Chapter 17
Napatingin ako kay violet at malungkot na nakaupo ngayon.
"Sorry violet.."
Mahinang sambit ko."Ikaw na bahala kong sasabihin mo sa kanila ito. Pero wala ng makakapigil sa akin at sa desisyon ko." Wika ko.
Malungkot syang tumango..
"kong hindi mo talaga ako gusto sasabihin ko kay dad na wag nang ituloy ang kasal." Nabigla ako sa sinabi nya."S-sigurado ka?" Gulat kong tanong.
Huminga sya nang malalim at ngumiti sa akin.
"Di naman kita pwedeng pilitin dahil sya ang gusto mo. At pwede naman tayong maging magkaibigan." Sincere na sabi niya na ikinatuwa ko
"Tara naa.." wika nya.
Tumango ako at nauna syang pumasok sa kotse.
"Babalik ka ba talaga doon mamaya?"
Tanong ni violet sa akin.Tinatangay nang hangin ang buhok nya ngayon at palagay ko parang nakita ko na nga sya dati. Ang ganda.. niya.... Di ko naman pwedeng itanggi yon.
"Sasabihin mo ba sa kanila?" Agad kong tanong.
"Hindi syempre.. pero kong biglang magbago ang isip mo hanapin mo lang ako. Pwede naman na ituloy natin yung arrange marraige." Nakangiting sabi nya na ikinatulala ko
"Biro lang.." kaagad nyang sambit.
Violet.........
____4 pm na nang makabalik ako dito sa bayan nila angela
Walang nakakaalam na nandito ako ngayon maliban kay violetPumasok ako sa loob nang condo ko
at napangiti. Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si xydenDi nya ako sinagot at tinawagan ko sya ulit pero di parin sya sumasagot sa tawag ko.
Isusurprise ko nalang sya mamaya!!
Ilang oras ang lumipas at nakasakay ako sa kotse ko at papunta sa hospital. Alam ko kasi na ganitong oras sya umuuwi.
Excited na ulit ako na makita si xyden! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan ako?
Nag parking na ako at pagkatapos ay bumaba na ako.
Napatigil ako nang makita syang naglalakad kaya naman lumapit ako sa kanya. Napatingin sya sa akin at hinihintay ko nalang na yakapin nya ako.
Pero nanatili syang seryoso na nakatingin sa akin. Di man lang ba sya matutuwa??
"Xyden" sabay kami ni megan na napatingin sa babaeng dumating.
Nagulat ako nang biglang yumakap si xyden sa babae
"Miracle!! Bat ang tagal mo.."
"Sorry, tara na?"
Damn it!!!
Akmang aalis na sila nang mag salita ako.
"Xyden....." sambit ko.
"Bakit bryan?" Wika nya.
"Sino sya xyden?" Tanong nong babae ng nasa tabi nya.
"Classmate ko sya dati.. mauna ka na may sasabihin lang ako sa kanya." Wika ni xyden
At naghalikan silang dalawa sa harap ko..
...
....
....
....Umalis ang lalaki at naiwan naman kaming dalawa ni xyden dito.
Ngumiti sya na parang nagtagumpay sya.Napakuyom ako at di ko sya matignan nang maayos. Ang sakit!!!
"Sorry.. ang totoo di naman talaga kita gusto bryan." Sambit nya..
Di ako sumagot..
"Napagtripan lang talaga kita sorry ah .." nakangiting sabi nya.
Tumango ako at tumalikod na at maglalakad na sana paalis.
"Di ka man lang ba magagalit? Gumanti lang naman ako sayo...di ko nga alam na mahuhulog ka."
Biglang bumuhos ang malakas na ulan...
"Masaya ka na nakaganti kana sakin xyden siguro naman ay masaya ka na?"
"Oo naman.. Hmmpp Bye bryan" Pumunta na sya sa sasakyan nila habang kumaway sakin at ako naman ay naiwan dito nang mag isa.
Buti nalang umulan kaya di halatang tumutulo ang luha ko..
Umuwi ako dito at di inaasahan na ganito..
Ngayon nararamdaman ko na ang naramdaman nya noon. Sobrang sakit..
____
A/N: Ang sarap mapakanta ng I know that your love is gone that your love is gone tama ba lyrics ko HAHAHAHA.................