-45-
Mira's POV
"Glad to see you awake and walking." bungad sa'kin ni Ken nang medyo maka-lapit ako sa kanya. Mukhang kanina pa siya dito at hinihintay ang pag-dating ko. Nginitian ko lang siya at umamba ng yakap. Umalis siya sa pag-kakasandal sa service car niya at sinalubong ang yakap ko.
Tumingin siya sa pinanggalingan ko, "Ikaw lang?"
Napa-tingin din ako sa likod ko at napa-buntong hininga. Malungkot ko siyang nginitian at tumango. Kalalapag ko lang dito sa Osaka galing sa flight ko from Tokyo.
"You're not possibly serious about what you said on the phone, right?" tanong niya sa'kin habang pinapanood namin ang chauffeur niya na inilalagay sa trunk ang mga dala ko.
"About what?"
"About you and Xander? There's no way he would leave you."
Napa-buntong hininga ako sa sinabi niya, "Well technically, he gave me no-show for several days now."
"Tinatawagan mo ba?" tanong niya habang pinagbuksan ako ng pinto.
"I already did. Several times." I told him and went inside the car.
Pumunta siya sa kabila at sumakay na din sa loob ng kotse, "Maybe you just need to wait for him."
Napa-buntong hininga na lang ako, "Pati mga magulang niya, hindi kinaya ugali ko e."
Natawa siya sa sinabi ko, "I could literally relate."
I rolled my eyes on him. Once the driver was seated, he asked us in Nihonggo on where should he take us.
"Wala kang mapapala sa bahay niyo. Wala dun ang parents mo ngayon, nasa Tokyo."
"Hindi ko pa muna sila pupuntahan. Take me to the office instead."
"What the hell are we doing there?"
I blankly looked at him, "I said, take me there."
He just exhaled as he turned to the driver, "Jimushitsuni tsureteittekudasai." 'Take us to the office.'
Sa saglit na byahe, wala na 'kong narinig na angal mula kay Ken. Mabilis rin naman kaming nakarating sa main office. Pagpasok ko palang sa loob, nasa akin na lahat ang mata ng mga tao. Hindi ko na lang sila pinansin at tuloy tuloy lang akong nag-lakad hanggang sa opisina ni Dad. Pag-pasok, dumiretso ako sa may receiving area at inihagis ko lang ang bag ko sa sofa saka pabagsak na umupo.
"Show me anything." I said.
"Ano naman ang ipapakita ko sayo?"
"Lahat. Lahat ng mga nangyari at lahat ng inasikaso mo."
He took a sigh as he went on one of the drawers. Dalawang makapal na binders ang kinuha niya saka inihagis sa table ni Dad. Tumayo ako at pinuntahan saka sinumulang buksan ang nasa ibabaw na binder. Puro portfolios at reports ang laman ng binders. At kada buklat ko, para akong namamanhid. Onti-onting nauubos ang lakas sa mga tuhod ko.
Dito ko lang nalaman kung gaano kagulo ang sitwasyon ng kumpanya. It was literally a sinking ship. Wala nang perang pumapasok sa kumpanya. Puro reports ng decline in sales, lost funds, and debts nakikita ko. May ilan na ring na-liquidate na assets mag-mula nang mawala ako. To add more salt to the wound, kahit ibenta ang buong kumpanya, hindi sasapat para mabayaran ang mga utang na hindi ko alam kung saan nanggaling. To fvcking sum it up, the company was no longer thriving. Marahas akong huminga. I even held on to the table for support.
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises II [COMPLETED]
Romance"In the place where it all started, where I met him, and where it also end, should I go back and stay?" that was what Mira asked to herself. What would she choose? [[HIGHEST RANK: #730 Romance Genre (06-24-17) First cover by @nyctoclipse Second...