Chapter 15
Dalawa nalang kami ngayon ni violet na nag-uusap dito sa labas.
Sinadya nila ito para mas lalo pa naming makilala ang isat isa.Umupo sya at napatingin sa labas.
Napatingin ako sa biglang pumatong sa akin at natuwa ako.Si shun Ang aso ko Hahaha! Ilang buwan ko narin syang di nakikita buti naman at kilala pa nya ako.
"Ang cute naman, aso mo ba sya?" Hinimas ni violet si shun
Tumango ako sa kanya.
"Anong name nya?"
"Shun." Tipid na sagot ko. Ngumiti sya sa akin.
Tsk..mas gusto ko parin si xyden kahit mas maganda si voilet
"May dog rin ako sa bahay mahilig kasi ako sa mga aso." Wika nya.
May nag tanong ba?
Diba guys! walang may nag tanong??
Di ko sya sinagot at iba ang sinabe ko
"Di ka pa uuwi violet?" Tanong ko.
"Ahm maaga pa naman.." wika nya.
"Sigurado ka ba na papayag ka sa arrange marraige na ito?"
Napahinga sya nang malalim sa tanong ko."Siguro.... papayag ako kasi gusto na kita." Nakangiti nyang sabi. Ako lang pala ang di makakapayag dito!?
"Mag date tayo bukas baka magustuhan mo rin ako!?" Biglang sabi nya.
"Paano mo naman ako nagustuhan e, ngayon lang tayo nagkakilala!!?" Siguro easy to get tong babaeng toh!
"Nag kita na kaya tayo noon! Di mo natatandaan?"
"Saan naman?"
"Dito din bata pa kasi ako noon." Wika nya. Di ko na naalala ang sinasabe nya.
Mga ilang sandali pa ang lumipas ay biglang umulan nang napakalakas.
Pumunta kami ni violet kina mama at papa."Violet dito ka na matulog." Sambit ni papa.
"Oo nga Malakas ang ulan dito ka na muna." Ani mama.
"Salamat po mom,dad pero saan po ako matutulog?" Wtf! Tinawag nya ba sina mama at papa na mom at dad!?
Tahimik lang ako na nakikinig pero di ko akalain na sasabihin nya yon.Parang wala lang naman sa mga magulang ko yon at natuwa pa sila!
"Sa kwarto ka ni bryan matulog hija next week narin naman ang kasal nyo." Ani mama na mas ikina gulat ko.
Seryoso sila!!??
Tumingin si violet sa akin at ngumiti sya.
_____
"Voilet! Na nga lang ang itawag mo sa akin." Nakanguso sya ngayon habang ako naman ay natatawa.
"Btw bryan ang ganda nang kwarto mo ang linis at sobrang lamig.." sambit nya at humiga sa kama.
"Tss.. malas naman.. mapipilitan ako na sa sahig matulog." Ani ko.
"Bakit naman!?" Anong bakit?
Tss.. di ko sya sinagot.
At kumuha nang kumot at unan."Sigurado ka bryan dyan ka matutulog?"
"Oo dito nahihiya naman kasi ako sayo." Tumingin ako sa kanya at masaya syang nakatingin sa akin.
"Ang bait naman nang magiging husband ko. Pero pag maisipan mo na tumabi sa akin mamaya, Ok lang sa akin." Ani nya..
Act lang to..
Tumingin ako sa cp ko at napangiti nang makita ang picture ni xyden
Di na kita lolokohin ulit.. xyden... pangako ko yan sayo.....