chapter 5

1K 62 1
                                    

Ubos na ang kinakain ko habang si xyden naman ay di pa tapos.

"Mag tratrabaho ka pa ba pagkatapos nito?" Ibinaba nya ang iniinom nyang float at nag salita.

"Yup.. sa susunod mo nalang ako e-date" di ako nakapag salita agad.

"Paano mo nga pala nalaman ang number ko?" Pag iiba ko nang usapan.

"Secret!" Tss....

"Xyden tayo na ba talaga?? Ulit...?" wika ko.

"Ayaw mo ba?" Medyo may tono nang lungkot sa bosses nya.

"Syempre gusto ko!" Mabilis kong sagot. Gustong gusto ko talaga!

Napangiti sya at niyaya na nya akong Bumalik sa Hospital.
Siguro makakaabot pa naman ako sa pupuntahan nang mga kaibigan ko.

Nakasakay na ulit kami ngayon sa kotse ko habang tinatahak ang daan pabalik sa hospital.

Ipinarada ko na ang kotse nang makarating na kami.
Tumingin si Xyden sa akin at hinawakan nya ang kamay ko.

Nagulat ako nang bigla nya akong halikan mabilis lang yon at bumaba agad sya sa kotse ko.

"Bye bye!" Naiwan ako sa kotse ko na hindi makapaniwala.

Boyfriend ko na talaga sya ulit!!
Sobrang saya ko habang paalis na ako doon. Hindi ko nga alam kong saan na ako pupunta!

Pero parang napakabilis naman nang pangyayari.

Halos 3 years kaming hindi nag kita at nong isang week lang kami nag kita ulit. At ngayon kami na ulit! Grabe ang swete ko!

Dumating ako sa Gate nang isang sikat na resort dito sa bayan.
Alam ko rin na nandoon na sina Paulo at iba pa namin na mga kasama sa loob.

"Nandito na si Bryan!!" Sigaw ni khalix kaya Nagsi tinginan silang lahat sa akin.

Naliligo na ang iba habang may umiinom rin. Ako naman ay nakangiti parin hanggang ngayon dahil sa nangyari kanina.

"Bryan" napatingin ako sa yumakap sa braso ko.

Nandito rin pala si angela?

"Bakit di mo sinabe na pupunta ka rin dito?" Tanong ko. Pero hinila na nya ako para umupo sa tabi nya.

Di ko alam na marami pa silang inimbita dito na hindi ko pa nakikilala.

"Pahiram naman kay bryan!"

"Dito ka sa tabi ko bryan!"
Sambit nang ibang babae dito.

Napatingin ako kay angela at mabilis nitong nauubos ang iniinom nya.

Di parin talaga mawala sa isip ko ang nangyari kanina..

Nakita kong kumuha pa si angela at iinom sana ulit pero kinuha ko yon.

lasing na sya at halata dahil sobrang pula na ang pisngi nya.
Mukhang may problema siguro to..

"Ano ba ang nangyari dito sa kinakapatid ko?" Tanong ko kay khalix na katabi ko.

"Nag away sila ni andrew kanina" sagot nya.

"Nasaan si andrew?"

"Umalis na." Tumango ako at hinayaan si kiana na yumakap sa akin.

Napatingin ako sa swimming pool at nakita ko doon si kyle na nakatingin sa akin.

Tinawag nya ako pero mabilis akong umiling at tinuro si angela na ayaw akong pakawalan.

Medyo nalungkot sya at dahan dahang tumango nalang.

"Kainggit naman" sambit ni Rose

"Uwi na tayo!" Wika ni angela sa akin.

"Kakadating palang ni bryan angela, pwede naman na si andrew nalang ang maghatid sayo."

"Ayaw ko!!" Inis na sigaw nya.
Kaya napatingin sila kay angela

"Uwi na tayo" ulit na sambit ni angela sa akin.

Tsk!!!!

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿Where stories live. Discover now