Chapter 6
"Sandali lang." Iniwan ko si angela sa loob nang kotse ko para bilhan sya nang pwede nyang kainin.
Bumili ako nang ice cream at chocolate. Tss nagpakalasing kasi..
Kinuha ko ang bag na dala ni Kiana at hinanap doon ang Cp nya. Kinuha ko yon pati narin ang earphone nya
Alam ko naman ang Password nya kaya nakinig ako nang music habang Pauwi na kami sa bahay nila.
Pagkarating namin ay dinala ko sya sa loob. Buti wala ang mga magulang nya dito dahil nasa trabaho siguro.
Agad itong nakatulog sa kwarto nya at ako naman ay huminga at nawalan na ako nang gana na bumalik doon.
Lowbat kasi ang cp ko kaya naisipan ko na downloadan nang ml ang cellphone ni kiana.
Naglaro ako sa cp nya hanggang sa maghapon at na lowbat ito,
Siguro maganda kong mag gygym ako mamayang gabi.Matagal narin akong hindi nakapag gym.
____
Tapos na akong mag meryenda nang lumabas si angela sa Kwarto nya.
Namula ang pisngi nito nang makita nya ako.Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Tungkol kanina.. sorry! Wala ako sa sarili ko non." Kumunot ang noo ko sa pagtataka.Ok lang naman sa akin yon ako nga dapat ang mag sorry sa kanya.
"Sorry nilowbat ko Cp mo." Sambit ko at ipinakita ko sa kanya yon na hindi na umaandar.
Mabilis nya na kinuha yon
At napailing."Dito ka na kumain mamaya, wala akong kasama. Dahil hindi uuwi sina mommy at daddy ngayong gabi." Wika nya sa akin.
"Sige na nga tamad narin akong mag luto sa bahay." Sambit ko.
"Tamad ka naman lagi bry." Umupo si angela sa tabi ko at kumuha din nang kinakain ko.
Tss..masungit na sya ngayon kanina nga niyayakap pa ako nito.
"Nga pala di ko na nababalitaan na may girlfriend ka ah. Dati halos araw araw ay meron!"
"Meron na" napatigil sya sa pagkain.
"Sino naman!? Mas maganda ba sa akin? Ipakilala mo!" Sunod sunod nyang tanong.
Ngumiti lang ako at hindi ko sinagot ang tanong nya.
"Sino?" Pangungulit nya sa akinKinagabihan ay hindi ko inaasahan na sasama si angela sa akin.
Gusto nya rin daw na mag gym kaya wala na akong magawa.Nasa loob pa kami nang Sasakyan nang mag salita si angela
"Di ba si Doc. Xyden yon!?" Tinuro ni angela si xyden na kakalabas lang nang gym.
"Sobrang gwapo nya.." wika ni angela. Hindi kami nakikita ngayon ni xyden dahil na sa loob pa kami.
Umihip ang hangin kaya nililipad ang buhok nya na medyo magulo pero hindi parin iyon nakaka bawas ng kagwapuhan nya
Pumasok si xyden sa Kotse nya at umalis dito.
Bumaba na kami ni angela at napatanong sya sa akin."Bryy may girlfriend na kaya si doc?"
Tanong nya sa akin."Meron na" sambit ko.