Chapter 1: Reminiscence

658 5 1
                                    

June 16 (Monday)

SHAMY's POV

"Manong, para!" tawag ko sa paparating na tricycle. First day ko bilang substitute teacher ngayon kaya hindi ako pwedeng malate!

Nang huminto ang tricycle sa harap ko, agad akong sumakay.

"Sa Philiamor High lang po," sabi ko sa driver.

Philiamor High-'yan ang school kung saan ako magtatrabaho. For two months lang, kasi na-hire lang ako bilang substitute teacher.

So dim that spotlight, tell me things like I can't take my eyes off of you...

Hay, nakaka-bad trip naman 'to! Sa dinami-rami ng kanta sa mundo, bakit ito pa ang tumugtog?!

I'm no one special, just another wide-eyed girl who's desperately in love with you...

Superst-

Hindi ko na kinaya. Pinindot ko agad ang off button ng radyo. Napatingin tuloy sa akin si manong, pero nagdahilan na lang ako na may iniinda ako sa eardrum. Buti na lang, hinayaan na lang niya ako.

Dahil sa kantang 'yan, bumalik na naman sa isip ko ang past kong pilit kong kinakalimutan. Superstar by Taylor Swift-'yan ang theme song ng taong dahilan ng breakup namin ng ex ko! Dahil sa kanya, nagkanda-leche-leche ang lahat.

"Ma'am, nandito na po tayo."

"Ma'am?"

"Ma'am, okay ka lang ba?"

Natauhan ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Kanina pa pala nagsasalita si manong! Tulala ka na naman, self!

"Uhm, thank you, manong. Heto po bayad."

Pagkababa ko, para akong may pasan-pasang universe-in short, parang namatayan lang. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko. Three years na ang nakalipas, pero bakit ganito? Nasasaktan pa rin ako.

Naglakad ako papunta sa classroom ni Ma'am Brennah Fae Camilino. Siya ang teacher na papalitan ko dahil nag-maternity leave siya. Grabe ang ganda ng taong 'to, parang pang-beauty queen! Kahit malaki na ang tiyan niya, nakakasilaw pa rin ang ganda.

Maputi. Matangkad. Makinis. Sexy. Matalino. Nasa kanya na lahat!

Minsan nga, napapaisip ako. Parang nakita ko na siya dati, pero hindi ko matandaan kung saan.

Siya rin pala ang magbibigay ng sahod ko. Excited na ako sa first sweldo ko ever!

Pagdating ko sa classroom, tumayo lang ako sa may pinto habang pinagmamasdan ang mga estudyante. Wala ako sa mood pumasok. Asar! Hindi puwedeng ganito. Dapat lively ako!

Inhale... Smell the good vibes, Shamy!

Exhale... Positive lang dapat, positive!

Buti na lang, nakatulong ang breathing exercise para gumaan ang pakiramdam ko.

"Classmates, andito na si Ma'am!"

Napansin ata ako ng isang estudyante, kaya ngumiti na lang ako at pumasok sa loob. Grade 7 pala ang tuturuan ko-medyo bata pa talaga sila.

"GOOD MORNING, MA'AM LIMATUNAWA!"

Kilala na nila ako kasi isang linggo akong nag-observe sa klase ni Ma'am Camilino. Pero ito ang unang official meeting namin bilang teacher at students.

"Good morning too, everybody!"

Getting-to-know-each-other muna kami ngayon. Since kilala na nila ako dahil sa pagpapakilala ni Ma'am Camilino last week, sila naman ang magpapakilala sa akin. Typical first day of school activity lang!

When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon