Chapter 29
Nakauwi na ako sa condo ko ngayon at excited narin ako para mamaya.
Doon kasi kami mag dinner ni xyden sa bahay nila tito. Inimbitahan nila kami at alam narin nila ang relasyon namin ni xydenAng sabi nga ni kiana ay sobrang natuwa sila.
Napatingin ako sa unit ni violetNasa loob kaya sya ngayon?
Siguro natutulog pa sya.Pumasok na ako sa unit ko at nilapag na ang mga gamit ko.
Napaupo kaagad ako nang nakangiti.Parang di parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi! Nilipat ko ang channel nang pinapanood ko pero napatigil ako sa isang balita.
Kagabi lang nangyari to ah! Nakaka-lungkot naman wala talagang may nakaligtas. Naalala ko nga kagabi na sobrang lakas nga naman talaga nang ulan.
Tinignan ko ang cp ko. 1% na ito kagabi ko pa kasi ito di na chacharge.
Kaagad akong napatingin sa isang message.
Violet: Bye bryan yon na siguro ang last nating pagkikita. Sana magkatuluyan nga kayo!
Gusto kong sabihin to pero... alam ko naman na magagalit ka ulit.. dito ko nalang sasabihin!
-i love you bryan:Sa ilalim non ay isang picture nya
Nakasakay sya sa isang...Damn!! Sana naman iba ang sinasakyan nya!
Violet...........
_____
Nagmano ako kay tito karlo nang pumasok kami. Si tita naman ay napakalaki ang ngiti dahil sobrang saya nya na naging kami ni xyden
"Ma'am" wika ni xyden na nagmano kay tita.
"Tita nalang ang itawag mo sa akin hijo. Sobrang natutuwa talaga ako nang malaman na kayo nang pamangkin ko." Masayang sabi ni tita.
Umupo na kami at habang kumakain ay masaya kaming nag-uusap. Pinapayuhan pa nga kami ni xyden
"Bryan kailan mo nga pala sisimulan ang bagong negosyo ninyo?" Tanong ni tito.
"Sa susunod na taon po." Tipid na sabi ko.
Next month na yon..
"Kailan naman ang kasal nyo?" Natawa ako sa sinabe ni tito.
"Mag propropose pa po ako. Siguro kong sasagot nang Oo si xyden pagplaplanuhan ko kaagad ang kasal namin." Nakangiting sabi ko habang nakatingin kay xyden
Nakangiti lang si xyden habang nakatingin sa akin......
A/N: Sanaol talaga may sexy doctor ang pagtatapos ay malapit na.....
____