chapter 24

424 35 1
                                    

Chapter 24

Bryan POV's

Namiss ko kaagad ang lugar na to.
Pumasok ako sa loob nang bahay nila tito. kaagad naman akong sinalubong nang mga maid nila at binati ako.

Bryan!!!" Mabilis akong niyakap ni angela

Ngumiti ako habang tinitignan ko sya

"Gutom na ako."
Wika ko.

Hinila nya ako at ipinakita sa akin ang madaming pagkain na nakahanda.

"Alam ko na malakas kang kumain. Dinamihan ko na!" Ani angela

Mas mabuti pa tong si kiana keysa kapatid ko. Di nga marunong magluto yon!

"Nalaman ko galing kay papa ang nangyari. Mabuti naman dahil di na matutuloy yon!" Masayang sabi ni angela

"Nga pala bryyyyy kinukulit ako nang mga kaibigan mo kong bakit di ka na nila makita!" Ani angela.

Napatawa lang ako at sinimulan ko nang kumain.
"Ok ba kayo ni xyden ngayon? Di ko na sya nakita na pumunta dito."

"Galit sya sa akin ngayon." Tipid na sabi ko.

"Bakit anong nangyari?" Mahirap ipaliwanag kay angela ang nangyari.

Tinapos ko na ang pagkain ko at sinabihan si angela na aalis na ako.

"Aayusin ko lang mga gamit ko sa condo. Babalik din ako dito mamayang gabi. " ani ko sa kanya.
__

Mabilis lang na nakarating ako dahil di naman kalayuan ito sa bahay nila tito.

Naglakakad na ako papunta unit ko nang biglang bumukas ang pinto sa katapat nito.

Ikinuyom ko ang kamay ko dahil sa inis..
"Bakit ka nandito." Galit na sabi ko.

Nagulat din si violet makita nya ako.

B-bryan dito muna ako titira ngayon.." sambit sa akin ni violet

Natawa ako sa sinabe nya.
"Paano mo nalaman na nandito ako! Sinadya mo pa talaga na malapit lang sa unit ko." Galit kong sabi.

"D-di ko naman alam na dito ka rin pala. Wala kasi akong ibang mapuntahan na tutuluyan---" itinulak ko sya papasok sa loob.

"Kakadating ko lang dito para ayusin ang ginawa mo sa amin ni xyden. Nandito ka ba ulit para guluhin kami!?" Galit na sigaw ko.

Bwesit talaga!
"Hindi.. di ko na kayo guguluhin.. kailangan ko lang talaga nang matutuluyan ngayon. pwede naman kitang tulungan para magkabalikan kayo." Wika nya.

Nasa loob na kami ngayon nang condo nya.
"Tss.. ang gusto ko umalis ka dito."

"Pero wala pa akong pera para lumipat... Sana maging magkaibigan nalang tayo bryan." Paano naman sya mawawalan nang pera. Napaka yaman nila.

"Diba sabi ko na sayo noon na layuan mo ako. Sinundan mo pa talaga ako dito!" Wika ko sa kanya.

Lumabas ako na galit parin.
_______
Violet POV's

Tulala ako ngayon habang nakahiga.
Gusto ko lang naman na makipag ayos. Sobrang laki ba talaga nang kasalanan ko?

Gusto ko naman talaga na umalis dito kong ayaw nya akong makita pero kulang pa ang pera ko.

Wala akong pamilya
Kaibigan
Kaanak
Or kahit anong pwedeng lapitan.
Nag-iisa lang talaga ako.. walang nag mamahal at madaming galit sa akin.

Tumayo ako nang may maisip ako.
Magluluto ako para kay bryan nang madalas kong lutuin noon.

Konti lang tong mga binili ko dahil wala pa akong trabaho ngayon.
Pinunasan ko ang luha ko pagkatapos ay sinimulan ko nang magluto.

Sana magustuhan ni bryan ito.
Natapos na akong magluto at napangiti.

Kumatok ako sa harap nang pintuan. Mga ilang sandali ay binuksan din ni bryan yon.

Di sya nagsalita at napatingin lang sa akin at sa dala ko.
"Para sayo bryan... sana maging magkaibigan tayo." Ngumiti sya at tinaggap nya ito!

"Salamat." Cold na sabi ni bryan

Nagulat ako nang bigla nyang itapon ang niluto ko.
"Alis na. Mas gusto ko pa na makipag kaibigan sa aso kesa sayo.." Ani nya.

"Bryan.. sana di mo tinapon kahit na ayaw mo." Malungkot na sabi ko.

Pero isinara na nya ang pinto.
Iiwasan ko nalang siguro na makita sya..
___

A/N: Face your consequence my dear  violet HAHAHAHA........

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿Where stories live. Discover now