Chapter 10. Confirmation

805 30 0
                                    


Chapter 10. Confirmation

Dahniea's Pov

"Dahniea?"

Napukaw ang atensyon ko sa nagsalita. Unti-unti akong lumingon dito at nakita si mom na nakangiting papalapit sa gawi ko at nakaamba na ang dalawang braso para yakapin ako. A smile crept on my lips as I watch them both walking towards me.

I glanced at Zach one more time before I turned my back at him and walk towards my mom and dad para salubungin ng yakap ang mga ito.

"Dahniea anak. Na-miss ka namin" I heared mom whispered on my ear while giving me a warm and tight hug.

I saw dad just remained silence while staring at me kaya bahagyang nanumbalik sa'kin ang mga ala-ala ng nakaraan na matagal ko ng kinalimutan but I just wan't to think about it again. The harsh words they throw at me. Being not supported by them. Napalayas ako and now, I still don't know if they already accept it all.

Sa maraming buwan na lumipas, palagi kong iniisip kung paano ko ba ipapaliwanag ang lahat sa kanila but right now, I don't need to do it because in just a single word from them, babalik ako kahit kapalit nito ay mga pinaghirapan ko. Wala akong magagawa kasi mahal ko sila. Mga magulang ko pa rin sila kaya bakit pa ako maghahanap ng isang bagay na alam ko namang hindi nito kayang pantayan ang pakiramdam ng may magulang.

I let out a deep sigh to composed myself and to stop my tears to fall as well. Ibang luha para sa mga magulang at iba para sa iba pang bagay. Magkaiba iyon hindi ba? And now I'm being freaking emotional towards them just because I wish for this things to come true before. What a crap and what the hell I can't stop myself from sobbing. Nakakahiya naman sa lahat lalo na sa isa diyan na hindi ko inaasang pupunta dito.

I rolled my eyes at that thought. Matanong nga sila mamaya kung paano nila siya nakilala.

"I miss you too mom"

"I'm sorry. Forgive us. Hindi na mauulit"

I shooked my head and smiled. "I will always choose to forgive no matter what" sambit ko bago kumalas sa pagkakayakap niya.

Pareho kaming napatingin kay dad na hanggang ngayon ay tahimik parin at medyo malayo sa'min. I let out a deep sigh at bahagyang yumuko para sulyapan si mommy. Mas matangkad kasi ako sa kanya.

"Don't worry. Nahihiya lang iyang daddy mo mag-sorry sayo. Go. He's not mad at you" mom uttered and gave me her sweet smile to assure me that everything is fine.

Agad naman akong lumapit ngunit ang kaba ay naroon sa sistema ko habang naglalakad palapit kay dad. I still can't see the sign on his eyes that he missed me kaya hindi tuloy ako mapalagay. Baka mamaya may galit parin siya sa'kin pero wala namang masama kung susubukan ko ulit hindi ba? Freaking try and try until I succeeded kasi ang lumalaban, napapagod lang pero hindi tumitigil.

Sinikap kong ngumiti sa harapan niya ngunit naroon parin ang distansya. I did not move to give him a hug at gano'n din naman siya kaya bahagyang napangiti ako ng mapait pero sinikap ko paring hindi ipahalata. Pakiramdam ko rin ay umatras ang dila ko at hindi mahanap ang tamang salita para sabihin sa kanya.

Why does it feels like we both don't know what to say to each other gayong magkalapit na kami at magkaharap pa.

Inangat ko ang tingin at ngumiti kay dad pero alanganin iyon dahil hindi naman siya ngumiti pabalik.

"Dad....I...." Bumuntong-hininga ako at bagsak ang balikat na ngumiti ulit. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano ba magsisimula. I should say sorry first or should I give him a hug. I shooked my head. Bakit pa ba ako nahihiya ngayon?

My Beautiful Karma✔(Zach James Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon