After Two Weeks
October 2, 2014 (Thursday)
Event: AWARDS NIGHT
Araneta ColiseumSHAMY's POV
Matapos ang ilang araw ng paghihintay, malalaman na natin ngayon kung sino ang mananalo. Ready na ba kayo? Ako, hindi pa-sobrang kinakabahan ako!
"Nak, okay ka lang ba?"
Tanong ni Nanay. Oo, nandito ang buong pamilya ko. Ang saya ko nga kasi pumunta talaga sila rito para sumuporta sa akin at sa amin nina Racky.
Kasama ng pamilya ko ang Candies, pati na rin ang pamilya ni Racky at ni Chris. Nandito rin sina Brennah at Steffon, kasama ang panganay nilang anak, pati ang ibang Rackylovers. Actually, halos lahat naman kami puwedeng tawaging THE RACKYLOVERS-lalong-lalo na kami nina Charie at Brennah. Minahal talaga namin si Racky, pati na rin sina Nanay, si Chris, ang Candies, at lahat kami.
Hindi pa man nade-declare na panalo kami, parang panalo na rin kami kasi nandito silang lahat na sumusuporta sa amin.
"Okay lang po, Nay... medyo kinakabahan."
"Manalo o matalo, Nak, panalo pa rin kayo para sa amin. At saka, proud na proud kami sa'yo."
"Maraming salamat po, Nay."
Matapos ang heart-to-heart talk namin ni Nanay, naghanda na akong pumunta sa contestant chairs sa unahan. Dito lang ako umupo kasi hindi pa naman nagsisimula ang show.
Pero ang tanong-nasan na ba sina Racky? Nauna kasi akong pumunta rito. Sumabay ako kina Nanay, at sila naman ang nagsabi na mauna na lang ako. Ang weird nga nila ngayon.
"AAAHHH!!!"
Sigaw ng mga tao nang makita nila si Racky na lumabas mula sa hall. Hay, salamat! Dumating din.
Grabe, ang gwapo niya sa American suit na suot niya. Pang-award-winning talaga!
Napatingin siya sa akin tapos ngumiti sabay saludo. Pero bakit parang pilit lang yung ngiti niya? May problema ba siya? Haist, baka kinakabahan lang sa magiging resulta ngayong gabi.
Ako naman, nag-wave lang sa kanya.
"Shamia!"
Tawag ni Charie sa akin. Aba, ang ganda rin niya! LABAS PUSOD sa cocktail dress na kulay blue, with matching shining, shimmering, glitters. Hindi na nakapagtataka, kasi designer siya, at siya rin ang pumili ng susuotin namin ni Racky.
Matapos niyon, sabay kaming umupo sa contestant seats sa unahan-ako, sina Racky, Charie, at Chris.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagsimula na ang program. May ilang intermission numbers mula sa mga kalahok, at siyempre, kasama si Racky. ILUSYON ang kinanta niya. Ako naman, mamaya pa sa closing ng event-kakanta lang naman ako habang naggi-gitara. Nahihiya ako, pero bahala na.
dug dug dug dug...
'Yan ang estado ng puso ko ngayon. Parang masusuka na ako sa sobrang kaba.
Nakakailang pahid na ako ng aromatherapy oil! Pangparelax lang.
Iniisip ko kasi-kung matatalo kami, paano na ang mga pinaghirapan namin? Hindi biro ang pinagdaanan namin para lang makasali sa contest na 'to. Muntikan nang may mapahamak sa amin dahil lang sa kagustuhan ng iba na manalo. Mahirap ba talagang tanggapin ang pagkatalo kaya 'yung iba gumagawa ng masama para lang magtagumpay?
Sa lahat ng nangyari kay Racky-sa mga gulo at issues na hinarap niya-may totoo pa ba talagang sumusuporta sa kanya, maliban sa amin na mga kaibigan at pamilya niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/27085100-288-k395672.jpg)
BINABASA MO ANG
When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)
RomanceImpressive Ranks: #41 in Gangster #1 in Abra fanfic #1 in Rap #1 in Fliptop #2 in Guitar Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang tao na nagmamahal sa kanya para lamang sa pinapangar...