chapter 2

1.6K 69 1
                                    

Chapter 2

"Papunta na sila dito!" Masayang balita ni paulo Pupunta din Kasi dito sa Bar ang Girlfriend Nya at mga kaibigan nito.

Ilang araw na ang lumipas at maayos na ang pakiramdam ko ngayon.

"Kasama ba nila si pia?"
Tanong Ni khalix

Hindi ko kilala kong sino ang pinag-uusapan nila. Ilang weeks palang naman ako dito.

Uminom ako at Kinuha ang Cellphone ko. 8:00 pm palang at siguro magpapagabi kami dito.

"Sayang akala ko nandito din si angela" Malungkot na umupo Si andrew na ka dadating lang.

"Bakit di mo sya sinama bryan?"

"Ayaw nya daw.." tipid kong sabi.

Nalaman ko na nanliligaw si andrew kay angela. Ewan ko lang kay angela kong sasagutin nya to.

Ilang minuto din ay dumating na ang mga babae at lalaki na hinihintay nila

"Sorry Natagalan kami"

"Ok lang babe" Tugon ni paulo. Yan siguro ang girlfriend nya? umupo ito sa tabi nya

"Bryan si rose Nga Pala baby ko" Natutuwang sambit ni paulo

"At si blake at si kyle" pagpapakilala ni paulo

Nagpakilala rin ako at masaya kaming nag kwentuhan at nag inuman.

"Bryan sabi ko sayo e.. gwapo Si kyle Ligawan mo kaya!?" hamon sa akin ni khalix
 
Alam kasi nilang bisexual ako nagkakagusto din ako sa lalaki at nagkakagusto din ako sa babae

Tinignan ko si kyle at tumingin rin ito sa akin kaya nagtama ang tingin namin.

Mabilis akong umiwas at napangiti.
Hindi ko maipagkakaila na gwapo nga sya. Pero mas gwapo pa rin si xyden  kahit hindi na sya  mahilig pumorma ay gwapo pa din sya

Tsskk.. bakit ko naman pala sya naisip

"Pwede rin" sabi ko nalang at nakita kung napangiti si kyle sa sinabi ko

"Kailan ka umuwi dito bryan?" Tanong ni Rose

"Mga Ilang linggo narin" Sagot ko sa kanya at uminom.

"May girlfriend ka or boyfriend?"
Tanong nya.

"Wala pa.. naghahanap pa sa ngayon" sagot ko..

Natuwa ito sa sinabe ko habang ako naman ay binalewala ito at tumingin sa Cellphone ko.

May nakita akong message doon kaya kaagad ko na binasa.

Angela: Bakit wala ka pa dito sa bahay? Diba sabi ni mama kanina may family dinner tayo!!!!

Takte! Nakalimutan ko yon

Kaagad akong nagtipa para sagutin sya.

Bryan: Sorry nakalimutan ko, pupunta na ako dyan."

9:00 PM pa lang naman siguro makakaabot pa ako.

"Excuse me guys uuwi na ako may Importante lang na gagawin."

"Uuwi ka na kaagad?" Malungkot na sabi nang mga kaibigan ko.
Tumango ako

"Next time nalang kapag wala na akong importanteng gagawin" Wika ko.

"Sige, pumunta ka sa susunod" Si kyle na ngayon ay nakatingin sa akin.

____

Malapit na ako sa bahay ngayon at nakita kong may ilang nakaparadang kotse sa labas.

May iba pa silang bisita?

Malaki itong bahay nila angela at meron pa silang siyam na bahay sa iba't ibang lugar.

Pumasok ako sa loob at binati ako nang mga maid.
Napatigil lang ako nang makita ko si xyden na nakaupo habang kinakausap sya ni tita.

Napatingin sya sa akin at napataas ang kilay nya nang mapansin ang titig ko sa kanya.

Ang gwapo nya naman kasi..
Bakit nga pala sya nandito?

"Buti naman at nakauwi ka na bryan Kumain ka na." Ani tito.

Umupo ako sa tabi ni angela na nagsisimula nang kumain

"Hijo Sya si Doc Xyden Davis " pakilala ni Tita At pinakilala din nya ako dito.

"Nice too meet you" Masayang sambit ni xyden sakin. Parang ngayon lang talaga kami nagkakilala.

"Sya po ang gumamot kay bry nong nakaraang araw mom"
Nagulat naman si Tita sa Sinabe ni angela

Pinag usapan nila ang Tungkol sa mga
nagawa ni xyden. At namangha ako dahil sobrang layo na pala nang narating nya Madami na talagang nag bago."

"Doc. Siguro sobrang daming nanliligaw sayo na babae o lalaki? Wala ka bang may nagugustuhan sa kanila?" Nakangiting tanong ni Tita.

"Meron naman po at sasagutin ko sya kong liligawan nya ako."
Wika ni xyden

Sino naman kaya yon?

Tsskkkk.......

A/N: Selos yan HAHAHAHA abang abang sa next ud ko

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿Where stories live. Discover now