Chapter 26
Someone POV's
"Di na natin napakinabangan ang batang yon! Inampon mo pa kasi!" Galit na sigaw nang babae.
"Hayaan mo na." Wika naman nang lalaki.
____
Violet POV's
Sumakay kami ni bryan sa kotse nya at mga ilang minuto ay nakarating na kami.
Late kami nang 10 minutes sa sinabe.
kong oras kay Doc. XydenWala pa sya dito!!
"Bryan may bibilhin lang ako mauna ka na doon.""Hindi. Sasamahan kita." Saad nya.
"Nope mabilis lang naman ako." Nakangiting saad ko.
Naglakad na ako habang sinundan naman ako nang tingin ni bryan. Mga ilang lakad pa ay nasa medyo madilim na ako na lugar dahil sa matataas na bulaklak.
Di na nya ako nakikita!
Pero makikita ko parin sya.Mga ilang segundo din akong nag hintay at nakita ko si bryan na napapatingin na kong saan saan.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang isang kotse na huminto din. Lumabas doon si doc.xyden kaya naman napangiti ako..
Naramdaman kong bumagsak ulit ang luha ko. Goodluck xyden!
Siguro kakalimutan nalang kita.Sumakay ako sa isang bus at pumunta sa malayong bayan dito.
Mas malayo mas maganda!!Naalala ko na kanina sinabukan kong tawagan si mama. Sinagot nya ang tawag pero imbes na magalala sa akin ay galit na galit pa sya at sinabihan ako nang masasakit na salita.
Bakit ko pa nga naman ginawa yon..
Mga isang oras na byahe ang lumipas at bumaba na kami.
Dagat na itong nasa harapan namin
At kailangan ko pang sumakay papunta sa kabilang bayan.Tahimik akong umupo habang naglalayag kami.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero bigla kaming nagising lahat nang humampas ang isang malaking alon.Nagulat kaming lahat..
Sobrang lakas nang ulan. At biglang namatay ang ilaw..
_____Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at sinubukan na bumangon.
Sinubukan kong tumayo kahit na masakit pa ang ulo ko.
Napatingin ako sa malaking kahoy na nandito din sa tabi ko. Naalala ko na.. palutang lutang ako kagabi at nakahawak lang ako dito.
Nasaan na ako!?
Bumuntong hininga muna ako at tumayo ulit.
Natuwa ako nang makita ang Phone ko! Buti nalang di ko nawala to.
Kinuha ko ito at mabilis na nag open. Nalaman ko din kaagad ang balita sa nangyari. Binalita na lahat nang nakasakay doon ay namatay.
Kong ganoon lahat sila.. ang alam nila ay wala na ako!??
Tumulo ang luha ko.. kakalimutan ko naman din silang lahat. Mas mabuti na namatay na ako sa pagkakaalam nila.
Siguro..
Iibahin ko na ang pangalan ko at babaguhin ko ang buhay ko dito.
Paalam na violet......
______A/N: Paalam na aking mahal kay hirap sabihin...........
