Chapter 21: Weirdo

178 1 0
                                    

Shamy's House

SHAMY's POV

Ang lakas talaga maka-nega ng lalaking 'yon! Kala mo kung sino eh kagabi lang nga kami nagkabati, inaalaska na naman ako, hmnf.

"Hoy babae, bakit badtrip ka na naman d'yan?"

"Aba, at nagtanong ka pa?"

"Hay nako, parang binibiro ka lang eh, bilis mo namang magtampo."

"Ka-aga-aga kasi nang-aasar ka! Kawawa naman ako, binigyan ng panget na flowers. Che!"

"Kita mo to, parang bata. Sorry na, okay? Maganda na mga flowers, oh, ang cute-cute."

"Hmnf, ewan ko sa'yo!"

Umirap lang ako tapos nag-pout.

RACKY's POV

Crybaby pala ang babaeng 'to, pero in fairness, bagay naman sa kaniya magpacute.

Naalala ko, may binili pala akong bracelet para sa kanya. Nakita ko 'to sa bangketa kanina eh, hehehe. Joke lang, sa isang jewelry shop ko talaga binili, mahal nga eh pero oks lang, binigyan naman niya ako ng damit, so di pwede na wala rin akong ibibigay sa kanya, diba?

"Aba, at nagtampo. Oh, peace offering ko."

Sabi ko sabay abot ng bracelet.

"Waaah? Ano 'to?"

Tanong niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Bracelet 'yan, di mo ba nakikita?"

Asar ko sa kanya. Alam naman niyang bracelet, nagtanong pa?

"Syempre nakikita! Psh, pilosopo ka talaga!"

Sabi niya sabay hablot ng bracelet tapos tinignan niya ng maigi. Naduduling pa nga siya, hahaha. Spell cute? S-H-A-M-Y.

"Oh, nagustuhan mo?"

Tanong ko.

"Hmm, okay, apology accepted."

Bigla siyang tumayo sa sofa at tumakbo pa-kusina.

Abay, hindi man lang nagpasalamat!?

"Salamat ah? Salamat talaga ng marami!"

Sarcastic kong sabi sa kanya.

"Walang anuman!"

Sigaw niya. Tsk, iniinis talaga ako nito. Ni hindi man lang siya natuwa sa regalo ko!

brrrrrpp

Hay nako, gutom na ako, makakain nga ng dala ko.

SHAMY's POV

Wahahaha! Ang cute naman neto, color pink, saka mga flowers ang design. Sinuot ko na, yehehe, I love it.

Binuksan ko na ang ref at namili ng food, gutom na kasi ako eh.

Vanilla cake, milk, and apple. My num-num breakfast, yehehe.

Bumalik na ako sa sala kung saan nandun si Racky, pero habang papalapit ako dun, may naamoy akong mabaho.

"Hoy, Racky, ano ba ang mabaho na 'yan!?"

Sigaw ko habang papalapit sa kanya.

"Naka-loudspeaker ka ba? Dalawa lang naman tayo rito, tapos ang tahimik pa, tapos sumisigaw ka pa?"

Sabi niya. Mukhang napikon si boy suka ah, hehehe.

"Ah hehe, pasensya."

Nilapag ko ang pagkain sa table tapos umupo sa sofa.

When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon