Chapter 20
Malamig ang gabing ito, Tulog na sina violet at abby dahil napagod sila sa kaliligo sa dagat kanina.
Magkaiba ang kwarto naming tatlo at silang dalawa ay nasa sarili na nila ng kwarto. Habang ako naman ay nandito sa labas na di parin dinadalaw nang antok.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko. Papasok na sana ako sa loob pero napatigil ako nang may marinig na ingay mula sa kwarto ni violet
Magkatabi lang ang kwarto namin at nakabukas ang pinto nang kwarto nya nang bahagya.
"Myyy ghawdd violet ginawa mo yon!?"
Rinig kong sabi nang kausap nya sa Cellphone."Bakit mo sinabe yon at tinangka mo pa talagang bayaran! para layuan nya si bryan!?" Nagulat ako sa narinig ko. Lumapit ako nang kaunti at nakinig.
"Alam kong mali yon.... pero kailangan ko talagang gawin e.."
"Kumuha ka pa talaga nang Litrato na magkasama kayo ni bryan na natutulog? Ha violet!?" Sambit nang kaibigan nya sa kabilang linya.
Kailangan ko iyon gawin para matutunan niya akong mahalin." Makikita mo kung gaano sya ka desperadang gawin iyon
Sa tingin ko ay kailangan na nating umuwi sa states violet mukhang bumabalik na naman ang sakit mo my ghawdd" Nag aalala ngunit galit na sabi nito kay violet
kinuyom ko ang kamay ko at binalak sana na pumasok sa loob.
Mabuti nalang dahil napigilan ko ang sarili ko.
Pumasok na ako sa loob nang kwarto at deretsong nahiga.
Kung ganoon pakana talaga lahat ni violet to?
Kinapa ko sa bulsa ko ang phone at hinanap ang Number ni xydenGusto ko pang malaman ang talagang nangyari! Sana sagutin nya ito..
Naka ilang tawag rin ako kay xyden pero hindi nya ito sinasagot. Sa huli ay binitiwan ko nalang ang cellphone at umupo sa kama.
"Hello?" Mabilis na kinuha ko ang cellphone at kaagad na nagsalita.
"Xydenn.." sambit ko sa mahinang boses.
"Congrats bryan.. Ang ganda nya!"
Di ako kaagad nakapag salita sa sinabe nya."Hindi ko sya gusto xyden, kaya nga ako umuwi dahil sasabihin ko sana---"
"ayaw ko nang makinig bryan parang awa mo na wag mo na akong oag laruan." Binaba ni xyden ang tawag.
Sinubukan ko syang tawagan ulit pero di na ako makatawag.
Wala nang tiwala si xyden sa akin ngayon... Sya lang naman talaga ang gusto ko...
Galit akong tumayo at pumasok sa kwarto ni violet Mahimbing syang natutulog ngayon.
Damn it!!
Gusto mong makipag laro pwess ibibigay ko sayo ang larong gusto mo violet...
___A/N: Ang sakit noh yung wala nang tiwala yung tao sayo kasi akala niya hindi totoo ang mga sinasabi mo...........