chapter 3

1.1K 63 1
                                    

Chapter 3

Nakauwi na si xyden at natulog narin sina tito at tita.

"Bakit ka pa uuwi? Dito ka na matulog." Wika ni angela pero mabilis akong umiling sa kanya.

"Pupunta nalang ako dito bukas." Lumabas na ako nang bahay nila at dumeretso sa kotse ko.

Masyado na akong inaantok kaya naman na isipan ko na hihinto muna mamaya para bumili nang chocolate cake

Ipinarada ko muna ang kotse ko at antok na pumasok sa loob.
Maraming bumibili dito at naglaro ang tingin ko sa mga taong nandito ngayon

"Pabili Isang chocolate cake" tamad kong sabi.

"O-opo sir!" Mabilis na tinawag nang babae ang isa pa nyang kasama.

"Gosh gwapo!" Rinig kong sambit nong isa. Tsk alam ko naman!

Di sinasadyang mapalingon ako at nagulat ako nang makita ko kong sino ang nakaupo sa isang table malapit lang dito.

Gabi na ah bakit nandito si Xyden?
Mag isa lang sya habang nakatitig sa akin ngayon.

"Ito na po sir!!" Malambing na sabi nang babae. Kinuha ko nalang ito at nagbayad na.

Hindi ko alam kong dederetso ba ako kay xyden or aalis nalang dito? Parang ang awkward kasi.

Lalagpasan ko na sana sya nang bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"dito ka muna love" Wika nya.
Ako naman ay gulat na gulat dahil sa sinabe nya.

Nagpahila na ako sa kanya hanggang sa mapaupo ako sa kanyang tabi.

"Xyden..." nasabi ko nalang.

"Bakit love?" Malambing nyang tanong sa akin.

Nanaginip ba ako ngayon!?

"Xyden sino yan??" Nagtatakang tanong nang babaeng kakagaling lang siguro sa banyo.

"Boyfriend ko yuki sinusundo na nya ako." Gulat na gulat ang babaeng nasa harapan namin dahil sa sinabe ni xyden

"P-pero--"

"Thankyou sa effort mo yuki pero si bryan ang mahal ko kaya sya ang sinagot ko." Wika ni xyden.

"Ibibigay ko lahat nang gusto mo! Lahat! Bahay! Pera! At kahit na anong gusto mo are you gay xyden!!" Naiiyak na sabi ni yuki

Lumuhod pa ito na parang tanga.

Pinagtitinginan narin kami nang ibang nandito.

"Hindi ko naman kailangan yon.. sorry talaga" kalmadong sambit ni xyden

"Miss, Di mo mapipilit si xyden kung sino ang gugustuhin nya at sa tingin mo ba di ko rin kayang ibagay sa kanya yon?. Wag na wag mo syang guluhin ulit" seyoso kong sambit.

Di ko alam pero sinabayan ko nalang ang kalokohan nato ni xyden dahil pakiramdam ko ay gumaganti lang sya sakin sa panlolokong ginawa ko sakanya

"Tara na love" wika ko at hinawakan ang kamay ni xyden at hinila na sya palabas doon.

Napatingin ako kay xyden at nakita kong nakangiti sya.

Derederetso kami hanggang sa Makarating na ako sa kotse ko.

"Ok na siguro yun doc. Uuwi na ako" alam ko na laro lang naman nya yon.

Nakawak parin sya sa kamay ko.
"Totoo lahat nang sinabe ko bryan dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita" Wika nya na pabulong na sa huli hindi ko pinansin ang sinabe nya at iniba nalang ang usapan.

"Sayo nalang oh"
Wika ko.

Kinuha nya ang chocolate cake

"Goodnight" masayang sambit nya. Binuksan nya ang chocolate cake at kinain ito habang pumupunta sya sa kotse nya.

Nawala na tuloy ang antok ko.

Hindi ko maintindihan pero nakangiti ako habang nagmamaneho pauwi sa condo ko.

A/N: Sa tingin nyo anong kayang mangyayari hmmm?

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿Where stories live. Discover now