Shamy's House
RACKY's POV
Dug dug dug dug
Ano ba 'to? Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. NO! Hindi maaari!
Natauhan kaming dalawa at mabilis na tumayo at inayos mga sarili namin. In fairness ha, mas cute pala si Shamy kapag malapitan, ha?! Teka, bakit ko ba naisip 'to? Erase, erase.
"Okay ka lang?"
Tanong ko sa kanya.
"Uhm, okay lang naman."
Dapat mawala 'tong awkward moment.
"Ano, gusto mo pa?"
"Ayoko na." Umupo siya sa sofa. "Nakakahingal. Wag mo nang uulitin 'yon ha, huhuhu."
Hay, salamat! Back to normal na ulit kami, ang galing ko talaga, oh.
"Hahaha! By the way, san ba nagpunta si tita?"
"Sa kapatid ko, dun daw muna siya. Namimiss kasi siya ng ate ko, at saka sabado naman ngayon, baka Wednesday pa nga siya makabalik."
"Ahh, ganon pala."
Sabi ko sabay tango pagkatapos ay tinignan ang oras sa relo.
TIME CHECK: 11:00 PM
Waah, maghahatinggabi na pala, uuwi na ako.
"Uhm, Shamy, uuwi na siguro ako para makapagpahinga ka na rin."
"Ahh, buti pa nga. Sige, hatid na kita."
Nang nasa labas na kami at papaandarin ko na ang kotse...
Eng eng eng pok ek ek
Ha? Bakit ayaw umandar?! Ngak naman, wala na sigurong gasolina 'to.
"Racky, anyare? Sira na ba 'yan?" Napadungaw siya sa bintana ng kotse.
"Hindi ah, nawalan lang ng gasolina."
Bumaba ako ng sasakyan.
"Mag-co-commute nalang siguro ako."
"Ha, tanga ka ba? Wala nang bumabyahe ng ganitong oras, noh! Ang mabuti pa, dito ka nalang magpalipas ng gabi."
Dito ka nalang magpalipas ng gabi.
Dito ka nalang magpalipas ng gabi.
Dito ka nalang magpalipas ng gabi.
Dito ka nalang magpalipas ng gabi.
Dug dug dug dug
Waaah!! Ano bang nangyayari sa puso ko! Ang lakas makatibok. Umpisa nung nakita ko sa CCTV, napapadalas 'to. Bakit? Wag n'yo sabihing nahuhulog na ako sa kanya? Waaaah!! Hindi, impossible. Pagod lang siguro ako.
"Ha? Sigurado ka?"
"Oo naman! Kung may mangyari sa'yo, konsensya ko pa, noh. Kaya pumasok ka na bago pa magbago isip ko."
"Haaah? Ah, okay. Sige."
"Oh, ba't namumutla ka dyan?"
Ano? Ganito ba ako ka-obvious?
"Hindi noh! Hinahamugan lang siguro."
"Ahh, ganon ba? Sige, halika na sa loob, baka magsuka ka na naman dyan, haha."
Ayan na naman ang pang-aasar niya. -_-
Umupo ako sa sofa na parang natameme tapos kinakabahan. Di na maganda 'to ha, parang nagkatotoo yung nasakanta ko!
"Hoy!"
Pookkk
May hinagis siya sa'kin at sakto sa ulo ko tumama.
![](https://img.wattpad.com/cover/27085100-288-k395672.jpg)
BINABASA MO ANG
When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)
RomanceImpressive Ranks: #41 in Gangster #1 in Abra fanfic #1 in Rap #1 in Fliptop #2 in Guitar Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang tao na nagmamahal sa kanya para lamang sa pinapangar...