Chapter 23
Bryan POV's
"Di na itutuloy ang kasal nyo ni violet anak." Ani mama.
Napatigil ako sa pag-inom nang kape at napangiti. Di ko alam kong ano ang nangyari pero masaya ako sa sinabe ni mama.
Iniisip ko ngayon ay kong paano ko makakausap si xyden. Alam ko na galit sya sa akin dahil sa ginawa ni violet
Napatayo ako pagkatapos ay tumakbo papunta sa loob nang kwarto ni abby.
Bukas ay babalik ako kina kiana at hahanapin ko si megan.. di ako titigil hanggat di ko sya nakakausap..
Umiiyak parin dito si abby sa loob nang kwarto nya.
"Kuya! May balita na ba kay ate violet!?" Tanong nya sa akin."Patay na Siguro." Sana nga totoo! Sya ang dahilan kong bakit nawala ang mahal ko.
Sinamaan ako nang tingin ni abby
Ngumiti lang ako."Sasama ako sayo kuya." Kung sasama si abby sa akin ay baka di ko pa magagawa ang mga gusto kong gawin.
"Sige pero doon ka titira sa bahay nila tito. Kasama mo doon si angela
Natahimik sya bigla."Kainis! Wag nalang!"
Naalala ko noon na iniligtas ko violet Sana pala di ko na ginawa yon.
______Violet POV's
Kakadating ko lang dito sa bayan para kausapin si Doc. Davis kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo.
Pumasok ako sa loob nang isang Coffe shop.
Maganda rin siguro kong sa bayan na ito muna ako titira. Bibili ako nang condominium at maghahanap ako nang trabaho dito.
Kinuha ko ang Phone ko at nag open ako sa Facebook. Nakita ko kaagad ang bagong post ni ate mika.
Pumunta sila nang ibang bansa at masaya sila sa group picture nila.
Nanikip nang kaunti ang dibdib ko nang makita ko yon.Ang totoo hinihintay ko talaga na may tumawag sa akin at papauwiin na ako. Pero siguro di na ako aasa sa kanila.
Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang dito sa loob. Si Doctor xyden iyon!
Dumeretso sya at bumili siguro di nya ako napansin.
Ang gwapo nya talaga! Talo ako kong ikukumpara sa kanya.
Kinuha nya ang binili nya pagkatapos ay lumabas na.Mabilis ko sya na sinundan papunta sa labas.
"Sandali lang doc..." mahina sabi ko. Tumigil sya sa pag inom at dahan dahan na nilingon ako.
"Bakit? Di ka pa ba masaya?" Wika nya. Na parang di nya ako gustong makita.
"P-pwede ba kitang makausap?" Sabi ko na kinakabahan ngayon.
Umiling sya at papasok na sana sa loob nang kotse.
"Tungkol ito kay bryan.."
Sambit ko."Ano pa ba ang kailangan mo!? Wala na nga akong pakialam sa kanya!!" Galit na sambit nya.
Bumuntong hininga ako at sinimulan na mag salita.
"Kasalanan ko ang lahat.. totoong ikakasal na kami ni bryan pero di sya pumayag dahil ikaw ang gusto nya.." wika ko. Tumigil sya."Hindi totoo ang lahat nang sinabe ko sayo dati." Sinampal nya ako nang malakas.
"Bakit mo ginawa yon!!" Tumulo ang luha nya.. habang ako naman ay napayuko.
Bobo ka kasi violet wala kang kwenta kaya dapat hindi kana nabuhay pa!
"Sorry...kasalanan ko kong bakit kayo nag hiwalay." Ani ko.
"Slut!"
Tatanggapin ko lahat nang sasabihin nya sa akin.
"Tutulungan kita para makausap mo sya.." sabi ko."Di ko kailangan nang tulong mo at ayaw na kitang makita ulit!!" Tinapon nya sa akin ang sisidlan nang iniinom nya at pumasok na sa loob.
Di ko sya masisi...
Walang gana akong naglakad habang nararamdaman ko ulit ang paglandas nang mga luha ko.
Galit silang lahat sa akin.. pero susubukan ko parin na itama lahat nang kasalanan ko kahit na di na nila ako mapatawad.
Pinunasan ko ang luha ko at napaisip kong saan na ako pupunta ngayon.
___A/N: Ako lang ba? Ang naawa kay violet HAHAHAHA.....