chapter 9

674 48 2
                                    

Chapter 9

"Bryyy!!"Sigaw ni angela Pagkadating ko nang bahay nila. Tumakbo pa nga sya palapit sa akin.

"Ano yon bryyy... Totoo ba yon? Bryy?  Kayo ba ni doc xyden sinong top sinong bottom sainyong dalawa? ha sino?" Sunod sunod kaagad na tanong nya sakin.

Tskkk. nandito lang naman sana ako para mag patulong sa kanya na mag grocery

"Oo totoo yon." Napatakip sya nang kamay nya at dahil sa gulat.

Ginulo ko nalang ang buhok ko at pumunta sa kusina

"Manang pa timpla nang juice" sambit ko kay manang at naupo ako at nanood sa malaking Flatscreen.

Parang sariling bahay ko lang ah.

"Wahhh ang swerte mo bryyyyyyy!!Congrats sa inyo!!" Sambit ni angela na sumunod sa akin.

"Paano naging kayo? Niligawan mo ba sya? Kailan---"

"Tss.. ang dami mong tanong angela"

"Bryy naman hirap kaya ayusin to." Wika nya pero nakangiti parin dahil sa nalaman.

Dumating si manang na may dalang juice at pagkain.

"Angela pwede bang samahan mo ako mamaya mag grocery? Ikaw ulit ang pipili.." wika ko.

"Kung kay doc xyden ka kaya mag pasama!" Ani nya.

"Baka busy si xyden doctor sya alam mo yun." Sambit ko naman.

"Xyden huh? Sus.. bryyy ang galing mong pumili! Boto ako sa kanya para sayo bryy! Kaya sasamahan na kita mamaya!" Pagka tapos kong mag meryenda ay sinamahan na ako ni angela papunta sa mall.

Taga hila lang ako nang cart habang si angela naman ang pumipili nang mga bibilhin.

"Alam mo bryy para na kitang sariling kapatid or kuya at Hindi pinsan kaya bakit ayaw mo na doon tumira sa amin?"
Tanong sa akin ni angela habang pumipili sya.

"Ayaw ko.. ang ingay mo kasi" sumimangot sya at masama akong tinignan.

Nagpatuloy din naman sya at di na nya ako pinansin.
"Angela bawasan mo naman ang gulay at langgonisa!" Sambit ko dahil yon kasi ang pinipili nya.

"Healthy ito at masarap din kaya kainin mo Ito Kuya B-r-a-y-a-n" Nakangiti nyang sambit.

Nasanay na ako na bryy nalang ang itawag nya sa akin kahit na mas matanda ako sa kanya nang isang taon.

Sumimangot ako at di ko sya pinansin.
Tssk! Hindi man lang nya ako ginagalang

"Ano ba ang ginawa nyo ni doc. Kanina?" Bigla nya ulit na tanong.

"Marami bakit?"

"Wala naman Sanaol nalang may boyfriend halerrr."
Nag bayad na kami.

At Pagkatapos non ay hinatid ko sya sa bahay nila at di pa ako nakauwi dahil doon ako pinakain nila tito.

Di naman ako makatanggi sa kanila.

7:00 PM nang makabalik ako sa Unit ko. At kaagad akong napahiga sa kama.

Excited na ulit ako na makita si xyden bukas!

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿Where stories live. Discover now