Chapter 12
Pinilit ko na bumangon pero pinigilan ako ni xyden. Masakit pa nga nang kaunti ang katawan ko at hindi pa siguro ako makakalakad nito.
Tinignan ko si xyden at nakikita kong pagod na at inaantok na sya. Hinawakan ko ang braso nya kaya napatingin din sya sa akin.
"Bakit bryan?" Tanong nya.
"Magpahinga ka na.. ok lang naman ako."
"Di pa naman ako inaantok bryan" Wika naman nya.
Parang nanghihina parin ako ngayon siguro dahil sa dami nang mga nawalang dugo ko.
Napapikit ulit ako at pagmulat ko nakita ko si xyden na ginawang unan ang braso ko habang natutulog.
Napangiti nalang ako at tinignan ko lang sya sobrang bait nang mukha nya habang natutulog.
_____
8:00 AM nang umaga at nag-paalam na si xyden sa akin."Babalik ako dito mamaya.." Wika nya pagkatapos ay umalis na.
inalala ko ang nangyari kagabi.
Tss..
Mag iingat na talaga siguro ako sa susunod. Mabuti nalang nandyan si xyden at ang swerte ko sa kanya.
"Bryyyyyyyyyy!!!" Bumukas ang pinto at tinakpan ko nalang ang taenga ko sa lakas nang sigaw ni angela
Tumakbo sya papalapit sa akin at niyakap nya ako.
Damn!!!!
"Aray! Angela!
"Opps sorry bryy."
Umupo sya sa tabi ko at nag salita.
"Buti nalang talaga at ligtas ka bryy! Sobrang kinabahan talaga ako.." sambit nya."Nga pala bryy yung bf mo nasaaan?"
"Kakaalis nya lang." Mabilis kong sabi sakanya
"Wahh talaga!? Naunahan nya ako na bisitahin ka?" Ani nya.
Di nalang ako sumagot.
"Pupunta din dito sina dad and mom nauna lang ako sa kanila." Ani nya. At tumango nalang ako.
"Alam na ba to ni tito?" Ang tinutukoy ni angela at ang papa ko na nasa manila ngayon.
"Ewan siguro sinabe na nang mga magulang mo." Sagot ko sa kanya.
Ilang minuto ang lumipas at dumating narin ang mga magulang ni angela
Marami silang dalang mga pagkain at pinagalitan pa ako.
_______
Isang week ang lumipas at medyo magaling na ako. Siguro ay aalis na rin ako dito bukas.
Nong isang araw pumunta dito ang mga kaibigan ko at ang dami nilang dala. May bulaklak pa at merong Love letter pa.
Nandito ngayon si xyden habang pinapakain nya ako nang niluto nya.
Tinikman ko ito at inaamin ko na masarap yon.
"Tikman ko nga Kong masarap" wika ni xyden
Kinuha nya ang kutsarang ginamit ko at tinikman nya ang niluto nya.
Ginamit ko yon ah!?"Babalik nalang ulit ako dito bryy hanggang ngayon ang tamis pa rin ng laway mo sige na may gagawin pa ako." Nakangiti nyang sabi naiwan naman akong nakatulala sa sinabi nya