Chapter 29: Be Mine

323 13 5
                                    

A/N: SPG ahead, I repeat, SPG AHEAD
======

-29-

Xander's POV

Nang maka-alis si Owen, niligpit ko na ang mga pinag-inuman namin. I was about to go to my room when I saw Mira, still on the sofa and is now sleeping uncomfortably with the blankets.

I sighed as I went to her. She was sleeping soundly but uncomfortably. Inayos ko yung blanket sa katawan niya at dahan dahan siyang binuhat papunta sa kwarto niya. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama niya at iniayos ang ulo niya sa unan.

Nang maayos ko na ang higa niya, inayos ko ang kumot niya at paalis na sana ako nang bigla niya akong hatakin sa braso, dahilan para mapa-luhod ako ulit sa kama.

Mira opened her eyes and stared at me, "C-Can you stay here?"

"What?"

"Can you sleep here?"

"Mira, I don't think—"

"I trust you. Would that be enough?"

I stared at her. I took a sigh and laid down beside her. I was putting enough distance between our bodies, kasi baka galit pa rin siya, but then, bigla siyang humilig sa'kin at umunan pa sa braso ko. I was tempted to encircle my arms around her waist.

Then I felt her fingers on my lips, "Does this still hurts?"

"A bit."

"Sorry..."

Tumingin ako sa kanya, "Galit ka pa rin ba?" I asked.

She sighed, "Nainis lang kasi ako. I mean, that was my first time confessing to someone tapos... I mean, akala ko okay na kasi parehas naman tayo ng nararamdaman e. Yun pala, hindi."

"Mira, believe me when I say I am the most happiest man alive when you've said those three words. Sobrang saya ko. Pero, ayoko naman na mag-sinungaling ako sayo na hindi ko pinag-dududahan ang nararamdaman mo. Ayokong humarap sayo na parang okay lang ang lahat, kahit hindi naman talaga. But Mira, 'pag sinabi kong mahal kita, mahal kita. Hindi mababago 'yon, mula noon hanggang ngayon."

Yumakap siya sa'kin, "I know that. And I love you too. It's just I can't help not to feel frustrated." tumingun siya sa'kin, "Sorry ha? Sa mga inakto ko pati na rin sa labi mo. Ayoko lang na matapos 'tong araw na 'to, magka-away pa rin tayo. Nakakahiya din sa parents mo lalo na sa Mama mo. She told me she can strongly feel the rift between us."

"I don't know, but most of the ladies in our family, malakas ang pandama sa mga ganyan. Tisha's the same, she can almost read minds." Then I chuckled, "Teka, Mama ko? Baka Mama mo. Halos kinakalimutan niyang may anak siya kapag nandun ka e."

"Gustong-gusto lang talaga daw niyang mag-karoon ng anak na babae, which unforetunately, she didn't had the chance. Ang lolo mo daw ang may ayaw na sundan ka."

"Anjan ka naman na e. She actually doesn't need me anymore."

"Grabe ka naman! Di naman sa ganun. Natutuwa lang talaga siya." then she paused. She looked at me with a blushed face, "A-Alam pala niya yung tungkol sa'tin?"

"Na ano?"

"Alam mo na yun!"

"Alin?"

"Aish! That we both love each other! Nabanggit din sa'kin ni Owen yan nung uminom kami. At alam daw ng buong angkan niyo yung tungkol sa'kin at kung sino ako sayo." bigla siyang bumangon paupo at medyo naiinis na tumingin sa'kin, "Xander naman e! Bakit ba napaka-open mo sa kanila? Nakaka-hiya tuloy silang harapin!"

Bestfriends with Promises II [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon