Chapter 1
Kinabukasan.
Sa pangalawang pagkakataon ay bumalik ulit ako sa hospital dahil sa kakulitan nang kinakapatid ko.
"Bry bakit kasi ang tigas nang ulo mo" galit na saway sa akin ni angela
As if naman na matatakot ako sa duwendeng ito"Itutulog ko nalang to" binalewala ni Angela ang sinabe ko at hinila na ako papasok sa loob ng hospital
"Nasaan si Doc" mabilis na tanong ni angela sa Nurse. Kaya nataranta ito.
"S-sandali lang po Ms. Dela cruz tatawagin ko lang po sya."
Mabilis na umalis ang nurse.Tsk.. ang dad kasi ni angela ang gavernor sa lalawigan na ito at ang pamilya lola din nya ang may ari nitong hospital.
Nagtama ang mga mata namin ni Xyden at unti unting naglaho ang ngiti nya.
"Doc. Gamutin nyo po si bryan. Kagabi pa ang lagnat nya e."
Wika ni Angela.Tumingin si Xyden sa Nurse na Nasa tabi nya at nag salita.
"Akala ko si doc. Rowena na ang bahala kahapon?" Tanong ni xyden Alam ko naman na ayaw nya akong makausap or makita kaya naiintindihan ko sya.
"Umalis na kami kahapon At di naman malala to kaya aalis na kami."
Sambit ko habang nakatingin kay xyden"Bryyy!!" Wala nang nagawa si Angela nang Hilahin ko sya.
"Sandali lang" sambit ni xyden kaya naman nilingon ko ito.
Tumayo sya at nagulat ako nang lumapit ito sa akin.
"Mataas pa ang lagnat mo bryan wika nya.
pinapasok nya ako sa isang room habang si angela naman ay naghintay sa labas.
"Girlfriend mo ba si Ms. Dela cruz Wag mo syang lolokohin patay ka kay governor." Seryoso?. Yon talaga ang una nyang tanong nya!!?
"Hmmm okay" walang ganang kong sagot sa kanya.
"Doc. Xyden pala.." pag-uulit ko.
"Pwede naman na xyden nalang" wika nya habang busy na sa pagsusulat.
Naalala ko na Noong nag-aaral pa lang kami ay halos lahat nang Mga babae sa school namin ay crush sya.
"Ito ang bilhin mong mga gamot at magpahinga ka nalang muna." Tumango ako sa kanya.
"Salamat.. at sorry" mahina kong sambit.
"Sorry? Saan?" Nagtataka nyang tanong.
"Tungkol sa nangyari noon sorry talaga"
"Nakalimutan ko na yon..sige na busy pa talaga ako marami pa akong titignan na mga pasyente" Wika nya.
______Nasa labas na kami ngayon nang hospital ni angela at naka sakay na kami nang kotse.
"Woah ang gwapo nya alam mo bang paborito syang doctor ni tita at madalas syang imbitahan ni mommy sa bahay." Wika ni angel
At alam mo ang gwapo gwapo talaga nya noh." sabi nya sakin tama sya gwapo sya pero mas gwapo parin talaga ako
"Bryan bakit kilala ka nya? Tinawag ka ni doc xyden kanina sa pangalan mo e" nakataas ngayon ang dalawang kilay nya habang hinihintay ang sagot ko.
"Isinulat mo na doon sa papel ang pangalan ko kaya syempre alam nya"
Ani ko.Bigla ko ulit naalala ang nangyari noon.
Dare lang yon sa akin pero di ko naman alam na totoo pala ang nararamdaman ni xyden pinagsisihan ko talaga ang ginawa kung iyon at hindi ko na sya nakita pa hindi ko din maipagkakaila na kahit dare lang yun ay minahal sya alam kung nasaktan sya sa nangyari kaya gagawin ko ang lahat para mapatawad nya ko sa ginawa kung kasalanan sakanya.