Chapter 22
Violet POV'S
"Violet Bakit ka nandito?" Tanong ni Mom.
Nakakatuwa lang dahil yun talaga ang unang tinanong nila. Kesa papasukin ako dahil basa na ako nang ulan.
Di ako nag salita at pumasok na sa loob. Napatigil sa pagkain si dad at si ate nang makita nila ako.
"Dad di na po ako papayag sa kasal.."
Wika ko.Na hampas ni dad ang lamesa dahil sa sinabe ko.
"Hindi Pwede!! Alam mo naman na importante na maging isa ang pamilya nila at atin para lumago ang negosyo natin! " Sigaw nito sa akin.
Alam ko na di rin papayag si bryan na ikasal sa akin at mapapagalitan sya pag gagawin nya yon. Kaya ako nalang ang gagawa.
"Di ko nga po gusto! Wala ba talaga kayong pakialam sa akin!" Sinampal ako ni mom nang malakas dahil sa pag sagot ko.
"Wala ka talagang silbi violet !" Pailing na sabi ni Mom.
"Kung ganoon lumayas ka dito!" Galit na sigaw ni papa.
Tumango ako at lalabas."Di na ako babalik!" Sigaw ko din ko.
Pumasok ako sa kotse at pinatakbo ito di ko alam kong saan ako pupunta pero bahala na!
Tumulo ang luha ko kasabay nang malakas na ulan ngayon.
Bigla kong naalala ang lahat..
Tama sila ako na lahat ang mali at wala akong kwenta.
_
-Flshbck-"Mas mabuti pa ang ate mo!! Ganyan ka nalang ba talaga palagi violet!" Galit na wika ni mama.
"Di ko alam bakit ikaw pa ang naging anak namin!" Pailing na sabi nito.
Yan palagi ang Nangyayari kahit na ginawa ko na ang lahat at kahit na sobrang taas na nang grades ko. Kulang parin para sa kanila.. Pero pag si ate naman ay ayos lang sa kanila.
Wala na akong ginawa kundi mag aral nang mabuti, mag pakabait at sundin ang lahat nang utos nila pero ganoon parin.
___Birthday ko ngayong araw kaya naman excited akong nagising at lumabas nang kwarto.
"Aalis muna kami Mika May Business meeting kami ngayon nang dad mo." Rinig kong sabi ni mommy kay ate mika.
"Pero mom May pupuntahan kami mamaya nang mga friends ko!" Ani ate.
"Ito na. Wag kang magpapagabi." Habilin ni mom sabay bigay kay ate nang pera.
"Thanks mom!"
Bumalik ako sa loob nang kwarto ko.
Ano pa nga ba naman ang inaasahan ko. Normal na araw lang sa kanila to at wala naman silang pakialam sa akin.Pinunasan ko ang luha ko pagkatapos ay nagbihis na para pumunta sa school.
___Pagkarating ko sa school ay nabasa na kaagad ang damit ko. Meron kasing bumuhos sa akin nang tubig pagkatapos ay nagtakbuhan sila.
Nakangiting tumatawa si Geo nang dumaan sila kasama ang kaibigan nya. Matagal na syang nanliligaw sa akin pero binasted ko sya kaya galit sya sa akin ngayon.
Wala akong kaibigan dito sa school dahil lahat nang kaibigan ko noon ay di na ako kilala ngayon. Nagalit sila sa akin simula nong tumaas ang grades ko at ako ang naging pinaka matalino sa class namin. Nainis sila sa akin dahil nalamangan ko sila.
Pero ang inspirasyon ko kong bakit ko nagagawa yon ay di man lang na appreciate ang ginawa ko.
__Nalaman ko na ikakasal ako kaya naman kaagad akong tumutol.
Nagalit sila sa akin at sinabe na wala akong silbi at sayang lang daw ang pagpapalaki nila sa akin.
"Ito ang picture nya!? Ayaw mo! Ako nalang kaya!" Nakangiting sambit ni ate. Kinuha ko ang litrato at tinignan ito.
Nagulat ako nang makita kong sino yon.. Sya ang lalaking nag ligtas sa akin nong tinangka kong magpakamatay ilang taon na ang lumipas.
Pumayag na ako dahil para kahit papaano ay matuwa sina mom at dad sa akin at sigurado naman ako na mabait sya.
Nalaman ko din na bryan ang name nya.
_
End of flashback"Napahinto ako sa pag dradrive at tumigil ako sa harap nang isang tindahan.
Dahil sa ginawa ko Kay bryan at sa boyfriend nya. Pinatunayan ko lang ang sinasabe nang mga magulang ko na wala akong kwenta.
Tumigil na ang malakas na ulan pero di parin tumitigil ang luha ko.
A/N: Masakit talaga yung palagi kang kinukumpara HAHAHAHAHA wag mo naman ako kinukumpara sa iba dahil kahit minsan hindi ako magiging sila.........