Chapter 12: La Union

323 19 0
                                    

-12-

Mira's POV

It was already 12am when we arrived in La Union. Patrick went straight infront of a bungalow house. I got confused that's why I asked, "What are we doing here?"

"This is where we'll stay."

"Not in a hotel?"

"Nah. Hindi ba nasabi sa'yo ng kapatid mo na fully booked ang mga hotel ngayon dito."

I just nodded. Kaya pala nag-alangan siya sa dami kong dala. Bumaba kami sa kotse at sinalubong ang isang matanda na galing sa bahay.

"Maganda gabi po." - Patrick

"Magandang gabi rin sa inyo. Miss Mira, magandang gabi po."

Nagulat pa ako nang banggitin niya ang pangalan ko, "Kilala niyo ho ako?"

"Syempre naman po. Hindi po nakakalimutan ng Ate mo at Mama mo na ipakilala ka sa amin."

I nodded and smiled to him. Bago kami pumasok sa bahay, kinuha na muna namin yung mga gamit.

"Dami kasing dala e." - Patrick

"Sorry na. Hindi ko naman alam e." 

At dahil sa dami kong dala, bitbit ang duffel bag, tatlong luggage ang hatak-hatak ko. Patrick helped me with only two luggages. Tch, pang-asar talaga yung lalaking 'yon.

"Need help with that?" napa-angat ako ng tingin sa narinig ko and saw Xander looking at me.

Umiling lang ako, "No, I can manage."

"I insist." he smiled and pulled the other two luggage from my grip, leaving one luggage to me.

Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. It's just a simple house. Malaki na rin siya compared to the other houses in here.

"Ito ang ibinigay sa'min ng Mama mo kapalit ng pangangalaga sa farm ninyo. Kaya sobrang pasasalamat namin sa kanya." sabi ng matanda 

"Marapat lang naman po e. Maayos daw po yung farm sa pangangalaga ninyo. Ano nga ho  ulit ang pangalan niyo?" tanong ko

"Jaime ho."

Naramdaman namin na may bumaba sa hagdan kaya napalingon kaming lahat. We saw a woman, maybe in her late sixties or seventies descending down the stairs. She gave us a warm smile as she went to Mang Jaime.

"Mam, Ser, asawa ko nga ho pala, si Nenita. Siya ho ang kasama kong nangangalaga dito."

"Magandang gabi po." bati niya sa'min

"Magandang gabi din po." bati namin

"Pasensya na po at naistorbo pa ho namin kayo. Dis oras na ng gabi." - Patrick

"Naku, ayos lang. Inayos ko na rin ang tutulugan niyo." sabi ni Manang

"Kaso, dadalawa lang ang kwarto namin dito. Kaya naisip namin na kung pwede, mag-kasama na lang yung dalawang lalaki sa isang kwarto tapos dun ka na ho sa isang kwarto, Mam Mira." sabi ni Mang Jaime

"Po? E pano ho kayo?"

"Naku, dito na lang ho kami sa lapag. May kulambo naman ho kami dito."- Manang

"Naku hindi po." tumingin ako kila Patrick, "Hindi ho tama na kayo po sa lapag. Ako na lang ho."

"Ay hindi po mam. Hayaan niyo na kami dito at kami'y sanay na rito."

Bestfriends with Promises II [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon