Chapter 29: Whisper

235 3 0
                                    

Driving

Sa probinsya

MILER's POV

Papunta ako ngayon sa isang hotel. Kina Steffon ko sana balak tumira, pero napag-isip-isip kong baka makadisturbo lang ako sa kanila, kaya naisipan kong maghotel na lang.

Oh, eto na siguro yung hotel na sinasabi ni Steffon. Exclusive for elite persons lang daw 'to.

Deux Crown Hotel

Pinark ko ang kotse at pumasok sa loob. Dami naman palang naka-check-in sa hotel na 'to. Madami kasing kumakain sa mini-restaurant nila at halos lahat nakatingin sa'kin.

"Ang gwapo niya noh?"

"Oo nga, pwede siyang mag-artista."

"Gosh, gwapo."

"Crush ko na siya."

"Parang kahawig niya si Daniel Padilla na may pagka-Korean ng slight!"

Yan ang mga sinasabi ng mga babae na nakakakita sa'kin. Well, for their information, mas gwapo ako kay Daniel at mas lalong hindi ko pinangarap maging Korean! Ang corny! IMBA AKO! IMBANG-KLASE. Okay?

"Sir? May I help you?"

Sabi nung isang crew na kakalapit lang sa'kin.

"Where is the inquiry station?" Tanong ko.

"OMG, ibig sabihin araw-araw natin siyang makikita? Haha, so keleg."

Sabi nung isang babae. Dito kasi talaga ako sa loob ng restaurant. Pumasok ako rito kasi hinahanap ko ang information desk. Siguro napansin ako nitong crew kaya nilapitan niya ako.

"Sumunod na lang po kayo sa'kin, sir. Andun pa po kasi ang information sa kabilang area."

Kaya pala, hay nako, ang laki naman kasi ng hotel na 'to.

After a few minutes

Sa room 21 ako. Sabi ng isang crew, dyan din daw ang room nung celebrity na nag-check-in dati. Gwapo rin kasi yun.

Eh sabi ko naman, "I'm not interested."

Paki ko sa celeb na 'yon!

---

+KINABUKASAN+

[SARANGHAE by Sabrina]

RACKY's House

SHAMY's POV

"Mahal kita, pero mas mabuti nang di mo alam."

Waaah! Mali, dapat medyo malungkot ang itsura ko, woohoo ulit.

"Mahal kita! Pero mas mabuti nang di mo alam! Waaah!"

Teka, parang napa-OA naman ata 'yun.

Hay nako, dito ako ngayon sa kwarto ko, nakaharap sa mirror. Pinapractice ko kasi ang linya ko, ang hirap nga eh. Parang baliw lang ako rito. Ano kaya magandang emotion para sa linyang 'to? Iiyak ba ako o ang sad effect lang? Hmnnf, ulit, ulit.

1, 2, 3, game.

"Mahal kita. Pero mas mabuti nang di mo alam."

Hay nako, boring. Parang nawalan lang ako ng candy sa reaction ko. Dapat ramdam ko talaga ang bawat word sa script.

Sa story namin, tinatago ng babae ang nararamdaman niya. Wala na siyang balak aminin pa 'yon sa taong mahal niya kasi alam naman niyang wala siyang pag-asa dito.

Teka, parang ako rin 'to ah! Diba 'yong kay Racky? Waaah! Hindi ah! I like Racky, but it doesn't mean that I love him! You know? Yes, I like him, HA I LIKE HIM!?

When a Fan Falls in Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon