+KINAUMAGAHAN+
Racky's House
RACKY'S POV
"LUMABAS KA, RACKY! HARAPIN MO 'KO, HAYOP KA!!!"
Diiing dooong!
"HOY, LUMABAS KA!"
Diiing dooong!
"MANLOLOKO KA, BWISIT!"
Nagising ako sa ingay ng doorbell at sa malakas na sigaw ng isang lalaki. Parang ang daming tao sa labas.
. . .
"Ano?!"
Sumilip ako sa bintana at-WAAAH! Mga reporters!
"Oy, brad, anong nangyayari?!" tanong ni Chris, nagkakamot pa ng mata. Dito kasi sila natulog ni Charie kagabi-delikado nang umuwi pa sila.
Si Charie natulog sa kwarto ni Shamy, habang kami ni Chris dito sa sala, nagbabantay lang. Pero wala pa namang kahina-hinalang nangyari.
Ang dapat naming pagtuunan ng pansin ngayon? 'Yung hayop na si Dayne! Kailangan ko na siyang mahanap sa lalong madaling panahon!
Alam kong nagtatago pa rin siya sa probinsya. Malamang kumuha lang siya ng tauhan para manmanan kami at kunan ng mga malisyosong larawan! May impluwensya siya, kaya hindi imposibleng magawa niya 'yon.
Plano namin ni Shamy na bumalik sa probinsya bukas-bago pa mahuli ang lahat!
Ang mga sponsors, gigs, at commercials ko? Sunod-sunod nang nagsiurungan! Sabi nila, laos na raw ako at wala na silang mapapala sa akin. Ayaw nilang madamay sa gulong pinasok ko.
Oh, ha? Ngayon naiintindihan n'yo na ang buhay celebrity? Kapag wala na silang makuha sa 'yo, tinatapon ka na lang basta! Pero hindi ako natatakot. Malinis ang konsensya ko, at pagsisisihan nila ang pagtalikod sa akin. Lalabas din ang katotohanan.
"Kailangan nating takasan 'yang mga reporter na 'yan!" sabi ko. Hindi ako lalabas hangga't wala akong sapat na ebidensya para pabagsakin si Dayne! Talagang papatayin ko 'yon kung hindi niya babawiin ang mga paratang niya laban sa akin!
Buong magdamag kaming nakatutok ni Chris sa social media. Kung alam n'yo lang ang mga harsh comments tungkol sa akin, baka kayo pa ang maiyak! Ang masakit pa? Pati ibang fans ko, naniwala na kay Dayne!
Kagabi lang lumabas ang balita, pero trending na worldwide!
Dahil lang sa mga pictures, naniwala agad sila? Dahil lang sa galing ng photographer na kinuha ni Dayne, convinced na sila? Gano'n ba talaga kababaw ang utak nila?! Ilang tao na lang ang kumakampi sa akin!
Kailangan ko na talagang makagawa ng paraan para mahanap siya. Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula!
"Pero paano, brad? Sigurado akong hindi aalis ang mga 'yan hangga't hindi ka nila nakakausap!" sabi ni Chris.
"May fire exit sa likod. Do'n tayo dadaan!"
"Huwaw, ang galing mo talaga, brad."
Sinadya ko talagang bumili ng bahay na may gate sa likod. Sa wakas, magagamit ko na rin! -_-
---
Sinabi namin kina Charie at Shamy na kailangan naming makatakas, kung hindi, baka ma-stuck kami rito. Agad silang nag-ayos, lalo na si Shamy na nag-impake ng gamit para sa pag-alis namin bukas.
Habang nag-iimpake ako, tinulungan naman kami nina Chris at Charie para mapabilis.
Gusto sanang sumama ni Charie, pero masyadong hassle kung tatlo kaming aalis. Mas mabuting maiwan na lang siya kasama si Chris-alam kong hindi siya pababayaan no'n.

BINABASA MO ANG
When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)
RomanceImpressive Ranks: #41 in Gangster #1 in Abra fanfic #1 in Rap #1 in Fliptop #2 in Guitar Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang tao na nagmamahal sa kanya para lamang sa pinapangar...