SHAMY's POV
"Ahhh, huwag na! Naniniwala na ako! Oo, ahh, ikaw nga 'yon! Hehe."
Napangiti naman ako ng pilit habang ina-absorb ng utak kong si Racky nga ang taong kaharap ko ngayon.
Grabe hindi ako makapaniwala sa nakikita ko para akong nakalutang sa ere!
Woohoo, parang hindi ako makahinga nang maayos! Sobrang kinakabahan ako, huhuhu.
Hala, baka bumalik 'yung pagka-adik ko sa kanya tapos makagawa na naman ako ng bagay na ikakasira ko? Ohh no! It can't be!
"Haha, mabuti naman. Nag-iisa lang kaya ako."
Pati pagtawa-Racky na Racky talaga. Siya nga!
Ang dating kinakausap ko lang sa picture, ngayon kaharap ko na! Tsk! Hindi ko na kaya 'to. Aalis na ako.
"Ha? Ahh, oo nga, hahaha! Tama ka. Sige ah? Alis na ako."
Tatalikod na sana ako nang biglang...
"Oy, teka lang!"
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Huwag ka munang umalis."
Ang kamay niya! Waaah! Hinahawakan niya ako!
Paano 'to? Bakit niya ba ako kinakausap?!!
Dapat hindi bumalik ang dating ako! Ayoko nang maging immature! Ayoko nang maging baliw! Wuhuhu!
AHA! ALAM KO NA!
Susungitan ko na lang siya para malabanan 'to! Yeah, tama! Aarte ako na parang hindi ko siya gusto!
Teka, hindi ko naman na talaga siya gusto, ah?
Hay, ewan! Para hindi narin niya ako kulitin!
"Bakit ba?!"
Tinapik ko ang kamay niya. Galing ko, ah!
"Ang sungit mo naman."
"Hindi ako masungit! Psh."
Sabi ko, sabay talikod, pero hinigit na naman niya ako.
"Ano bang kailangan mo sa akin?!!"
"May hinahanap ako, at kailangan ko ang tulong mo."
Seryoso niyang sabi kaya napatigil ako.
Tulong?
Ahh hindi pwede!
Shamy alalahanin mo na nagpromise ka to never involve yourself again ng mga bagay na may kinalaman kay Racky!
Dapat makalayas na ako rito.
"Ano? Wala akong panahon diyan! Busy ako!"
Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kaniya. Bahala ka diyan, Racky!
"Miss! Maawa ka naman sa akin!"
Grabe nakasunod talaga siya sakin- ang kulit niya talaga!
But yes Shamy you should've known better.
"Sa iba ka na lang humingi ng tulong!"
"Pero ikaw ang gusto ko!"
Napahinto ako.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa kanya.
.
.
.
.bbrrrp
Hay, nako! Gutom na gutom na talaga ako! Huhuhu.
"Sa tingin ko gutom ka na. Kain na muna tayo, my treat."
![](https://img.wattpad.com/cover/27085100-288-k395672.jpg)
BINABASA MO ANG
When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)
RomanceImpressive Ranks: #41 in Gangster #1 in Abra fanfic #1 in Rap #1 in Fliptop #2 in Guitar Pinili ni Shamy na magpakabaliw sa isang tao na di naman siya kilala. Pinili niyang mawala ang kaisa-isang tao na nagmamahal sa kanya para lamang sa pinapangar...