36

42 3 4
                                    

"And our Miss International is... Miss Philippines!" Napakaingay sa bahay ng mga Real. Napatalon pa si Avi ng i-announce ng emcee na si Cla ang nanalo. Tunay na kasiyahan ang kanyang nararamdaman para sa kaibigan. Ito na ang katuparan sa pangarap nito. Ito na ang matagal na hinihintay ni Cla. Ang magkaroon ng bagay na ipagmamalaki niya matapos lahat ng hirap na pinagdaanan nito at ng pamilya nito sa buhay.

"Swerte ni Julian, 'no? Miss International na si Clarisse." sabay sabay silang napatingin magkakapatid kay Bevin. Nataranta naman ito ng mapansin na masama ang tingin nilang magkakapatid kaya ipinagsalikop nito ang dalawang kamay at humingi ng paumahin sa kanya. "Bakit nga naman hindi? Kahit si Avi swerte. Best friend niya si Clarisse, 'di ba?"

"Anak, bakit nga ba hindi ka pumunta doon para suportahan ang kaibigan mo?" tanong ng papa nila kay Avi. Lahat ng mata ay napako sa kanya. Nakaramdam naman ng pagka-ilang si Avi kaya hindi siya nakasagot agad. "'Nak?"

"Ah, sayang kasi sa pera pa. Okay lang naman kay Cla kahit nandito lang ako. Mahal ang plane ticket papunta doon. Wala naman akong maraming savings pa ngayon. Naintindihan naman ni Cla." sabi na lang niya dito.

Bakit parang na-plastik-an ako sa sarili kong sagot?

"Weh?" bulong ni Dianne. Pinandilatan ito ni Avi. Tatawa-tawa itong nagtago sa likod ng ate Gab niya. "Selos lang 'yan, ate."

"Si Julian 'yon, 'di ba?" nanigas si Avi sa kinauupuan. Dahan-dahan siyang luminga sa telebisyon. Nakita niyang nakatutok nga kay Case ang camera. May hawak itong watawat ng Pilipinas at kitang-kita ang galak sa mukha nito habang kinokoronahan si Cla. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Avi. Ilang beses na siyang nakakaramdam ng kirot tuwing nakikita niya si Case. Lalo na kapag naiisip niya ang eksenang inabutan niya sa opisina nito. Kung saan hinahalikan nito si Cla sa ulo.

"Ang gwapo ni Kuya Julian, 'no? Swerte naman ng babaeng magugustuhan n'yan." masamang tinignan ni Avi si Dianne. Nakita niya itong nakanguso sa kanya. Nang mapansin nitong nakatingin siya dito ay humagikgik ito.

Parang gusto ko na pagsisihan kung bakit nagkaayos pa kami ng impaktang 'to? Buti pa noon na hindi kami okay, seryoso lang siya. Ngayon, puro pambibwisit sa akin ang ginagawa. Kung wala lang si Papa binato ko na 'yan ng tsinelas.

"Ah, oo. Napakakisig. Mabait at matalino pa. Sino nga ang naging kaklase niya sa inyo?"

"Si Colleen, pa." sagot ng ate Gab niya. Gusto na talagang manggigil ni Avi. Bakit parang may alam pati ang papa niya? Pakiramdam niya ay pinagtutulungan siya ng mga ito. "Anak, ayaw mo ba kay Julian? Boto ako sa batang 'yan. Gwapo at magalang. Mapapabuti ka kapag si Julian ang makakatuluyan mo."

"Pa!" pigil dito ni Dianne. Mukhang ngayon lang siya matutuwa muli sa kapatid ah. "Wag mo asarin si Ate. Kita mo, nagba-blush tuloy. Kinikilig si Ate kay Kuya Julian."

Natawa ang papa niya at tinukso na rin siya. Maging si Bevin at ang Ate Gab niya ay hindi na itinago ang pagtawa. Inis na inis si Avi. Kanina lang si Cla ang pinagku-kwentuhan nila. Paanong biglang nalipat sa kanila ni Case ang usapan?

Buset ka talaga, Yan-yan! Malilintikan ka na sa akin mamaya pag alis ni Papa.

"Uwi na tayo sa Pinas, Clarisse?" pag-aya ni Julian sa dalaga. Kaharap nila ito ngayon. Katatapos lang nitong makoronahan bilang Miss International. Masaya naman siya para dito. Ngunit buong gabi, walang ibang naiisip si Julian maliban kay Avi. Nang itanghal nga si Clarisse na Miss International ay nagtatalon siya sa tuwa. Ibig sabihin kasi noon ay uuwi na sila sa Pilipinas. Makikita na niyang muli si Avi.

Miss na miss na kita, Real! Baka bigla kitang mayakap pag-uwi ko.

"Hindi pa ko makakauwi, Julian." biglang gumuho ang mundo niya. Hindi niya inaasahan ang sagot na 'yon ni Clarisse. At hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig. "Clarisse naman!"

"Gusto kong manalo, aminado naman ako. Pero hindi ako masyadong nag-eexpect. Kaso nanalo nga ako. Marami pa kong interviews at guesting dito. Matatagalan bago ko makauwi, Julian. Mauna ka na bumalik ng Pilipinas."

"Clarisse, wala naman kaso sa akin kung mauuna kong umuwi ng Pilipinas. Ang pino-problema ko si Avi. Patagal ng patagal, mas lalong tatanim sa isip niya na may namamagitan sa atin. Masisira ang diskarte ko!" naiinis si Julian. Akala pa naman niya pagkatapos ng gabing ito ay makakapag-plano na sila ni Clarisse ng surpresa para kay Avi. Siya naman pala ang bibigyan ng pasabog ni Clarisse.

"Akong bahala sa 'yo. Alam ko kung sino ang makakatulong sa 'yo. Kumpara sa akin, mas malaking tulong 'yong naisip ko. Sigurado akong tutulungan ka rin nila kaya chill ka lang." tinapik ni Clarisse ang balikat niya. Pero hindi pa rin siya mapakali. Gusto niyang maayos ang lahat pag-uwi niya. Paano niyang maaayos ang sa kanila ni Avi kung hindi niya kasama si Clarisse na uuwi sa Pilipinas?

"I want everything to be perfect, Clarisse. I want to be perfect for Avi."

"Hindi na kailangan, Julian. Naniniwala akong matatanggap ka ni Avi kahit hindi ka perpekto. Hindi mo kailangan maging perfect para mapansin ni Avi. Bwisitin mo lang 'yon, buong atensyon niya sa iyong sa iyo na." mahina pa itong tumawa.

"Hindi nakakatawa."

"Chill! Sabi ko naman sa 'yo, sure 'to. Everything is according to plan. Makakasundo mo 'tong proxy ko. Siya ang best person na makakatulong sa 'yo, promise." aangal pa sana si Case ng tumunog ang telepono ni Clarisse. Tumatawag si Avi. Biglang kumabog ang dibdib niya. Ang mapang-asar na Clarisse, ni-loudspeaker pa ang tawag para marinig niya.

"Cla! Congrats. Sabi ko naman sa 'yo mananalo ka, eh. Ikaw talaga ang Miss International ko."

Ikaw naman ang Miss Universe ko.

Narinig niyang tumawa si Clarisse. Mukhang nag-eenjoy ito sa reaksyon niya. Pero wala na siyang pakialam. Miss na miss na talaga niya si Avi. At hindi nakatulong ang pagkakarinig niya sa boses nito. Parang gusto niya itong hilahin palabas ng telepono at yakapin ng mahigpit.

"Clo, hindi pa ko makakauwi. Marami akong kailangan gawin dito. Dahil nanalo ako, mas marami akong kailangan puntahan na guestings at interview. Baka matagalan bago ko umuwi." sagot ni Clarisse sa kaibigan. Sumimangot si Case. Magsasalita na sana siya ng marinig ang masiglang boses ni Avi.

"Okay lang, Cla. Hihintayin kita. Unahin mo 'yang mga importanteng gagawin mo dyan. Makakapaghintay naman ako. Hintayin ko na lang pagbalik mo. Labyu Cla."

Sana all hinihintay.

"Sana all daw lab mo, Clo." pinagtatawanan siya ni Clarisse. Napahawak na lang siya sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay para sa kanya ang sinabi nito. Oo, assuming na kung assuming pero kahit sinabi nitong Cla ay naniniwala si Case na para sa kanya 'yon. Pahamak na Clarisse 'to! Baka bigla siyang atakehin sa puso.

Sige na, Cla. Kakain na kami ng tanghalian. Congrats ulit. Pinapabati ka nila Papa! Sana daw hindi mo sila makalimutan. Narinig nila ang pagtawa ni Avi sa kabilang linya.

"Oo naman, Tito Gus. Kilalang-kilala pa rin. Katukayo ko yata ang bunso mo."

Congrats, ate Cla! Proud kami sa 'yo.

"Thank you, Dianne Mervine! Deretso ko dyan pag-uwi ko."

Hindi na makatiis si Case. Tinalikuran niya si Clarisse. Hindi na kakayanin ng puso niya kapag narinig niya pa ang boses ni Avi.

Sabihin mo kay Case wag niyang kalimutan ang pasalubong ko. Bye! tumakbo siyang palapit kay Clarisse pero tinapos na ni Avi ang tawag. Napaluhod na lang siya sa sobrang inis.

"Narinig mo 'yon? Pasalubong daw, ah. Wag mo kalimutan." naiinis niyang tinignan si Clarisse. Naglakad na ito papalayo sa kanya. "Julian! Pasalubong ha? Hindi sarili ang ipangsasalubong."

"Diane Clarisse Laureles!"

"Present! Good luck pagbalik ng Pinas, Julian. Fighting!" mukhang mapapasabak nga siya pag-uwi niya.

Hay, Avi! Wait for me.

Real Sisters Trilogy: The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon