SHE IS DANGEROUS
Written by: Apple
Nagsitigilan ang mga mag-aaral. Kapag ganong usapin ay behave sila baka sakaling lalake ang bagong classmate nila at saka sila magtitili kapag gwapo ito at matikas.
Pumasok ang isang lalake na nakajacket at suot at hood nito sa ulo. Kumunot ang noo ni Danarah. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakayuko pero parang pamilyar siya at nasisiguro niyang lalake ito.
"I would like you to meet Ren Azi Otawa, your new classmate." Nakangiting pakilala ng guro sabay angat naman ni Azi sa kaniyang mukha at tinanggal ang hood ng jacket.
Nagulat si Danarah na nakaramdam ng saya. Si Azi ang kaniyang matalik na oaibigan at kakampi sa St. Francis Academy. Ang tagal niyang pinangarap na sana ay may dumating na kaniyang kaibigan ngayon ay narito na siya. Nagtitigan sila ni Azi at bakas sakanila ang pananabik na makita ang isa't-isa.
Ang kga iban naman lalo na ang mga babae ay nagtitilian dahil cute itong tignan kasabay pa ng chinito niyang mata at makikinis niyang balat.
Naupo si Azi sa bakanteng upuan sa tabi ni Danarah.
"Azi."
"Kumusta ka na Danarah."
"Asan yung iba, salamat naman at sinundan mo ako dito."
"Hindi ka namain matiis Danarah. Pinadala ako dito ng kuya Dave mo."
"Ganun ba, nasaan siya?"
"Naroon pa rin sa California, may mga inaayos pa siya kasama ang team."
Ngumiti lang si Danarah saka sila lumingon sa harap dahil nag-uumpisa na ang kanilang guro na magsalita.
Magkasama ang dalawa na lumabas ng kanilang silid-aralan. Nagtaasan ng kilay ang mga iba dahil unang araw palang ni Azi sa Anniston U ay parang magkakilala na ang dalawa. Wala silang kaalam-alam sa ugnayan nila. May nakuo tuloy na tsismis lalo na ang mga insecure kay Danarah na si Demi at Lavinia.
"Hindi ba girlfriend ni Jiro si Danarah? Bakit kasama niya ang bagong student?"
Samantala, naiirita naman si Lavinia. Si Danarah na naman ang napansin samantalang siya ay nasa sulok lang na naghahanap ng magbibigay sakaniya ng atensyon.
"Na-mimiss ko na ng sobra ang St. Francis. Alam mo bang walang araw na pinangarap kong makasama ko kayo muli." Malungkot na turan ni Danarah.
"Patawad Danarah, hindi ka man lang namin naipagtanggol." Wika ni Azi.
"Naiintindihan ko kayo. Marahil ay hindi lang nauunawaan ni daddy amg sitwasyon natin pero hindi ko rin alam kung alam ba niya ang mga nangyayari sa akin dito."
Tinitigan siya ni Azi. Nararamdaman nito na hindi siya masaya.
"Anong plano mo sa unibersidad na ito Danarah?"
"Simple lang, ang gawing matiwasay at mairerespeto ang paaralang ito. Alam kong madaming bumabalot dito na hindi maganda. Ewan ko ba kung bakit parang wala silang pakialam kahit magkagulo at malugmok ang school na ito sa kahihiyan pero gagawin ko ang lahat para mabago ito."
Napahawak si Azi sa kaniyang palad saka pinisil ito. Naintindihan ni Danarah ang ibig sabihin non. Magiging katuwang niya si Azi.
Samantala, halos lahat na ng sulok ng Anniston U ay nalibot na ni Jiro kasama ang ilan sa mga alpha gamma rho ngunit hindi parin niya makita ang kinaroroonan ni Danarah. Hindi siya mapakali, parang may kulang sakaniya kapag hindi niya ito makita kahit kalahating araw lang. Gusto niya ay lagi niya itong kasama. Tinamaan na talaga siya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
SHE IS DANGEROUS ( Complete )
RomanceDahil sa hindi magandang pangyayari ay nagpasya ang ama ni Danarah na iuwi siya sa Pilipinas mula sa California at ilipat siya sa Anniston University, isang ekslusibong unibersidad sa Pilipinas na ang mga kurso ay may kinalaman sa business, at ang m...