chapter 27

431 38 0
                                    

Chapter 27

 Bryan POV'S

Bakit ang tagal ni violet?
Tinignan ko ang buong paligid pero di ko sya makita.

Huminga ako nang malalim at napasandal sa kotse. Ano ba kasi ang kinuha nya?

Napatingin ako sa harap nang meron dumating na kulay itim na sasakyan para mag park dito.

Para akong naestatwa nang makita si xyden na lumabas doon.
Napatigil din sya na ngayon ay gulat rin na makita ako.

Gustong gusto ko syang yakapin pero di ako makaalis sa Kinatatayuan ko.
"B-bryan!" Pahikbi nyang sambit.

Tumakbo si xyden papalapit sa akin
Na umiiyak. Gulat naman ako.

Niyakap nya ako.
"S-sorry bryan!! Sorry!" Nakayakap parin si megan sa akin. Akala ko kapag magkikita kami ay magagalit sya sa akin.

"Dapat kinausap kita noon.. kasalanan ko kasi naniwala ako kaagad." Niyakap ko rin si xyden

Naipaliwanag na nga ni violet sa kanya ang nangyari.

"Ayos lang.. di naman kita sinisisi at hindi mo kasalanan yon."

"Kahit na.. naniwala parin ako."
Hinawakan ko ang balikan ni xyden

Humarap din sya sa akin at nagtama ang mga mata namin.
Dahan dahan kong idinampi ang labi ko sa labi nya

Parang sasabog na ang puso ko ngayon sa saya na nararamdaman ko.
Pagkatapos nang matamis na halik ay pinunasan ko ang luha nya.

"I love you xyden.. ikaw lang talaga ang mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay!"
Sambit ko.

"Ikaw lang din ang mahal ko bryan hanggang sa kamatayan......"
Wika nya. Ngumiti ako.

Magka hawak ang mga kamay namin ni xyden na lumapit sa sasakyan nya.

"Kakain ka din ba dito l-love?"
Medyo nautal pa ako nang sabihin ko ang salitang yon.

Nakita ko naman na napangiti si xyden
"Ang Totoo pumunta ako dito kasi makikipag kita kami nong si violet... saad nya. Di ko inaasahan ang nalaman ko.

"Pinapunta nya rin ako dito. Kasi tutulungan nya ako na makausap ka." Sambit ko naman. Hindi kaya... ito na yon?

"Sinet-up nya siguro tayo." Ani ko.

"Oo nga! Pero nasaan na sya?" Tanong ni xyden. Tama sya, nasaan na kaya si violet ngayon?

Napaisip ako..

Suguro umuwi na yon.
"Umalis na sya siguro."
Sambit ko.

"Kumain nalang tayo. " Wika ko.
____

A/N: Nakakagutom sanaol nagka balikan......

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿Where stories live. Discover now