Chapter 58: Face Up

120 3 0
                                    

RACKY's POV

"Oy, sino'ng nagtapon ng I.D. dito sa basurahan!?"

Tanong ni Vem kina Meilyn at Glenda. Naririnig ko sila sa likuran namin habang kumukuha ako ng pagkain. Ang iingay pa nila, huh!

"Patingin nga." - Meilyn

"Exemplar Guitar School... School Owner: Mike Tyler Pretta."

Sabi ni Meilyn. Hay naku! Nakita pala nila sa basurahan ang I.D. ng mayabang na 'yon! Bigla akong nainis. Sht!*

"TEKA, ANONG SABI MO? MIKE TYLER PRETTA!? Eh 'di ba si Miler 'yan!? Paano napunta 'yan dito!?"

Gulat na tanong ni Glenda. Pero teka... ano raw!? Si Miler!?

"Oo nga, 'no? Eh baka nagkita na sila ni Shamy?"

Pagkarinig ko no'n, agad akong tumayo at hinarap silang tatlo.

"Anong ibig niyong sabihin na baka nagkita na sila ni Shamy? Sino bang tinutukoy niyo?"

Tanong ko, litong-lito at kinakabahan.

"Si Miler kasi... paano mapupunta ang I.D. niya dito kung wala silang connection? 'Di ba?" - Vem

"So it's really possible na baka nagkita na ulit sila." - Glenda

"Agree ako d'yan!" - Meilyn

"Ibig sabihin, ang Mike Tyler na 'yan at ang ex ni Shamy na si Miler ay iisa!?"

Ramdam ko ang kaba at gulat sa dibdib ko.

"OO!"

Sabay-sabay nilang sagot. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Kaya pala ganun na lang ang trato niya sa akin... kasi siya pala 'yon!

Lintik, kailangan ko siyang makausap! Sobra!

"Mga labs, huwag niyong ipapaalam kay Shamy ang tungkol dito, ha? Kailangan ko lang umalis!"

"Oh, brad! Saan ka pupunta!?" - Tanong ni Chris.

"Saglit lang ako! Promise!"

Sabi ko bago mabilis na lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

Lintik! Siya pala si Miler!? Bakit hindi siya nagpakilala? Bakit siya nagtatago? Niligtas niya kami, tapos hindi naman pala siya magpapakita! May balak ba siyang maging superhero!? Ang tindi, ha!

---

Miler's House

diiing dooong

Nag-doorbell ako. Ilang segundo lang, may nagbukas ng pinto-isang babae. Mama niya siguro 'to.

"Ano pong kailangan nila?"

Tanong niya. Yeah, hindi niya ako namukhaan-may disguise ako, eh.

"Uhm, magandang hapon po. Andyan po ba si Miler?"

"Nako, kakaalis lang niya, hijo."

"Po? Eh saan daw po siya nagpunta?"

"Sa airport, kasi pupunta siyang Thailand."

"Ano po!? Sa Thailand!? Bakit? Ano pong gagawin niya doon!?"

"Magbabakasyon. Kasi, alam mo, heartbroken 'yon. May iba na raw kasi ang babaeng mahal niya."

"Ano!? Eh sino ba 'yung babaeng 'yon?!"

"Yung dating girlfriend niya... Shamy ata ang pangalan."

"PO?!"

Sigaw ko. Hala, naloko na!

Dali-dali akong bumalik sa kotse-pero siyempre, bago 'yon, nagpaalam muna ako sa kanya. Mukhang naguluhan siya sa reaksyon ko.

When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon