chapter 11

615 39 0
                                    

Chapter 11

"Para sayo to bryan" Kinuha ko ang ibinigay ni khalix at ininom ko yon.

Kanina pa ako umiinom at nakakaramdam narin ako nang pagka lasing.

Kanina pa nila ako tinutukso kay xyden habang ako naman ay tumatawa lang.

"Uuwi na ako guys! Babalik na si xyden bukas kaya pupuntahan ko pa sya." Sambit ko.

"Ayiiiiee last nalang bryan!" Ani james Sabay abot sa akin nang inumin.

"Tama na yan james lasing na si bryan magmamaneho pa sya." Wika naman ni kyle kaya tumigil na ito.

"Sa susunod ulit!" Ani klark habang ako naman ay naglakad na palabas nang bar.

Kaagad kong pinuntahan ang Kotse ko na nakaparada at pumasok doon.
Pagkapasok ko ay bigla namang umulan nang malakas.

Umulan pa talaga!!?

Pinaandar ko na ang kotse at sinimulan na ang pagpapatakbo.

Tanging tunog lang nang sasakyan at ang ulan na patuloy sa pagbuhos ang naririnig ko ngayon.

Di ko napansin ang Pagdaan nang isang Sasakyan dahil narin sa kalasingan ko.

Naramdaman ko nalang ang pagbangga nito sa kotse ko at saglit akong nawalan nang malay.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang patuloy nang pagdami nang dugo dito galing sa akin.

May mga tao narin sa labas at napahawak ako sa ulo ko. Tangina
Sobrang daming dugo!!

Unti unti ulit akong nanghina at nawalan ako nang malay.
______

"Doctor xyden Meron pa kayong ibang pasyente---"

"Pwede ba!! Wala akong paki-alam sa kanila!! Kailangan ako ni bryan! GET OUT!" Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at iginala ang tingin ko.

May mga pagkain sa tabi ko
at napatingin ako kay xyden Nakauwi na sya?

Nagulat sya nang makitang gising na ako at mabilis nya akong niyakap.
Pawisan si xyden at kita kong pagod sya.

"Thankyou dahil maayos ka na.." malambing na sabi nya.

"Anong oras na?" Mahina kong tanong sa kanya.

"2:00 AM" sagot naman nya sa akin.

"2:00AM? Akala ko mamaya ka pa uuwi?" Tanong ko kaagad.

"Nag text sa akin ang Nurse ko at nalaman ko ang nangyari sayo. Kaya nauna na akong umuwi dito para masiguro ko ligtas ka." Paliwanag nya sa akin.

Wala pa pala syang tulog.

"Mag pahinga ka muna love. ako na ang bahala" wika nya.

𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿Where stories live. Discover now