CHAPTER 3

4.6K 97 0
                                    

SHE IS DANGEROUS

Written by: Apple

"Sabay na kasi tayo ah."

"Ang gugulo niyo."

"Dali na baka umalis pa."

Dahan-dahan ang hakbang ng anim na babae papalapit kay Danarah.

Hindi naman nakatiis si Danarah kay siya na ang naunang humarap sa mga ito. Nagulat ang anim, animo'y nakakita ng multo.

"H---hi!!!" Sabay-sabay nilang bati sakaniya.

Tinitigan niya ang mga ito.

"Pwede bka ba naming makilala." Turan ng babaeng parang manika, nakatali ng magkabilaan ang buhok. "ako si Charmaine Charina Bagunu, cha-cha for short."

"Ako naman si Marvina Iglesias, Marvi for short." Turan naman ng babaeng nakasuot ng umiilaw na headband. Sumunod naman ang babaeng may glitters-glitters sa mukha.

"Ako naman si Carmelita Paterno, a.k,a. Carmi at ninuno ko si Pedro Paterno."

PEDRO PATERNO??? Da who???

Bumaling ang tingin niya sa tatlong magkakamukha.

"Ako si Wind." Ang may kulay asul na laso.

"Ako naman si Storm." Ang may pulang laso.

"At ako naman si Ice." Ang may puting laso.

"At kami ang mga super triplets." Sabay -sabay na sigaw ng tatlo at kaniya-kaniya pa ng post.

Napanganga siya. Wala ba siyang makakausap na matino?

"Danarah!" Kaswal niyang tugon sa mga ito.

"Pwede ka ba namin maging friends kasi kaming anim ay tinatawag na pirhana dolls nagha-hire kami ng isa at wala pa kaming nakikita na qualified. Kailangan kasi maging seven kami para SUPER SEVEN GIRLS na ang itatawag sa amin." Si Cha-cha na bilog na bilog ang mata.

"Okay!" Wala sa sariling sagot niya.

"Yehey!!!" Sabay- sabay na turan ng anim.

Saka namang nagkakagulo sa kabikang pwesto ng dumating ang sopistikadang babae at winawagayway pa ang mahabang buhok sabay gawad ng pekeng ngiti sa mga mag-aaral.

"Uy Danarah, kilala mo ba yan?"

"Siyempre hindi, bago lang ako dito diba, kaya natural hindi ko siya kilala at wala akong balak makilala siya." Supladitang sagot niya. Sa lahat kasi na pinakaayaw niya ay ang mga babaeng maaarte, maraming kolorete sa katawan, makapal ang make-up at matatangkad.

"Siya ang tinanghal na Ms. Campus ng Anniston U at dalawang taon na siya sa pwesto niyang yan." Si Marvi.

"Kaya naman, super yabang niya. Kala mo naman super ganda samantalang makeup lang ang makapal sakaniya." Si cha-cha.

"At kung wala siyang makeup, ang pangit na niya. Eewww!" Si storm.

"At ang tawag namin sakniya ay illegal wife ng campus dahil ang hilig niyang mang-agaw ng boyfriend." Si Carmi.

Pagdating nila Jiro ay maging ang mga pirhana dolls ay nagtilian.

"Whoaah, grabe!!" Sa isip niya.

Napadaan ang mga ito sa kinatatayuan niya. Nagtama ang kanilang mga mata ni Jiro hanggang sa naging malagkit ang tingin ng binata. Naiinis siya sa mga ganoong tingin at takenote,,sensitive siya sa mga ganiyang bagay at ayaw niya ng ganoong titigan. Nang nasa California siya, ang sinumang gagawa ng hindi maganda sakaniya ay umuuwing may karamdaman at ayaw na niya ng bayolente, baka malaman ng kaniyang ama ay ililipat naman siya sa Vatican, kaya naman todo-todo siyang nagpipigil at nagkukunwaring inosente.

"Kumusta ang first day mo with your angelic schoolmates, classmates and mentors?"

Naiinis siya sa nanny Stephanie niya. Mga baliw na nga ang maghapong kasama niya sa Anniston U, pati ba naman sa antique nilang tirahan ay baliw din na yaya ang madadatnan niya.

Hindi siya kumibo, dere-dertso siya hanggang sa kaniyang kwarto. Nakasunod naman sakaniya ang kaniyang nanny. Pagkapasok sa loob ay pabalibag niyang isinara ang pintuan kaya naman ang nanny Stephanie niya ay napadaing ng tumama ang ilong niyang matangos at malaki sa pintuan nito.

"Aahh, may araw ka ring maldita ka. Hmmppp!" Saka padabog na bumaba.

Kinabukasan, ang maamong mukha ni Jiro ang una niyang nabungaran sa loob ng campus. Hanggang sa ang nagkumpul-kumpol na mga kasamahan nito ay naghiwa-hiwalay at nakita niya ang pagbagsak ng isang lalaki mula sa kanilang pwesto. Bugbog sarado ito at napansin din niya ang duguang kamao ni Jiro. Marahil ay siya ang nambugbog. Naikuyom niya ang kaniyang kamao ngunit pinilit ang sariling wag ipakita na nakakaramdam siya ng awa. Kung nandito lang ang mga kaibigan niya ay siguradong mabubuwag ang alpha gamma rho na yan dahil bubuwagin ito ng kaniyang----, hayyss! "May araw din kayo." Hasik niya sa sarili.

Nagbabasa siya about philosophy ng biglang sumulpot ang mga pirhana dolls. Nagulo tuloy ang isip niya.

"Danarah, sama ka sa amin."

"Saan???"

"Basta, dito lang tayo sa loob ng campus. May gagawin tayo."

"Ano?"

"Basta, sumama ka nalang sa amin. Dali!!" Wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang mga ito na sumama.

Napansin niya ang lugar na kinaroroonan nila. LOCKER ROOM FOR MEN. Ito ang nakalagay sa bungad ng pinto. At ang mga pirhana, maninilip pa. Parang gusto niya tuloy ang umurong na. Pero ano naman kung sasama siya. Baka sabihan pa siya ng maarte.

"Ayun sila!" Si Cha-cha na namimilog na ang mga mata sa mga nakikitang bukol sa loob ng twalyang nakatapis sa kanila.

Nagtitilian ang mga anim samantalang siya ay kaswal lang na sumusunod sa mga pinaggagawa ng mga ito.

"Dali kunin niyo ang mga twalya." Utos ni Carmi sa triplet at dali nilang kinuha ito.

Limang twalya ang nakuha ng mga triplets, na hindi man lang pnila napansin.

Tawanan ang anim sa kalokohan nila. Patuloy silang nagkubli saka naman paglabas ng limang kalalakihan na walang saplot. Lalong nagtilian ang anim sa nakitang hubad na mga lalaki na hinahanap ang mga kagamitan.

Habang tumitili ang mga pirhana ay itinakip naman ni Danarah ang mga palad niya sa kaniyang mukha.

"Bakit? Anyare sa inyo?" Narinig nilang boses ng lalaking nakatapis lang din ng twalya. Boses iyon ni Jiro.

"E master, nawawala ang mga twalya namin dito." Sagot ng isang hubad.

"Halla, maghanap kayo ng itatakip niyo sa mga katawan niyo at ng hindi kayo nakahubad ng ganiyan."

"Di bale master, wala naman ibang tao dito pwera lang sa ating mga lalake na nadito."

Sa kinaroroonan naman ng mga pirhana kasama si Danarah, hindi napansin ng mga super triplets ang nakapatong na speaker sa pinagkukublian nila at dahil sa magugulo ang mga ito ay nasagi nila ang speaker dahilan kaya bumagsak ito na siyang nagdala ng ingay kung kaya't ang mga kalalakihan kasama na rin si Jiro ay napalingon sa kinaroroonan niĺa. Nagulat ang mga ito dahil may mga babaeng nakapasok.

Nagtakbuhan ang mga pirhana dolls at dahil sa pagkagulat niya ay hindi siya agad nakakilos. Naiwan siya sa loob ng locker room habang hawak niya ang mga tuwalya na kinuha ng mga pirhana dools.

SHE IS DANGEROUS ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon