Chapter 57: Surprise

53 3 0
                                    

RACKY'S HOUSE

SHAMY's POV

Nainip kami sa kakahintay sa kanya sa bar, kaya umuwi na lang kami.

Ngayon, kasalukuyan kaming nagja-jamming dito sa sala. Hehe. Ako ang naggi-gitara, tapos sina Charie at Chris ang kumakanta. Kanina pa nga nagwawala 'tong dalawa, eh.

"Oh, ano na naman kakantahin natin?" tanong ni Chris.

"Happy Birthday na lang, hahahaha," biro ko.

"Naalala ko, Chris, birthday mo na pala sa linggo, ah!" sabi ni Charie.

"Woah, talaga? Eh tamang-tama lang pala ang Happy Birthday!" sabi ko.

"1, 2, 3! Happy birthday, happy birthday, happy, happy, happy birthday! Happy birthday, happy birthday, happy, happy, happy birthday!"

Sabay kanta namin ni Charie na may pa-rap beat pa.

"Hehehe, salamat," sabi niya sabay kamot ng ulo.

"Oy, mag-18 ka na pala. Welcome to the legal world," sabi ko sabay sundot sa kanya.

"Debut mo na pala? Hehehe," pang-aasar ni Charie.

"Kayo talaga," sagot niya, sabay iling.

"Eh ano ang wish mo sa birthday mo?" tanong ko.

"Simple lang."

"Na ano?!!" sabay naming tanong ni Charie.

"Sana magkaroon na ako ng girlfriend," sagot niya sabay tingin sa akin at ngiti.

"Wow, ha?! Kung gano'n, liligawan mo na si Glenda? Yahahaha! Ngayon pa lang, kino-congratulate na kita! Hehehe."

Sabi ko.

Nagtinginan silang dalawa, tapos biglang sumimangot. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Bakit hindi niyo nilalock ang gate?!"

Sabi ni Racky na biglang sumulpot mula sa labas.

"Oh, baby boy! Nandito ka na pala!"

Lumapit si Charie sa kanya at hinila siya sa sofa.

"Brad, saan ka ba galing?" tanong ni Chris.

"Pinuntahan ko 'yung lalaking tumulong sa atin," sagot ni Racky.

"Tumulong saan?" tanong ko.

"Kasi, Shamy, may nakakita sa'yo nung dinukot ka ng dalawang lalaki."

"Ha?! Talaga?!"

May nakakita pala sa akin noon?!!

"Tapos siya rin 'yung tumawag ng mga pulis kaya naligtas tayo."

"Wow, grabe! Ang bait naman niya! Kung hindi dahil sa ginawa niya, napahamak na sana tayo," sabi ko.

"What a heroic person! Dapat makapag-thank you tayo sa kanya!" sabi ni Charie.

"Oo nga! Gusto ko siyang makilala," dagdag ko.

"Dadalhan ko talaga siya ng beer para makapag-shot kami," sabi ni Chris.

"NAKAPAGPASALAMAT NA AKO SA KANYA, KAYA 'WAG NA KAYONG MAG-AKSAYA NG ORAS!"

Sigaw ni Racky. Mukhang galit siya.

"Pero dapat-"

"Ssshhh! 'Wag nang makulit!" putol ni Racky kay Chris.

"Eh 'yung tungkol sa box, siya rin ba ang nakakita noon?" tanong ko.

"Oo!"

"So, kailangan ko talagang magpasalamat sa kanya!"

When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon