-42-
Mira's POV
Nanghihina akong tumingin sa kawalan habang hindi magkanda ugaga sila Mama na contact-in si Xander. Medyo nananakit pa rin ang ilang bahagi ng katawan ko, pero mabuti naman daw at walang masamang naidulot ang pag-bagsak ko kagabi sa pag-rerecover ko.
Apparently, Xander did left us. Or me. Hindi na siya nahabol nila Mama nang magising ko sila sa pag-daing ko dahil sa pag-bagsak ko. Mula kagabi hanggang ngayon, hindi siya ma-contact. Iilan lang din kami dito para hanapin pa siya at pinatulog pa nila ako kagabi. Pakiramdam ko, saglit nga lang din akong naka-tulog, kung hindi pa nila ako tinurukan ng kung ano para kumalma at maka-tulog. Everything was a complete mess.
"Please do anything to find him, please..." I pleaded my sister.
"Mira..."
"Ate please. I am such a douche for saying that. Find him please!"
"Mira, kumain ka na muna..." mahinang paalala sa'kin ni Ate.
"Wala akong gana, Ate."
Napa-buntong hininga na lang siya sa sinabi ko, "Your therapy is starting several minutes from now. Kailangan mo ng lakas."
I laughed humorlessly. Lakas? It felt like Xander brought all my strength with him. Kung hindi ba naman kasi sa katangahan ko, hindi sana siya aalis. If I was not stubborn... If I only listened... If I was only sensitive to his feelings, he won't leave. Tama rin naman kasi e, hindi lang naman ako ang naguguluhan at nasasaktan.
"Eat up Mira, kahit ilang kutsara lang."
I completely ignored her. I transferred my focus to Xander's parents who were clearly worried for their son's whereabouts.
"If you want to chase wherever in hell Xander is hiding, how about getting back your strength first?" I heard Patrick said.
I managed to drag my sight to him as he got me with what he said.
"No one here is going to feed you the information you need. Above all, that is what Xander wants. Now, if that is the reason why you're being stubborn, then work on getting back on your toes. You have all your family's money at your disposal, use it as a resource to find what you need afterwards." mariin niyang sabi.
Napa-tikom ako sa sinabi niya at labag sa loob na sumunod sa kanya. Pinilit kong kumain kahit hirap na hirap ako sa pag-lunok. Habang kumakain, patuloy pa rin akong nakamasid kila Mama. At sa nakikita ko, hindi talaga nila macontact si Xander.
Di kalaunan, nagsimula na rin ang therapy ko. Tama si Patrick, kung hindi nila ibibigay ang hinihingi ko, might as well find those things on my own. Kaya mas pinili kong punuin ang isip ko sa pagfofocus sa therapy ko.
Lunch time came, I suited myself to eat under the glares of Patrick. Clearly, he's blaming me in causing this mess to happen. The week was going on well, until... I fvcked up. And he's not liking it, as if I blew up something they were planning of. At nang matapos akong kumain, sinalubong ko ang galit niyang tingin.
"Go on. Blame me now." I sarcastically started.
He angrily scoffed, "Why do you have to be so stubborn?"
"Why do you have to keep me away from the truth?" I spat back at him.
Pwede kaming magsigawan ngayon sa kwarto dahil pansamantalang lumabas ang mga magulang ni Xander.
"Bakit hindi mo na lang kasi kami pagkatiwalaan? We're doing this for you!"
Hindi ko na nagawang sumagot pa pabalik sa kanya. Paikot ikot lang naman kasi kaming lahat. Mag-tatanong ako tungkol sa mga alaala ko, hindi nila ako sasagutin, at magagalit kapag ipinilit ko pa ang mga tanong ko. Patrick just angrily exited the room after giving me an earful of lecture about my stubbornness.
![](https://img.wattpad.com/cover/9715095-288-k42047.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises II [COMPLETED]
Romansa"In the place where it all started, where I met him, and where it also end, should I go back and stay?" that was what Mira asked to herself. What would she choose? [[HIGHEST RANK: #730 Romance Genre (06-24-17) First cover by @nyctoclipse Second...