Chapter 51: Unattended

164 3 0
                                    

+KINABUKASAN+

RACKY's POV

Sa awa ng Diyos, nakarating ako ng Manila nang buhay at hindi ako naubos ng mga lamok dun sa airport! Sa labas ata ako natulog sa may mga upuan! Tapos hindi pa ako nakapagdinner! Buti na lang may baon akong biscuit at Yakult, kaya hindi ako nagutom.

Natatakot kasi akong maghanap ng tiyangge-baka kasi may biglang umataking aswang sa akin. Hahahaha.

Nakasakay ako ngayon sa taxi, papunta sa beach house. Tenext ako ni Charie kagabi. Hindi raw siya nakasagot sa mga tawag ko kasi may meeting siya.

Akala ko pa naman may masamang nangyari sa kanila. Masyado lang siguro akong nag-aalala.

---

Beach Resort

Oh, bakit iniwan nilang nakabukas ang gate? Tsk, sila talaga oh.

Tok! Tok! Tok!

"Charie? Chris? Nandito na ako!"

Sabi ko sabay katok sa pinto.

Tok! Tok! Tok!

"Oy, hindi ba kayo marunong magbukas ng pinto?"

Ano ba 'yan, parang wala naman sila dito.

BOOGSH!

"AAAHCK!"

Napahiyaw ako-may humampas ng kung ano sa likod ko!

Agad akong humarap sa sumalakay sa akin. Isang pangit na lalaki ang nasa harapan ko, may hawak-hawak na pamalo!

"GGO! WAAAAH!!!"*

Sinugod ko siya at sinuntok!

BOOGSH!

Natamaan ko siya sa kanang pisngi. Tatamaan niya sana ako ng pamalo, pero nahawakan ko ito at pinalibot para mabitawan niya. Good thing, nabitawan nga niya.

Gaganti sana siya ng suntok, pero nakailag ako-tapos sinipa ko siya sa tiyan kaya napaupo siya!

Pinulot ko ang pamalo at hahampasin ko na sana siya, kaso...

"Si Charie, oh!"

Sabi ng g*go, kaya napalingon ako.

Hinahanap ko kung nasaan siya. Eh wala naman!

Bigla na lang akong hinablot nung lalaki! Ni-lock niya ako sa yakap mula sa likod at tinutukan ng kutsilyo sa leeg!

Para akong na-freeze. Hindi ako makagalaw-baka ibaon niya 'yung kutsilyo sa lalamunan ko! HINDI PA AKO P'WEDENG MAMATAY!

"Oh, ano, papalag ka?!"

Sabi niya habang mas nilalapit pa ang kutsilyo sa balat ko. Lintik! Hindi maganda 'to! Ang tanga ko! Naisahan na naman ako ng mga hampas-lupa!

"BWAHAHAHA! ANG DALI MO LANG PALANG MAUTO! AKALA KO BA MATALINO KA?"

May nagsalita sa gilid kaya nilingon ko.

Hindi nga ako nagkamali ng hinala-SI JADFOR NGA ANG MAY KAGAGAWAN NG LAHAT NG 'TO! At may mga kasama pa siya!

"HAYOP KA!!"

Sigaw ko.

"Salamat! Hayop talaga ako, eh. Mas hayop pa sa hayop!"

Sabi niya, habang nakatingin sa akin na parang adik na kriminal sa teleserye.

"AT PROUD KA PA?!! BAKIT MO BA GINAGAWA 'TO?! LUMABAN KAYO NANG PATAS! WAG 'YUNG DADAANIN NIYO SA DAHAS ANG LAHAT PARA LANG MANALO!!"

"Patas? Eh patas naman akong lumaban, ah. Ikaw plus ang mga pinakamamahal mo laban sa team ko. 'Di ba patas naman 'yon?" Evil smile.

When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon