Chapter 10
Nandito ako ngayon sa loob nang isang mall habang kumakain nang rocky road na Ice cream yung paborito ko yung pinili ko.
Mag isa lang ako dahil may pinuntahan pa si angela pero mas mabuti narin siguro na wala sya dahil napaka ingay nya.
Sa susunod na taon ay ako na ang mamahala nang kompanya namin kaya dapat e-enjoy ko na ang sarili ko.
Binuksan ko ang fb ko at naisipan ko na i-search ang Name ni xyden
Kaagad ko naman na nakita ang Account nya at tinignan ko kaagad ang profile ni xyden meron itong 2.3k likes.
Nasa isang beach sya at nakaupo sya sa isang malaking bato. Ang gwapo talaga ni xyden kahit simple lang ang damit na suot nya.
2 weeks na kaming hindi nag kikita ni xyden dahil nasa isang Bakasyon sya kasama ang pamilya nya.
At sa tingin ko ay nasa malayong lugar sila dahil hindi dito ang nasa profile nya. Wala namang beach dito sa lugar namin.
Nag add friend request ako sa kanya
at naisipan ko na mag change profile din ako.Pinalitan ko yon nang Picture naming Dalawa ni xyden
Mga ilang sandali pa ay nag ingay na ang notif ko sa sobrang daming comments at Reacts.
9000 reacts na kaagad ito kahit na 15 Minutes ago palang at sobrang daming comments na kaaagad.
"Woahhh totoo nga!"-khalix
"Ang swerte mo tron! Kainggit ka!"-khalix ulit.
"Ang gwapo naman nya baby bryan... wala akong laban dyan.."-Lalaki na di ko kilala kong sino. Naka sad emoji pa ito.
"0__0"-andrew"Hi!" Napa angat ako nang tingin para tignan kong sino ang nag salita.
"Kyle!" sambit ko.
Gwapo sya at ang cute nang mga porma nya. Naalala ko na kagaya nya ang mga gusto kong lalake noong highschool palang ako.
"Mag isa ka lang?" Tanong nya at pina upo ko sya sa tabi ko. Tumango ako sa kanya at ako naman ang nag tanong.
"Ikaw?"
"Ahmm, Oo may bibilhin lang naman ako." Wika nya sa akin.
"Samahan na kita." Ani ko naman.
Pumayag na sya at sinamahan ko sya sa pagbibili nya.
"Wahh gusto ko nito." Sambit nya.
Kinuha ko narin yon at binayaran na namin.Kumuha na nang pera si kyle Pero binayaran ko na ito lahat at Sumimangot naman sya.
"Ikaw nalang ang babayaran ko bryan." Ani nya.
"Wag na.." sambit ko naman habang naglalakad kami paalis.
Kinuha ko ang Cp ko at tinignan ko yon. Nakita ko na inaccept na ni xyden ang friend request ko kaya napangiti ako.
Tumingin naman ako kay xyden na nakatingin rin sa cp nya.
Tumingin ulit ako sa cellphone ko at nakita ko na nag heart si kyle sa profile ko.