si Kuya Julian, ate?
Nandyan na nga si Kuya Shonn.
Bakit ba nilalagyan mo ng malisya yung friendship namin ni Bevin?
Tropa ko nga yon.
Kung gusto mo siyang maging Kuya, ipaampon mo siya kay Papa.
O di kaya i-reto mo kay Ate Gab.
Dianne Mervine:
Paano kung ikaw pala gusto ni Kuya Shonn?
Tanga! Magkaibigan kami nun.
Wag ka na makulit dyan
Kita mong namomroblema na ko dito eh
Dianne Mervine:
Wag ka kasi mag-imagine
Assumera ka din eh!
Wag mo na pagnasaan si Kuya Julian. Di ka magugustuhan nun.
Ang gawin mo, bigyan mo ng chance si Kuya Shonn. Malay mo kayo talaga para sa isa't-isa?
Leche ka Yan-Yan!
Matulog ka na nga.
Bakit pala gising ka pa?
Hindi ka pa nauwi 'no?
Dianne Mervine:
Pauwi na ko.
Kaaalis ko lang galing sa work.
Bakit ka ba nagta-trabaho may work naman kami ni ate?
Mag-focus ka sa pag-aaral mo gaga
Tsaka ka na mag-trabaho pag graduate mo
Dianne Mervine:
Bakit ba?
Gusto ko mag-working student eh.
Tsaka nakakatulong ako sa gastos sa bahay tanong mo pa kay ate Gab.
Edi wews 🙄
Ikaw na perfect na anak
Matutulog na nga ako
Bye
Dianne Mervine:
Tigilan mo na si Kuya Julian ah!
Baka bangungutin pa yung tao dahil sayo.
Bwisit!!!
BINABASA MO ANG
Real Sisters Trilogy: The Second Best
Romance"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok sa isip mo. Kung hindi ba naman talaga sobrang mapagbiro ng tadhana, lagi na lang siyang number two...