SPG ahead y'all
=====
-35-
Mira's POV
After almost a year, nag-babalik na naman ako dito sa Villa na minsan kong itinuring na impyerno. If only I had the choice, I won't be here. Pero hindi ko hahayaan na may masaktan kila Xander at mas lalong hindi ko ring hahayaan na masaktan ang kapatid ko.
I was really treated before we flew. I earned few bruises and minor injuries because of what they did. But I don't know why pero kahit na I was treated and finally I am feeling no pain in my body, parang may nawala sa katawan ko na hindi ko maintindihan. I felt incomplete out of a sudden.
Isa pa sa pinag-tataka ko, nag commercial plane kami. Although they booked business class. The whole trip, bantay sarado ako sa kanila. At nang lumapag kami sa Pilipinas, pagka-labas na pagka-labas palang, tinali na nila ang mga kamay ko.
Naka-tali pa rin ang mga kamay ko sa likod nang bumaba kami sa sasakyan at nag-lakad papasok ng Villa. Unang napansin ko ang mga highly tinted at malamang sa malamang na mga bulletproof na sasakyan sa paligid ng Villa. Nag-kandamatay na rin ang mga halaman at kung hindi pa na-maintain ang kulay ng mismong mansyon, mukha nang haunted house ang villa. Naka-dagdag pa don ang malakas na pag-ulan.
Tuluyan kaming pumasok sa loob at halos walang nabago sa ayos ng mga gamit dito. Kung mayroon mang nabago, ang mga ilaw. Kahit tanghaling tapat, halos madilim ang kabuuan ng mansyon.
"Zedric, look what I got for you." Zedric's watchdog barked.
Huminga ako ng malalim nang maramdaman ulit ang takot sa sistema ko nang tawagin niya si Zedric. Ilang sandali pa, nakarinig ako ng mgga yabag mula sa taas. At kaagad na bumungad si Zedric sa itaas.
"Look who's here." the devil still managed to say.
Kaagad siyang bumaba, wearing those sinister smile on his smile whom I abhor the most.
"If it's not my feisty fiancée."
I scoffed on his words, "If it's not the devil reincarnate."
Lumapit siya sa'kin at akmang hahawakan ang baba ko kaya mabilis kong iniwas ang mukha ko. Pero mabilis at marahas niyang hinawakan ang pisngi ko. He then smiled, "You know what? There's been a lot of changes since you left. I hope you can catch up."
Marahas niyang binitawan ang mukha ko. I answered him with a smirk on my face, "Marami na ring nagbago mula nang umalis ako. At isa 'yon sa mga desisyon kong hindi ko pinag-sisisihan."
Zedric never removed the smile plastered in his face and it annoys me. Pero hindi ko ipinahalata.
"Where's my sister?" I asked.
"That's very noble of you to ask. Follow me."
Naramdaman kong itinulak ako ng aso ni Zedric para sumunod sa kanya. We went upstairs and the second floor was anything but fine. Where's my adoptive parents?!
Nag-lakad siya hanggang pumasok siya sa kwarto ni Ate. He stopped at the doorway and motioned me to come inside first. Pagka-pasok na pagka-pasok ko pa lang, kaagad kong nakita ang kapatid kong parang hayop na naka-tali.
"HAYOP KA ZEDRIC!!!"
I immediately ran to my sister. She looks awful, more than that. Literal na bugbog sarado ang mukha ni Ate, to the extent na color violet na halos ang karamihan ng mukha niya.
"Ate..." hindi ko mapigilan mapa-hikbi. I was also frustrated dahil naka-tali sa likod ko ang mga kamay ko.
"I told you that I hope you can catch with the changes in here."
BINABASA MO ANG
Bestfriends with Promises II [COMPLETED]
Storie d'amore"In the place where it all started, where I met him, and where it also end, should I go back and stay?" that was what Mira asked to herself. What would she choose? [[HIGHEST RANK: #730 Romance Genre (06-24-17) First cover by @nyctoclipse Second...