Chapter 42: Mixed Emotions

214 3 0
                                    

Bar

STEFFON's POV

"GIIIMMEE MOOORE BEEEER!"

Sigaw ni Miler habang nakasubsob ang mukha sa table, may hawak-hawak pang bote ng alak.

"Insan, tama na 'yan."

"LEEAVE MEEH ALOONE!"

Andito ako ngayon sa isang bar. Tinawagan ako ng manager kasi kanina pa nagwawala si Miler! Paano ba naman—lasing na lasing na tapos pinagsusuntok pa ang mga umaawat sa kanyang mga customer!

Ang mukha niya puro pasa, may dumudugong sugat pa sa bandang ilong. Pinagkaisahan din kasi siya ng mga bouncer dito. Buti na lang at dumating ako—kung hindi, baka napano na siya.

Nakaupo siya ngayon at todo pa rin sa pag-inom. Hindi ko na mabilang kung ilang bote na ang naubos niya. Kalat na ang iba sa ibabaw ng mesa, at ang ilan, binasag pa niya.

Binigay niya sa 'kin ang wallet niya kasi gusto niyang ipa-reserve ang buong bar na 'to.

Wala na rin naman kasing ibang tao—nagsialisan na sa takot! Hay, nako, ano bang nangyayari sa pinsan ko? Hindi naman siya magkakaganito kung wala siyang problema. Kilala ko 'to, eh.

"Insan, ano bang nangyayari sa'yo? Umuwi na tayo, lika na."

Hinila ko ang kamay niya.

"GET OOOFF OF MEEEH!"

Tinapik lang niya ako, kaya napaatras ako.

Pumunta na lang ako sa opisina ng manager para makiusap na pagpasensyahan na lang si Miler at para hindi na siya tumawag ng pulis. Buti na lang at madali siyang kausap—binigyan ko rin ng pera, pambayad sa damages na ginawa ni Miler. Ang dami niyang nasirang upuan at mesa!

Pinakiusapan ko na rin siya na utusan ang isang waiter para sabihin kay Miler na ubos na ang alak—para lang tumigil na at mapauwi ko na.

Pero pagbalik ko sa pwesto niya—

BOOGSH!

Waaah! Nakita kong bigla niyang sinuntok ang waiter! Natumba ito sa sahig, dumudugo ang ilong. Ang mukha ni Miler parang galit na lion!!

Pumatong siya sa lalaki at—

BOOGSH!

Sinuntok ulit.

"MILER, TAMA NA!"

Sigaw ko.

Yung ibang mga waiter, aawatin sana siya at bubugbugin din, pero nakalapit agad ako. Sinabi ko sa kanila na ako na ang bahala kay Miler—buti na lang at sumunod sila.

"AAREE YOOUU TEELING MEE THAAT YOOUU DOON'T HAAAVEE ENOUUGH BEER HAA!? YOOU WAANAAA DIEE!?"

BOOGSH!

"Si-sir, ta-tama na po! Maawa ka!"

"YOOUU B*TCH, GOO TOOO HEEELL!"

Susuntukin pa sana niya ulit ang waiter, pero napigilan ko ang kamay niya.

"Miler, tama na! Naubos mo na lahat ng alak dito! Ibibili na lang kita—lika na!"

Bigla siyang tumayo at humarap sa akin.

Teka, umiiyak ba siya?

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyayari. Kailangan kong gumawa ng paraan para matigil na 'to! Mas lalo lang kaming mapapa-trouble pag nagtagal pa.

Yung waiter na nabugbog? Ayon, kumaripas ng takbo papuntang banyo, sinundan siya ng mga kasama niya.

"YOU STIIILL HEEEREE HA?!! GO HOOME NOOW! BAACK OFF!"

When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon